Epilogue

50.9K 1.1K 476


kidarulke = i'll wait for you 

nal kidaryeo = wait for me 

unjaena = always 

youngwonhee = forever 

Seobang = hubby/husband


Nararamdaman ko na yung sinag ng araw sa aking mukha. Unti-unti kong idinilat yung mga mata ko. Sa sobrang pagkasilaw ihinarang ko yung kamay ko sa may tapat ng mata ko. Umaga na naman.

Tumingin ako sa may tabi ko at nakita si Athena. Napangiti ako nung nakita ko siya.

"Athena.. gising na. Uuwi na tayo maya maya."

Nakita ko yung ngiti niya. Yung ngiting nagpapalakas ng loob ko sa araw araw na dumating.

Bumangon ako para mag hilamos at maghanda ng almusal. Dahil maya maya ay lilipad na ulit kami pabalik ng pilipinas.

"Athena, masaya ka ba? Tama ka.. maganda nga dito sa Jeju Island."

Hinde siya sumagot sa akin. Tumingin lang ulit ako sa kanya pagkatapos kong magluto. Nakangiti parin siya sa akin.

Lumapit ako sa kanya, "I love you.."

Hinde parin siya sumagot. Naramdaman ko lang yung pagyakap niya sa akin. Masaya na ako dun.

"Wag mo muna akong iwanan.. Hinde ko pa kaya. Ha?" Naramdaman ko yung paghalik niya sa akin sa pisngi ko.

Kumain na ako at naligo na. Pagkatapos ay nag empake na ko. Nagcheck-out na ako sa hotel nila Athena at dumeretso sa airport.

Sa eroplano, hinde ko mapilitang hinde malungkot.

"Masaya naman diba, Athena? Nasayahan ka naman kahit na saglit lang tayo dun?" hinawakan niya yung kamay ko. naramdaman ko yun, kahit na nakatingin ako sa may bintana.

Tinupad ko yung promise ko sa kanya. Dinala ko siya sa Jeju Island. Same date. March 26. Hinde ko kasi pwedeng i-break yung promise ko na yun sa kanya. Ayokong ma-disappoint na naman siya sa akin.

Kahit na kelangan umuwi na ng 28.. basta tinupad ko parin. Hinde kasi ako pwedeng mag tagal. Meron pang masimportanteng kelangan gawin sa pinas.

Hinde ko naramdaman masyasdo yung feeling na nasa eroplano ako dahil masyadong malalim ung iniisip ko. Narinig ko na lang na maglalanding na kami at kelangan mag seatbelt na.

Pilipinas.. nandito na kami ulit. Naglakad ako papalabas ng airport. Sinalubong ako ni Lucas at Kirby ng yakap.

"Kamusta Korea? Masaya ba?" tanong sa akin ni Kirby habang naka akbay sakin

"Masaya naman kahit papaano.. Ata."

"Ata? Sige.. sasabihin ko sa kanila na magbakasyon tayo sa korea. Para maging mas masaya yung trip mo!"

Tumango na lang ako sa kanila at pilit ngumiti. Sumakay na kami sa kotse ni Lucas. Stinart na niya yung kotse pero bago kami umandar may sinabi si Kirby

"Dun na nga raw pala tayo dumeretso sabi ni Tita Andrea."

Tumango ako habang nakatingin sa may bintana, "Ok. Sige.."

15 minutes.. Athena.. 15 minutes na lang..

"I love you.. Kahit na san ako mag punta, ikaw lang mamahalin ko. I love you.. Kahit na ilang beses mo akong saktan, ikaw parin ang mamahalin ko. I love you.. Kahit na pagod na pagod na ko, ikaw parin ang mamahalin ko. I love you.. Kahit sa kabilang buhay.. ikaw parin ang mamahalin ko. I love you.. kahit na sobra sobra na yung pagmamahal ko sayo, patuloy parin yung pagmamahal ko sayo. I love you.. Kahit na sandali lang yung pagsasama natin, masaya ako dahil nakasama parin kita kahit papaano.. I love you, Kenji.. I love you.. I love you.. I love you.. UhnJaeNa,YoungWonHee.."

She's Dating The GangsterRead this story for FREE!