Chapter 31

25.6K 560 21

Chapter THIRTY ONE

Hinde niya ako sinundo sa bahay bago siya pumunta sa sushi bar, hinde siya nag text or tumawag na mauuna na siya. Nakita ko na lang siya pag dating ko sa sushi bar. Gusto ko sanang mainis pero hinde ko magawa, maaapektuhan yung trabaho pag hinde ko papalagpasin ung ginawa niya. Pati masyadong mababaw yung pagtatalunan namin kung papatulan ko pa yun.

Hinatid naman niya ako pauwi ng maayos. Nagkwentuhan kami, pero hinde tungkol sa trip nila sa batangas. Hinde ko alam kung bakit hinde ako nagpakwento tungkol dun.. parang ayoko lang malaman. Hinde naman dahil sa feeling ko ang boring pakinggan pero.. parang hinde lang magandang magpakwento.

After 1 week.

Friday, December 8, 2006

Isang linggo na niya tong ginagawa sa akin, nakakaasar na. Hinde ko alam kung may mali akong nagawa o meron siyang hinde nagustuhan na ginawa ko eh. Late na siya kung pumasok sa class, naka white sneakers, bumabalik ung bad boy image niya, tapos naka contacts na ulit siya. Brown pa.

Lunch time namin nawala siya bigla. Pangalawang beses na niya tong ginagawa ngayong week. Ayoko mag isip ng alam kong ikasasama ng puso ko, it might give me a heart attack.

"Lucas.. Uh ttoh ke?? Malhae bwa yo.." [What do I do? Tell me..] "Yown oh. Pwedeng tagalog? Pwede ring english."
I sighed. "I don't know what to do anymore.."

He patted my head, "Magiging ok rin kayo ano ka ba.. think positive. Isipin mo nasa kalagitnaan lang siya ng pag 'PMS' niya." then he laughed. "pero seryoso.. ano nagustuhan mo kay Kenji? Kasi gwapo siya?"

"GWAPO? Chi. Geuneun gyoul kko jal sanggiji anhattda." I smiled at him, "hinde ko talaga siya nagustuhan nung unang kita ko sa kanya.. feeling ko palagi akong mapapahamak kung magiging kaibigan ko ung lalaking un eh.. pero tingnan mo, nagustuhan ko siya dahil sa nakakapikon na ugali niya. I want him back.. I want my gangster back.. " [he's far from handsome]

"Ano ka ba. Wag ka na kasing magisip ng kung anu-ano, ok?? Tara. Mag bebell na in a while."

Tumayo siya tapos inabot yung kamay niya sa akin.
"Wait lang. Tumatawag si Carlo." I flipped my phone, "Bakit?.. Ha??? sige pupunta ako dyan after

ng last class ko... intayin mo ko ok?? sige.. sige sige... bye.."

I looked at Lucas, "Patay na lola ni Carlo.. Lucas wala na rin parents niya.. Pano na si Carlo ngayon?"

Hinde ako mapakali sa mga nangyayari, una si Kenji, ngayon naman si Carlo. Hinde ko na muna kinulit si Kenji sa classroom, hinayaan ko na lang muna siya.. si Carlo ang kelangan kong isipin ngayon. Kelangan tulungan ko siya lalo na ngayong kelangan niya tulong ko.

Sinabi ko sa kanila yung nangyari sa lola ni Carlo, lahat kami pupunta sa burol. Pati i-ccremate din ngayon ung body nung lola niya. tumawag kami ni Kenji sa sushi bar para sabihin ung nangyari, pumayag naman yung may ari. Hinde na kami umuwi para mag palit, agad-agad kaming dumeretso sa Manila Memorial sa may Sucat.

She's Dating The GangsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!