Chapter 2

36.9K 998 119

"ANONG SUSHI BOY?!" what kind of question is that? Siya si Sushi diba?

"Ms. Dizon, Mr. delos Reyes, please tone down your voice!"

"MSN!! Ikaw yun diba? Ang weird.. hinde ka naman mukhang sushi, hinde ka rin naman amoy sushi.. pero bakit yun yung screen name mo?" natawa lang siya

"Bakit ikaw? Hinde ka naman mukhang PRINCESS, pero bakit Pricess Athena screen name mo?" he's not nice. ¬_¬

"Paki alam mo ba?!"

"Paki alam mo rin rin ba?"

Napaka yabang niya! Akala mo ang gwapo gwapo niya!! EXCUSE ME! Poser siya!! feeling cool. Hmph! >_<

Tumingin ako kay Sara, nakita ko siya kinakausap niya yung seatmates niya. Bakit parang wala siya problema, ang saya saya niya pa oh! Hinde katulad ko. stuck up sa taong to!

Paglingon ko sa kanya naka rest yung ulo niya sa arm chair, tapos naka pikit. Tinitigan ko siya ng mabuti.

Hmm.. matangos ilong niya, maganda lips, para siyang bata pag tulog. Wag na nga lang sana siyang gumising!

Natapos ang dalawang subjects namin ng tulog si Kenji. Grabe, ibang klase talaga siyang student noh? Napaka active.

"Athena! May papakilala ko sayo!" paglingon ko kay Sara, may kasama siyang dalawang lalaki. "Athena, meet Jigs and Kirby." Tinuro niya yung nasa left niya, si Jigs yun. yung nasa right naman

si Kirby. "Guys, si Athena, bestfriend ko."
"Hi! Nice meeting you." Tapos nag smile ako. infairness, gwapo sila pareho.

"Hi Athena!!" sabi ni Jigs habang winiwave niya yung kamay niya at nakasmile. Ang cute niya!! Para siyang bata!!

"Nagugutom ba kayo? Tara, samahan na namin kayo sa canteen." Sabi naman ni Kirby. Napatingin siya kay Kenji na natutulog pa, "Kenji! Break na! gumising ka na!!"

Gumalaw si Kenji at unti unting binuksan yung mga mata niya. Lahat kami nakatingin sa kanya.

Tumayo lang siya at lumabas ng classroom, pag labas niya nagsisigawan yung mga babae dun, may artista ba?

"Tara canteen tayo."

"Hinde, sige kayo na lang. Hinde pa naman ako gutom eh.." nag smile din si Sara, bilang sagot. Weird, smile, bilang sagot? Labo.

"Sige kayo na lang.. hinde pa din ako gutom eh."

Paglabas rin nung dalawa nakarinig na naman kami ng ingay ng mga babae. Ano bang nangyayari sa labas?

She's Dating The GangsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!