Chapter 42

17.4K 334 28


Gaya ng sinabi niya sa adviser namin pinatawag niya yung mom niya sa school at pinasabing nasa bahay na siya nag papahinga. Tss. Sinabi niya kasi sa mom niya na kasama niya ako. Takot din ata sa kanya yung mom niya gaya nung ibang tao. Pfft.

Ewan ko ba. Bakit biglang ganito yung takbo ng isip ni Kenji ngayon.. Pagtapos ng lahat ng nangyari akala niya ganun ganun na lang? Akala niya siguro walang nasaktan. Hinde ko alam kung bakit parang naaasar ako sa kinikilos niya. Imbis na matuwa, naaasar ako. Kung tutuusin dapat masaya ako dahil bumabalik na siya sa dati niyang ugali sa akin.. Pero bakit parang may mali parin? Hinayaan ko siyang dalhin ako kung saan saan, pumayag ako sa sinasabi niyang date.. Pero bakit parang hinde ako ganun kasaya? Bakit si Lucas yung naiisip ko ngayon? Bakit parang bumaligtad yung mundo ko?

Dinala niya ko sa mall, nanood kami ng movie na ako yung pumili, kumain kami sa choice kong kainan. Ganito si Lucas sa akin, halos tuwing Friday lumalabas kami, mall, movie, foodtrip, arcade kaya feeling ko tuloy siya si Lucas. Kaya lang siyempre etong kasama ko akala mo diyos! Laging nakasigaw, kung ngumiti parang akala mo laging may masamang balak, tapos pipilitin ka kahit na ayaw mo psh. Hinde nga siya si Lucas.

"Ano bang naisipan mo at ako yung napili mong sumama sayo maglakwatsa?"

"Anong lakwatsa? Date to." ngumiti siya sa akin. Pinapakita na naman niya siguro sa akin yung 'killer smile' niya. Hinde na effective yan. "wala lang.. sinabi ko naman sayo kagabi diba? Bago natin ibaba yung phone.."

"Ahh. Namimiss mo ko? Gusto mo akong makita?" tapos tumingin na ako sa nilalakaran ko "Ano ba!!! Hinde mo naman kelangan ulitin yung sinabi ko kagabi eh!!!"

"Hinde mo kelangan maexcite ng ganyan." Alam kong may feelings parin ako sa kanya.. Pero.. Bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit parang hinde ako kuntento? Bakit parang may gusto pa akong mapatunayan? May gusto pa akong malaman..

"Athena.. Bakit ka ba nagkakaganyan? Kanina ka pa sa school eh! Tinatabla mo ako, tinataboy mo ko, halos kulang na lang sumuka ka sa tapat ko eh. Nandidiri ka ba sa akin?" Pero bakit.. parang ako yung may mali? Way ko lang ba to para umiwas sa pwedeng mangyari ulit? Para hinde na ulit ako masaktan..?

"O nga pala. Kamusta na kayo ni Abigail?" I changed the topic, "Ano ba gusto mo itawag ko sa kanya? Athena? Sige, let me rephrase it. Asan si Athena?"

Napahinto siya sa paglalakad at tumingin sa akin, "Bakit?.. Ang ibig kong sabihin bakit mo siya hinahanap?"

"Wala lang.. Baka kasi may makakita sa atin ngayon baka kung ano pa isipin nila tapos malaman pa nung girlfriend mo."

"Ah.. Nasa bahay siya ng lola niya ngayon. Wag mo ng isipin yun.. Wala namang mag susumbong satin eh. Kung may magsusumbong edi magsumbong sila." tapos ngumiti siya. Kung ngumiti siya napaka careless eh. Akala niya walang nasasaktan sa mga ngiti niyang yun. Ang hinde niya alam bawat ngiti niya may mga taong nasasaktan, kahit siguro siya bawat ngiting ginagawa niya minsan nasasaktan siya.

Nilagay niya yung kamay niya sa may balikat ko pero pilit ko tong tinatanggal. Bawat tanggal ko ilalagay niya uli, paulit ulit lang yung proseso namin. Nakakaasar pero sa dulo ako rin yung sumuko dahil nangawit na yung kamay ko kakatanggal. Siyempre hinde niya na naman nakalimutan bigyan ako ng isang evil smile.

She's Dating The GangsterRead this story for FREE!