Chapter 47

17.5K 333 16


Ilang araw na rin akong nandito sa hospital. Hinde pa raw kasi ako pupwedeng makalabas dahil mahina pa ang katawan ko. Siyempre hinde na nila ako pinagalitan dahil sa pag sosoccer ko. Hinde na daw yun ang issue ngayon.

Dahil one big happy family kami dahil umuwi ang aking daddy, yung presidential suit yung kinuha nila para sa akin. Para daw lahat sila nandun at malaki yung space para sa mga bibisita. Feeling ko nga nasa hotel ako at hinde sa hospital. Kung wala lang yung dextrose, hospital bed at kung anu- ano pang nasa gilid ng kamang to siguro papasa na tong hotel.

"December 23 na ngayon.. 24 na bukas.. sa isang isang araw naman 25 na. tapos next next month birthday ko na naman.. ang bilis ng araw noh?" tapos umupo si Carlo sa may gilid ng kama ko

"Yup. Time flies." sabi ko kay Carlo
Time flies.. sa sobrang bilis ng panahon halos nakalimutan ko ng kakaiba ako sa normal na tao.

Parang alien lang ah.
"Si Kuya Lucas umalis lang saglit. Babalik rin daw siya kaagad." I nodded.

I miss Kenji. Kung mababalik ko lang yung time na nag away kami matagal ko na sanang ginawa. Pero sa ngayon.. kelangan ko na lang munang mag bear sa pain na naffeel ko.. hinde ako pwede pang makipag sabayan sa mga nangyayari. Hinde ko kayang pahirapan pa si Kenji.. ako na lang.. ok lang sakin kahit na ako yung mahirapan at masaktan.. wag lang siya.. kasi hinde ko kaya.

Kelangan hinde niya malaman yung sakit ko.. kasi pag nalaman niya.. baka mag tago lang ako sa kanya.

Ang tagal ko ng nakakulong dito . Hinde na ko nakakalanghap ng polusyon sa labas, at namimiss ko na yun. Pareparehong tao ang nakikita ko.. pero kahit papaano.. feeling ko safe ako. Parang kahit kelan ako atakihin feeling ko maliligtas ako..

Tumayo ako tapos tumayo rin si Carlo.

"San ka pupunta?? Ate sabi nung doctor bawal ka daw mapagod!"

"I just wanna go out for a bit.. I'm bored here.." binigyan ko siya ng isang sad face.

Napakamot sa batok si Carlo. "Aish. Fine!!"

Binatukan ko siya, "Ya. How many times do I have to tell you stop using the word aish!?"

Napakamot na naman siya pero ngayon ibang klase na kasi naka simangot na siya. Tss. Kung ayaw niyang mabatukan, sumunod siya.

Tumawag si Carlo sa Nurse's station para magpadala ng wheelchair. Psh. Hinde naman ako pilay eh! Pero sa bagay.. ayoko rin naman mag lakad dito noh. Nung dumating na yung wheelchair nagsmile sa akin si Ate Gina yung nurse na naka assign sa akin.

Sabi ko kay Carlo na maiwan na lang siya at kay Ate Gina na lang ako mag papasama. Pumayag naman si Ate Gina sa gusto ko at siyempre si Carlo wala ng magagawa.

Inikot ako Ate Gina dun sa hospital. Unang stop namin yung nursery. Sabi sakin nung nurse na araw araw daw may nanganganak sa hospital nila. Tinuro niya sa akin yung baby na kakapanganak pa lang. Si Baby Kristof...

She's Dating The GangsterRead this story for FREE!