Chapter 32

26.4K 547 34

"Kenji, uwi na muna ko.." sabi ni Abigail nung tumayo siya.
"Ha? Ah.." yun lang ang sinabi ni Kenji habang papalabas na ng kwarto si Abigail.

I smiled at him, "Misunderstanding lang to, diba? Tama. Friends kasi kayo.. wala namang meaning yung pagbisita niya diba? It's not as if you're doing something behind my back, right?"

"Athena.." he said while he's trying to hold my hand.

I shook my head, "Don't worry. Hinde ko naman binibigyan ng meaning yun eh. YA! If I caught you cheating on me, you're dead!! I'm not asking for too much but you're the one I love most and that's why I need you right now... please don't leave me.."

Pinulot ko yung papar bag na nabitawan ko earlier tapos inabot ko kay Kenji. Simpleng gift lang yun since hinde naman 1 year yung occasion na yun. Shirt lang siya na nakita ko sa mall. Nung unang kita ko pa lang kasi sa shirt nay un, si Kenji yung unang pumasok sa isip ko kaya binili ko yun.

Nagsimula na akong maglakad papalabas ng room niya pero napahinto ako sa may pintuan, "Ya... you can date her.. but don't leave me.." pagsabi ko napapikit ako saglit tapos umalis na ng bahay ni Kenji.

Sumunod lang si Carlo sakin, hinde ko mapigilan ang hinde umiyak. Feeling ko isang malaking sampal yung inabot ko sa nakita ko.. Tama ba yung ginawa ko? Halata naman diba? Nagbubulag bulagan na lang ako.. hinde na ko pwedeng makipag talo pa sa kanya dahil kelangan ko siya.. para lang mag stay siya sa tabi ko magpapaka t@nga muna ko....

Napahinto kami ni Carlo sa paglalakad, niyakap niya ako tapos patuloy niyang sinabing 'Ok lang yan... ilabas mo lang yung galit mo.' bakit ko kelangan maranasan yung ganitong drama? Bakit ngayon pa?

Hinde ko namalayan na nasa bahay na pala ko. pag tingin ko na lang sa paligid ko nasa kwarto ko na ko. Pumasok si Carlo tapos nag smile siya sa akin

"Hinde mo siguro natatandaan kung pano ka nakauwi noh? Binuhat ata kita! Macho to noh!" tapos pinakita niya sakin ung braso niya na may 'muscles' daw. "Ok ka na ba? Yung nakita mo kanina al-- "

"Hayaan mo na. ok lang ako. thank you.." pinutol ko yung sasabihin niya. alam ko kasing hinde maganda yung karugtong eh, ayoko na marinig pa.

"Pero ate hinde na kasi--"

Nag nod ako, "Ok lang ako Carlo.." pinutol ko ulit yung sasabihin niya.
Inalalayan niya akong humiga tapos tumayo siya para patayin yung ilaw at lumabas na siya ng

kwarto ko. Pag kalabas niya hinde ako makatulog. Naiisip ko pa rin yung mga nakita ko kanina..

Pano pag hinde ako dumating? May nangyari na kaya sa kanila? Matagal na ba tong ginagawa? Kung oo, kelan pa to nagsimula? Alam rin ba nila Kirby, Jigs at Lucas ito? Kung alam nila, bakit hinde nila binabanggit to sakin? hinde ako mapakasi sa kakaisip. Bakit ba ang pangit ng kapalaran ko.. mamamatay na nga lang ako, tapos ganito pa yung nangyayari.. sana isa na lang noh? Parang mas gusto ko pa ata yung mamatay ako kesa yung buhay na buhay ako pero parang unti unti rin akong namamatay..

She's Dating The GangsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!