Chapter 13

22.9K 601 45

Palabas pa lang kami ng gym ni Kenji, lahat halos ng students nakatingin sa amin. Ano bang meron? Haay. Siguro dahil si Kenji yung kasama ko. Ganun naman palagi eh. Dapat sanay na ako. Pero hinde pa rin ako map kali kasi kilala ko tong si Kenji eh!! Kanina tininnan niya yung likod ko, may kalokohan siguro siyang ginawa sa damit na binigay niya!!

"Bakit nakatingin sila sa atin?"

"Ewan ko."

"May something siguro tong damit na to noh??" Nag smile lang siya. Hinampas ko siya sa may braso niya, "ANO BA KASI MERON SA DAMIT NA TO?!?! Bakit sila nag titinginan?!?!"

"ANO BA!! Wala nga!! Pramis!"

"WAG KA NGANG MAGSINUNGALING DYAN! KILALA KITA!! GAGAWA AT GAGAWA KA NG KALOKOHAN KUNG KELAN MO GUSTO!"

"Kung ayaw mong suotin yan edi mag palit ka!! Nakakasar naman eh! Sinabi ng wala ipipilit pa ring meron!" nag pout siya tapos tumalikod sa akin.

"Oh bakit nagtatampo ka??"

"Hinde ako nag tatampo! Ang kulit mo kasi eh! Snabi ng wala tapos ipagpipilitang meron! Nakakairita!"

"Psh."

"Mauna na ako, hihintayin na lang kita sa lounge. Magpalit ka kung gusto mo." nagsimula na siya maglakad papalayo sa akin. Ang pikon talaga nun! Nakakaasar!

Bumalik ako sa loob ng gym para mag cr. Tiningnan ko ng mabuti yung likod

Tama nga. Wala ngang nakasult, wala ring sira. Kasi naman siya eh! Kung kumilos parang may something na kagaguhan eh! Hinde mo talagang pwedeng pagkatiwalaan!

Lumabas ako ng cr suot parin ang damit na binigay ni Kenji. Yung isip bata na yun!! Kung hinde lang siya gwapo eh!! GWAPO?? Teka, sinasaniban na naman ako ng masamang espirito! Bigla bigla na naman akong nagsasabi ng masasamang bagay. Ano ba to ano ba to.

Nasa may covered court na ako, ng may biglang bumangga sa aking limang babae. Teka natatandaan ko sila.. Pero saan??

"Grabe. Ang kapal naman ng mukha mong magpakita pa sa tapat namin." sabi nung chubby girl

SILA! SILA NGA YUNG MGA BABAENG SUMAMPAL SA AKIN!!
"Kayo yung.." tinuro ko sila using my index finger.
"Oo! Kami nga. Wag kang mag-alala. Hinde ka na namin sasaktan." "Tama. Hinde na bababa level namin sa isang gold digger na katulad mo." "Tara na. Alam na rin naman ng lahat ang tungkol sa kanya eh. "
Alam ng lahat? Ang alin? Ang ano?
Iniwan na nila ako, walang sampal, walang bangga.

Hinde pa rin ako mapakali sa sinabi nung isang babae.. alam na ng lahat ang tungkol sa akin..? Alam na nila yung.. OMG! lagot ako nito kay Sara!! Hinde nila dapat malaman yung tungkol sa amin.. wala pa kaming planong ipaalam sa kanila.. paano na lang sila Jigs, Kirby at Grace? baka magalit sila pag nalaman nila yung sa amin.. hinde pwede.. sila lang yung tinuturin naming kaibigan simula nung tumira kami dito sa pinas..

She's Dating The GangsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!