Chapter 27

31.4K 514 81

"Athena, pupunta kami ng canteen ni Kirby. May gusto ka bang ipabili?"

I shook my head. Tumalikod na sila tapos lumabas ng clasroom.

Simula nung Sunday, hirap na akong kausapin pa si Grace. Sa MSN hinde ko siya nirereplyan, pag nagtetext naman siya late ako mag reply, sa landline iniiwasan ko pa rin siya. natatakot kasi ako na baka bigla kong masabi sa kanya yung mga nakita ko. I don't want to hurt her.

Lumabas ako ng classroom para mag lakad lakad sa hallway, sa pag lalakad ko nagkasalubong kami ni Abigail. Napatigil kami pareho sa pag lalakad. Parang tumigil pareho yung mundo namin.. nagtitinginan lang kaming dalawa.

Naglakad na ako pabalik ng classroom at may biglang humawak ng kamay ko tapos hinila ako sa may mga lockers

"Kenji.." I greeted him as he hugged me

"Sorry lovebabe.. Kung gusto mo talagang sabihin kay Grace ok lang.. kung gusto mo tayong dalawa pa magsabi para hinde ka mag panic sa mangyayari. Basta wag mo ng gagawin yung ginawa mo sakin kahapon, pati wag mo na akong iiwasan.. hinde ko kaya."

Sino ba naman kasing hinde maggalit sa ginawa niya diba? Dapat sinabi niya pa rin sakin na alam na niya na niloloko nung Gino si Grace, hinde niya ba ko pinagkakatiwalaan? Girlfriend niya ko diba? Dapat sinasabi niya sakin lahat.. Tapos bigla ko na lang malalaman na alam niya yung mga kalokohan na nangyayari? psh.

"Hinde ko na sasabihin. Tama ka.. Mas masakit pag sakin niya pa nalaman yun. Haay.. ewan ko. pati ako naapektuhan." Binitawan na niya ako tapos hinawakan yung kamay ko

"SEE!! Sabi na sayo eh! Kulit mo kasi!" napanganga na lang ako sa sinabi niya, ano ba to! Nag sosorry siya tapos biglang hihirit ng hinde tama!!

"Wag mo na lang masyadong isipin yun, ok? Tara na, si Carlo dumaan sa classroom hinahanap ka may dalang pagkain." Nag nod ako tapos hinawakan niya yung kamay ko at naglakad na kami pabalik ng classroom

Habang nag lalakad kami sa hallway nagtitinginan samin yung ibang students. Sino ba namang hinde magugulat, hawak ni Kenji yung kamay ko. Samantalang dati sabay lang talaga kaming mag lakad.

Sinubukan kong bumitaw sa pagkahawak niya pero hinihigpitan niya yung hawak niya. "Kenji, let go of my hand. Ang weird ng feeling, pinag titinginan nila tayo."

Huminto siya sa pag lalakad niya,kaya pati ako napahinto rin.

"Mas weird pag ginawa ko to" hinawakan niya yung dalawang kamay ko tapos he kissed me on the lips.

Halos lahat ng nanonood nagulat. Kahit ako hinde nakagalaw dahil nagulat ako sa ginawa niya. bigla na lang nag sigawan yung mga taong nakakita. Ano ba to! Kung ano na lang ang maisipan niya ginagawa niya! ibang klase..

Pagpasok namin sa classroom nag palakpakan yung mga kaklase namin

She's Dating The GangsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!