Chapter 50

43.9K 712 218


Kenji's POV

Love is seeing an imperfect person perfectly..

...and he is far from being perfect. But there's something about him that captivates my heart. What's so good about him anyway? Is it his radiant smile? His charisma? Maybe it's his attractive face? I don't know. But..

I'm falling.. hard.

Hinde ko alam kung paano ko sasabihin kung ano yung nararamdaman ko ngayon. Napaka biglaan ng lahat. Parang kelan lang kami nagkakilala.. Ang bilis ng panahon.. Ang bilis ng mga pangyayari. Hinde ko masyadong pinahalagahan yung mga pangyayari dati dahil akala ko mangyayari ulit ito sa akin. Akala ko pwede ko pang maitama lahat ng pagkakamaling nagawa ko noon.

Love is hard..

..Kenji ya~ can there be no more struggles for us? It's been hard for me.. Why do you keep on believing them? Don't you trust me? Do we always have to fight because of others? I know I was wrong, but I didn't slap her..

Pero, masyadong naging madamot sa akin si kapalaran. Masyado nga siguro ako naging masama noon at huli na para magbago pa ako. Kung pinahalagahan ko lang siya noon ng maayos, kung binigay ko yung sapat na kaligayahan na kelangan niya, kung alam ko lang.. matagal ko na sanang ginawa.

Love is sacrifice..

...I even sacrificed my own happiness for him. Was it the only solution? To let go of him? Why am I being treated this way? Do I deserve this? Do I really have to sacrifice my love, just to make him happy?

Pagkatapos ng insidenteng yun, halos hinde na ako makatulog sa gabi. Dalawang linggo na akong napaparanoid. Minsan sa kalagitnaan pa ng pagtulog ko nagigising ako para lang tingnan kung humihinga pa siya.. Ilang beses na siyang nawala sa akin, ayokong tuluyan pa siyang mawala sa akin..

Love is sadness..

..but how? I'm scared to tell them that I may die anytime.. just like what happened to my biological mom. I'm scared that they will be sad because of my condition. I love them so I'd rather keep this pain to myself. Lucas, help me.. help me keep this secret. Don't let Jigs and Kirby know.. don't let Kenji know..

Hinde ako marunong mag dasal, hinde ako nag dadasal. Pero dahil sa kanya natuto ako. Dahil sa kanya naniwala ako, naniwala akong meron pang mas makapangyarihan sa tao. Dahil sa kanya natuto akong maging mahina, maging mahina sa oras na dapat ay malakas ako. Dahil sa kanya nagkasilbe ang buhay ko, dahil sa kanya, dahil sa kanya.. alam ko na ang silbe ng buhay ko.

"Kenji, kelangan mong maging malakas.. alam naming mahirap, pero kelangan mong kayanin yung sasabihin namin.." hinawakan ng dad ni Athena yung kamay ko, "may nagpapakumplikado kasi ng sakit ni Athena, kaya biglang tumigil yung tibok ng puso niya nun. Pati.."

Nagsimula ng tumulo yung luha niya. Kinuha niya yung panyo sa bulsa niya at pinunasan yung mukha niya

"Pati po ano?" sabi ko habang pinipigilan ang luha ko, "Ano pa po ba ang kelangan kong pag handaan?"

"Huli na kasi para magpaopera pa si Athena. Masyadong naging mabilis yung pag proseso ng sakit niya, kaya pati yung gamot niya unting-unti nawawalan ng bisa. Siguro matagal na niyang alam to hinde lang natin napapansin. Siguro ayaw niyang sumuko kaya dinoble niya yung pag inom ng gamot."

Kasalanan ko to.. ako yung kasama niya pero bakit hinde ko napansin na nanghihina na siya? Bakit hinde ko kaagad nalaman na nahihirapan na siya? Bakit hinde ko na naman naramdaman yun..

"Sorry.. ako po may kasalanan.. sorry.." hinde ko na napigilan yung sarili ko sa pag iyak.

"Wala kang kasalanan Kenji.. ayaw lang tayong pag alalahanin ni Athena kaya siguro hinde siya nag sabi.." umiyak na siya hinde na rin niya siguro napigilan yung sakit na nararamdaman niya, "Kaya kelangan nating mag handa dahil anytime, anytime... pwede na siyang kunin sa atin.."

She's Dating The GangsterRead this story for FREE!