Chapter 29

27.7K 526 71

"Huy gising na! mag seseven na, kelangan mo pang umuwi para magready sa school."

Naramdaman ko yung pag hampas sakin ni Athena sa may braso. Pucha. Parang kakatulog ko lang tapos kelangan ko ng gumising? Joke ba to? Ang tagal tagal kong nag concentrate para lang makatulog!! Pano ba naman chance na eh.. pero kelangan kong pigilin! Hinde pa eto yung tamang oras para gawin namin yun.

Ano ba tong iniisip ko!! Ang aga-aga tapos yung paghihirap ko kagabi yung naiisip ko. grabe, kung alam niyo lang kung gaano kahirap, jusko! Hinde niyo kakayanin. Lalaki ako! I have my own needs. Mabuti na lang at sobrang nirerespeto ko siya. Ano bang alam ko.. eh hinde ko naman tinanong kung ok lang sa kanya. Anak ng.. dapat pala nag tanong ako kagabi!! WAHAHA!

"YA!! It's already 7!! I've been nudging you for 5 minutes already!" sabi ni Athena pagkatapos niya ako bigyang ng malakas na hampas. Dinilat ko na yung mga mata ko tapos nakita ko si Athena naka upo sa tabi ko.

"Kiss muna." Demand ko.

"UMUWI KA NA! MAY PASOK PA TAYO!" biglang bumukas yung pintuan ng kwarto ni Athena

"WHAT'S HAPPENING?! WHAT HAPPENED? WHY DID YOU SHOUT???"

Napatingin kaming dalawa kay Nathan, halatang nag alala siya dahil kitang kita sa itsura niya.

"Nothing. I was just trying to wake him up."

"Ya! Stop shouting!! I told you not to stress yourself! Kenji, don't make her shout! She's... I mean it's irritating. Get ready na for school." lumabas na si Nathan at sinarado yung pinto.

Nginitian ko si Athena, medyo nagsmile din siya. siguro good mood na to. Tumayo na ko sa kama tapos niyakap si Athena, "Oh wag ka daw sisigaw." Tapos niyakap niya rin ako

"Sorry.. ayoko lang kasing malate ka. Pero wala eh, malalate ka pa rin kahit anong mangyari. Sige na, umuwi ka na, wag ka na kumain ng breakfast sa inyo ok? ipag luluto kita!"

"Sige. Basta siguraduhin mo lang na hinde sasakit tiyan ko, ok? Uwi na ko." kiniss ko siya sa noo niya tapos lumabas na ng kwarto niya.

Tumakbo ako pauwi ng bahay para exercise na rin, hassle nakalimutan kong may practice kami. Anong oras na rin kasi akong nakatulog. Hassle talaga! Ayoko ng mangyari ung ganun! Ang hirap mag pigil eh.

Pagkadating ko sa bahay dumeretso na ko sa banyo para maligo. Nakapagbihis na ko at lahat lahat siyempre late na late na ko 8 nag sstart yung class 8:45 am na. nagmadali na akong mag lakad dahil alam ko pag kadating ko sa school hahampasin ako ni Athena sa ulo!

Ang masakit pa sa loob ko, 4th floor kami! Bago ako makarating dun, malamang nakapag start na sila ng 2nd period. Gaya nga ng sabi ko nag start na nga ang 2nd period. Pag pasok ko iba yung teacher namin, si Athena napansin kong umiling.

She's Dating The GangsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!