My Guardian Ghost (Completed)

By drazzzzyyyy

161K 6.7K 1.3K

Yhanna Jell can see ghost. But, she doesn't like to interact with them. Then, she met this annoying ghost as... More

My Guardian Ghost
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
EPILOGUE
Author's Note

Chapter 1

10.5K 314 22
By drazzzzyyyy

"Alam kong nakikita ako neto eh.. Sandali nga." Rinig ko pang bulong ng multo dito sa toilet ng school habang paikot-ikot na pinagmamasadan ako. She's a girl, wearing the old filipino fashion.

Hindi ako nagpahalatang nakikita ko siya kasi baka may kung anong gawin siya sa akin. Nagpanggap lang akong nag-aayos ng buhok dahil di naman ako nakamake-up kaya di ako pwedeng magpanggap ng nagreretouch, at isa pa, Hindi rin naman ako marunong.

Ngunit ilang saglit pa nang malimutan ko ang presensya niya ay isang malakas na pambabatok ang natanggap ko galing sa pesteng multong to kaya hindi na ako nakatiis at tuluyan na siyang pinansin.

“Aray ano ba?!” Pasigaw ko pang sabi. Mabuti nalang at ako lang ang tao ngayon rito. “Sabi na nga ba't nakikita mo ako eh.” Aniya at ngumiti.

Gosh! She looks so creepy with her smile. Nagsitayuan tuloy balahibo ko.

“Anong ba kasing kailangan mo?” Inis na tanong ko habang patuloy pa ring nakatingin sa repleksiyon ko sa salamin.

Inaamin ko, sa pagkakataong to medyo natatakot nako. Eh ikaw ba naman kausapin ng multo di ka ba matatakot? And worst? Nakikita ko pa sila.

“Okay na sa'kin ang malinisan lang ang aking lapida, kay tagal na kasi akong di dinadalaw eh.” Ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga boses. Alam kong isa sa kinakatakutan ng mga yumao ang sila ay kalimutan ng mga taong malalapit sa kanila.

“Geh. Ako na bahala.” Seryoso kong sabi. “Talaga? Salamat! Angelie Ramirez po ah? Sa public cementery po ako nakalibing ah? Bye po.” Saad naman ng babaeng multo. Demanding ah.

Wala na akong maramdamang presensya niya, siguro ay umalis na. Haysh, ayan tuloy pupunta pa akong sementeryo para maglinis ng lapida. Psh.

Matapos ang paguusap namin sa comfort room, ay bumalik na ako sa aking silid para tapusin ang natitirang subjects.

Nang makarating na ako sa room ay naupo na ako sa'king upuan sa may bandang likod. May iilang naririnig kong pinaguusapan nanaman ako. Mga Tsismosa. Magagawa ko kung ganito ako? Psh. Bahala nga sila kung ano ang gusto nilang isipin.

Sa katunayan nga ay wala akong kaibigan ni isa at sa upuan ko naman ay wala ring gustong tumabi. I don't need them anyway. Kaya ko namang mabuhay ng wala sila.

Tsaka, haka-haka lang naman nila yan. Di nga nila inalam kung totoo ba o hindi. Ako lang naman nakakaalam kung anong totoo. Kahit sila kuya o sila mama, di alam na kaya kong makakita ng multo.

Nakinig nalang ako buong klase at hinihiling na sana uwian na. Napakaboring naman kasi, inaantok na ako at gutom pa.

Pupunta pa akong Public Cemetery mamaya para linisan yung lapida nung babaeng multong Angelie raw yung pangalan.

Ten years old ako nang malaman ko ang kakaibang abilidad ko na di kayang gawin ng ibang tao.

Nakakakita ako ng mga multo at nahahawakan ko sila, Hindi ko alam kung papaano nangyari yun eh. Matalas rin ang aking pandinig kaya naririnig ko sa bawat pag ihip ng hangin kung naririto ba sila o wala.

Nalaman ko nalang ang abilidad ko nung mamatay si Lola. Di naman kami gaanong close kasi nakakatakot kaya pagiging istrikto niya ano? Yung tipong papatayin ka ng mga superstition belief niya alam niyo yun? Hay.

Ganito kasi yun, habang iniintay naming malibing si Lola ay may naririnig akong hagulgol. Hagulgol ni Lola

“Janice anak, ayoko pa sana kaso di ko na kaya eh.” Saad nung boses ni Lola. Medyo kinilabutan na ako nun ikaw ba naman makarinig ng ganyan di ka ba kilabutan?

Lingon ako ng lingon syempre bata eh, wala pa kaya akong kamuwang-muwang sa mga ganyan, pero wala naman akong makita kaya binalewala ko lang to.
Namatay kasi si Lola by brain cancer eh.

“Antonio. Wag mong pababayaan anak ko ah?.” Boses ulit ni lola. Unti-unti nang bumubuo ang takot sa aking sistema.

Hanggang sa samu't sari na ang aking naririnig sa sementeryong yun.

"Laro tayo.."

"Huhuhuhu!''

" I love you, you love me..."

Nang di na ako makapigil ay tumakbo na lang ako pauwi dahil sa takot. Buti nalang at kahit papaano ay di ako nawala.

Nagkulong ako sa kwarto iyak ng iyak at sa hindi inaasahan dinalaw ako ni Lola.

“Jellay Iha, ba't ka ba kasi tumakbo libing ko pa naman sana.” Napatigil ako sa pag-iyak. “Lola?” Takang tanong ko at pilit na hinahanap siya kahit na takot ako. “Naririnig mo ako?” Aniya. Napatango nalang ako bilang sagot.

Kaya Simula nun nalaman kong pwede pala akong makipagusap sa multo 8 years old ako nang nagsimulang makarinig ako ng multo and years had passed, nagulat nalang ako na isang araw ay nakikita ko na sila, siguro I was 10 years old that time. Bale, 10 years old ako nung nabuo ang abilidad ko, I can see them, I can hear them, and worst I can touch them.

“Ms. Yhanna Jell Amando? Are you paying attention to the class?.” Natauhan ako ng biglang isigaw ni Ma'am ang buong pangalan ko at nakita kong lahat sila ay nakatingin sa akin at yung iba naman nagbubulungan pa.

“Ahm. Yes ma'am.” Saad ko at napayuko nalang sa kahihiyan. “While I'm discussing here in front, nakatulala ka lang sa bintana. ” Aniya at pailing-iling pa.

“Kung nakikinig ka nga, What is the difference between the weather and climate?” Tanong niya. Patay. Anong isasagot ko? Wala kasi ako nakinig. naman naman eh. Napalingon ako sa katabi ko nang may naramdaman akong umupo and to my surprise? It's a ghost!

Di ko alam kung nakita niya akong napatingin ako sakanya, iniiwasan ko kasi talagang malaman ng mga multo na nakikita ko sila. Kinakabahan ako.

*kriiiiinnnggggg..*

Yes save by the buzzer! Salamat naman at uwian na.

“Listen next time Ms. Amando, class dismissed.” Saad ng guro bago tuluyang umalis. Tumayo na ako at iniligpit ang aking mga gamit saka lumabas na ng silid. Naramdaman ko sa aking peripheral vision na pinapanood ako ng multong umupo sa katabi ng upuan ko kaya binilisan ko ang pagliligpit. Gosh! It was creepy.

Habang naglalakad, marami akong naririnig na bulung-bulungan tungkol sa pagiging werdo ko. Haysh sarap tahiin ng Tsismosa nilang bibig. Tapos sarap dukutin ng mapanghusga nilang mga mata.

Nagsimula na akong maglakad papuntang sakayan. Maglilinis pa kasi ako ng lapida nung Angelie.

Pumara ako ng Jeep at sumakay na ako. Kaya ayaw ko talaga tong may nakakaalam sa mga multo na nakikita ko sila eh, masyadong hassle.

Nang makarating na ako sa sementeryo ay nagsimula na akong maglinis, hay! Nakakaawa naman halos matakpan na ng kung ano-ano tong kanyang lapida at tuyong-tuyo na ang mga bulaklak.

Salamat, aalis na ako... ” Ang huling dinig ko sa boses ni Angelie ng matapos ko na itong malinisan at wala nang maramdamang presensya niya. Napangiti nalang ako.

Isang multo na ang natulungan ko. Multong, ayaw pang-umalis dahil sa kagustuhang malinisan ang kanyang lapida. Maliit na bagay kumpara sa iba pero para sa mga multo, isang malaking bagay na'to para sila ay manahimik na.

Sa kaso ni Angelie, mukhang matagal na siyang hindi nadadalaw kaya ganon nalamang ang naging kahinatnan ng kanyang lapida.

'Mabisita lang ang mga pumanaw, ay masaya na sila dahil ramdam nilang sila'y mahalaga pa rin.'

Ilang saglit lang matapos akong maglinis ay nagdesisyon na akong umalis. Medyo kinilabutan na kasi ako sa sementeryong yun eh.

Kanina nga lang habang naglilinis ako, ramdam kong may nakatingin sa akin. Siguro mga dalawa ata sila o tatlo? Ewan ko. Ayoko kasi silang tignan. Natatakot ako.

Naglakad na ako tungong sakayan, uwian na ng iba't ibang paaralan kaya't siguradong punuan ngayon, medyo malayo-layo pa naman tong sementeryong to sa bahay namin kaya di pwedeng lakarin.

Ilang sandali pa akong nakatayo't naghihintay bago ako tuluyang nakasakay sa jeep na may dalawang sakay.

Naupo ako sa dulong bahagi nito, malapit sa labasan katabi ng isang lalaking kaedad ko lang yata at kaharap ko naman ang isang Ale na may dala-dalang bayong.

Gosh! I'm exhausted. Kapagod maglinis ah? Pero at the same time naman, natuwa ako para sa multong yun.

“Pakiabot ho.” Saad ko pa sa lalaking katabi ko, hindi ako ito nilingon kaya't mas nilaksan ko pa ang pagsalita.

“Kuya pakiabot po.” Ngunit di pa rin ako nito nilingon. Ako nabubwesit sa gantong klaseng pasahero ah! Maya-maya pa ay napansin ko na nakatingin sa akin yung kaharap ko na tila nagtataka kaya napakunot naman ang noo ko.

“Ba't hindi nalang ikaw ang magbayad doon iha?” Saad ng Ale. Naku! Paano ako makakabayad kung may nakaharang naman sa tabi ko? Napatingin ako sa tabi ko at laking pagtataka't kilabot ang naramdaman ko.

Yung.. yung katabi ko, nawala!

Nagpalingon-lingon ako at dalawa nalang kaming pasahero. The heck? Nasaan yung katabi ko? Don't tell me..
Naku talaga! I gave the woman an awkward smile, saka umusog papunta sa likod ng driver para magbayad.

Nakakahiya peste!

“Para ho manong.” Saad ko saka iniabot ang bayad kay manong, ngunit may nahagip ang mga mata ko na mahirap idigest ng utak ko.

Nung napatingin ako sa sidemirror ng sasakyan nitong jeep na sinasakyan ko, nakita ko ang repleksiyon ng isang lalaki na nakatingin sa akin na nakakatakot sa pakiramdam.

Maputla ito at palagay ko isa itong multo. Medyo madilim sa bahagi ng kanyang mata kaya tanging maputlang labi niya lang ang nakikita ko.

Ilang saglit pa kaming nagkatitigan nang biglang nagsalita si Manong. “May bababa ba?” Aniya. Kaya naman napakurap ako, tama nga pala. Pumara ako. “A-ako h-ho.” Saad ko at napasulyap ulit ako sa salamin ngunit wala na yung lalaki, kaya dali-dali akong bumaba sa pinagparahan ko.

Gosh! Ba't parami ng parami ang mga multong nakikita ko? Hayst. Buti nalang at wala akong sakit sa puso kundi naku! Matagal na akong sumunod sa mga yapak ng multong nakikita ko.

Naglakad ako papasok sa isang kanto kung saan medyo may kadiliman at di gaanong matao, hindi na ako sumakay ng pedicab kahit pa may dalawang kalye pa akong madadaanan bago ako tuluyang makarating sa bahay namin. Sayang sa pasahe eh.

Sinuot ko ang earphones na dala-dala ko at nagplay ng song. Karamihan sa music ko ay OST ng mga napapanood kong kdrama kaya habang nakikinig ako ay di ko naiintindihan ang lyrics. Bakit ba?

Habang naglalakad ay damang-dama ko ang awit na pinapakinggan ko at sumasabay pa ako rito, ganda kasi eh.
Nakaramdam ako ng panlalamig ng aking batok at bumilis ang tibok ng puso ko sa di malamang dahilan. Watdahek?

Napahinto akong bigla ng may masalubong akong bata, umiiyak ito. Inalis ko ang earphones ko para marinig ko ang bata kung sakali mang magkausap kami.

Nilapitan ko siya ngunit di pa ako tuluyang nakakalapit ay kusang huminto ang mga paa ko nang makita ko ang itsura ng bata, agad kong tinakpan ang bibig ko. Maputla ito at parang umiiyak ng dugo. Puno ng dugo ang kanyang damit at may kulay puti na mata.

Kinakabahan ako, di ako makagalaw, nakakatakot ang itsura niya.

Napapikit ako ng ilang sandali. Konting pitik nalang talaga, magpapaopera na talaga ako ng mata para di ko na sila makita. “A...te, tu-tulong..” Rinig kong hikbi ng bata. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, nakaawa ito.

Heto na naman ako, takbuhan ng multong nangangailangan. “A..anong kailangan mo? Bata?” Medyo kinikilabutan ko pang tanong. Lumuhod ako para maging kapantay kami. Mukhang mabait naman to eh.

“Sumama ka po sa akin..” Usal niya pa. Ano? Sasama ba ako? Naku ah! Kinakabahan ako sa batang to, baka kung saan ako dalhin.

Napatingin ako sa relo ko, ala sais na pala. Naghihintay na siguro si Kuya. On a second thought, baka kailangan nga ako ng bata na to. Tetext ko nalang si kuya, maiintindihan niya naman siguro.

“Sige, pero ano muna ang pangalan mo?.” Tanong ko pa. Ako nabobother sa itsura nitong bata ah? Ikaw ba naman, kausapin ng tulad nito, matutuwa ka kaya?

“Ena. Halika na po ate. Naghihintay na sila.” Aniya. Kinilabutan ako sa pagkasabi niya ah? Pabulong yung 'sila' dun eh. Hindi naman kaya ako mapahamak sa batang to?

Tumayo ako at sinundan ang batang ang laki ng ngiti. Gosh, creepy. Saan naman kaya kami ito pupunta? In my seventeen years of existence, ngayon lamang ako sumama sa isang multo ah.

Tahimik kaming naglalakad nung bata, walang nag sasalita. Nasa likuran lang niya ako. Ayokong tumabe sa kanya, malamig sa pakiramdam eh tsaka nakakakilabot.

Medyo, malayo-layo na rin ang nilalakad ko at paliit na rin ng paliit ang mga bahay na nadadaanan namin. Kinakabahan ako sa batang to ah. Mukhang may something sa kanya.

“Uhm.. Ena, saan tayo pupunta?.” I can't take it anymore! Char. Eh kasi naman, baka mamaya umabot na kaming porgatoryo nito eh. “Basta.” Aniya gamit ang pabulong na boses, na mas lalong nakapagpatayo ng balahibo ko.

*Peeeeeeep!*

“Ay tae!” Gulat na sigaw ko pa nung may bumusina sa tabi ko. Aba'y letche to ah? Nasa side walk naman ako ah? “ANO BA!” Sigaw ko pa.

Nakakabwiset to ah? Bumaba ang salamin ng kanyang kotse at nabigla nalang ako sa kung sino ang nakita ko. Omygass! It's Jeriche, my one and only crush. Naks! Anlade ko.

“Sorry. Nagulat ba kita?” Aniya. Hinde.. hindi mo ako nagulat kaya nga sumigaw ako diba? Lalaking to, pasalamat siya, crush ko siya. “Ah.. medyo.” Saad ko at napayuko. Nakakatunaw ang mga titig niya eh. Hehe.

Pero nakakalungkot lang isipin na di niya ako kilala. Sikat siyang swimmer sa school namin, at matalino pa kaya di kami magkaklase.

“Aray!” Napasigaw ako sa sakit nang may naramdaman akong pambabatok. Lingon ako sa paligid para hanapin ang nambatok pero wala akong nakita.

Di kaya yung bata? Napatingin ako sa paligid at blangkong nakatingin lamang sa akin si Ena. Imposible. “Ayos ka lang ba?” Dinig ko pang tanong ni Jeriche. Oo nga pala, nandito siya. Nakakahiya!

“Ayos lang. Hehe. Kinagat lang ng lamok.” Pagpapalusot ko pa. Baka mamaya, isipin pa nitong nababaliw ako eh.

“Saan ka nga pala?” Aniya. Saan nga ba ako-kami pupunta? Napalingon ako sa bata at senenyasan niya akong maglakad na kami ulit. “A..ah. Sa kaibigan.” Pagsinungaling ko pa.

“Hatid na kita. Delikado maglakad ng mag isa.” Omygass! Totoo ba 'to? Hihihihi! Yung crush ko, ihahatid raw ako. Ang sweet niya, nakakainlab.

Oo! Oo ang sagot ko! Pero-“Di na. Kaya ko na to. Salamat nalang hehe.” Saad ko at tumakbo pasunod sa bata. Baka kasi, magpumilit siya eh.

Tandaan, wag pilitin ang di pwede, baka bumigay. “Ingat!” Dinig ko pang saad niya sa malayo. Lakas ng pintig ng puso ko ah.

Napaka wrong timing naman nito eh! Pag-ibig na nga, naging hangin pa.

Tahimik ulit kaming naglakad ng batang kasama ko, hanggang sa maya-maya pa ay tumigil ito sa may tapat ng isang lumang bahay. Nakakatakot.

“Andito na po tayo.” Aniya at ngumiti ng malawak. Yung ngiting nakakapanindig balahibo. Nakakakilabot. Nakakaputla ng itsura. Ano ba tong pinasok ko? “Tara na po. Naghihintay na sila.” Saad nito at naglakad papasok sa lumang bahay na napapalibutan ng puno at wala man lang kapit bahay.

Papasok ba ako?



Continue Reading

You'll Also Like

241K 358 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
35K 1.2K 26
Si Kaira ay nagmula sa pamilya ng mga paranormal experts, at tulad ng kanyang mga kamag-anak nais nya din maging paranormal experts balang araw, kay...
56.7K 2.2K 62
Patuloy sina Kaira at ang Ghost Club sa paghahanap at paglutas ng mga kababalaghan na nagaganap sa Haunted University. Isang panibagong hamon nanaman...
48.7K 81 11
❌️ MATURE CONTENT ❌️ | one-shot | smut | mature | | bxg | g×g | bxb | random | People and their desires. Wildness. Secret. Lust. What does it take...