My Famous Husband (COMPLETE)

By girl28ie

477K 5.9K 72

Wedding is for two persons that is in love to each other. It is part of the sacraments. But other people use... More

Prologue
Chapter 1: Meet Everybody
Chapter 2: SELOS?
Chapter 3: Weird
Chapter 4: Weird (2)
Chapter 5: MISSION FAILED!!
Chapter 6: Hickey and Kiss
Chapter 7: Almost
Chapter 8: Deal?
Chapter 9: Something is Wrong
Chapter 10: Confession
Chapter 11: Remote <3
Chapter 12: Protection
Chapter 13: Girlfriend >///<
Chapter 14: Will you let me?
Chapter 15: Tug of War
Chapter 16: The Date
Chapter 17: Hub and Wife
Chapter 18: Let Start ^_^ \m/
Chapter 19: Behind Those Sweetness
Chapter 20: Alone T_T
Chapter 21: The Chase
Chapter 22: The Punishment
Chapter 23: The Best night Ever!!!
Chapter 25: Her Bestfriend (2)
Chapter 26: Surprise Visit
Chapter 27: Happy... or not?
Chapter 28: Camille vs Nicole
Chapter 29: Camille vs Nicole (2)
Chapter 30: Threats
Chapter 31: The Transferees
Chapter 32: Creepy
Chapter 33: The Truth
Chapter 34: Unexpected News
Chapter 35: Doubt and Good News
Chapter 36: Anniversary date ^_^
Chapter 37: Kidnapped
Chapter 38: Relief
Chapter 39: Premiere Night
Chapter 40: Happily Married
Epilogue
Pasasalamat at Pasensya

Chapter 24: Her Bestfriend

8.7K 102 0
By girl28ie




Chapter 24: Her Bestfriend

Claire's POV

Hi everyone! ^_^ ako nga pala ang kaibigan/bestfriend/matalik na kaibigan ni Nicole Marie Lanting DASH Gonzales. Ako lang naman ang nag-iisang karamay ni Nics kapag may naiinis siya sa asawa niyang si Vince (^^,) o kaya ang taong pinagsasabihan niya ng magagandang pangyayari sa buhay niya.

Ano kaya nangyari sa kanila? Sana pagbalik ko, maayos pa rin sila ^_^

"Ma'am nandito na po tayo." nagising ako pagkatulala nang biglang nagsalita si manong driver. Napatingin ako sa bintana.

Nasa tapat na kami ng bahay ni lola. Nagpasalamat ako kay manang at saka lumabas sa kotse at pumasok na sa bahay ng lola ko, nilapag ko yung gamit ko sa sofa at dumeretso sa kwarto ng lola ko.

Nakita ko siyang nakaratay sa kama at natutulog pa. May dextrose na nakakabit sa kanya, lumapit ako kay lola at hinawakan ko yung kamay niya para magmano. Umupo ako sa upuan na nasa tabi ng kama niya, pinagmasdan ko si lola, ang payat niya na T_T

Unting-unti minulat ni lola yung mata niya, ngumiti ako sa kanya nung nakita kong tumingin siya sa akin.

"Apo.." Mahinang sabi ni lola.

"Hello po lola ^_^, kamusta na po yung pakiramdam niyo?"

"Eto, mukhang pagaling na kasi nandito ka na ^_^" biro niya pa sa akin. Napatawa naman ako ng marahan.

"Kayo talaga lola, binibiro niyo na naman ako."

"Hindi naman apo, nagsasabi lang ako ng totoo."

"Oo na po lola ^_^"

Nagkwentuhan pa kami ni lola ng kahit anong topic, napahinto kami nung nag chineck siya ng doctor. Pagkatapos ng check up, pinagpatuloy na namin ang kwentuhan. Hanggang napadako kami sa isang tanong na ikabigla ko.


"May boyfriend ka na ba?"


"Wala pa po lola. Bakit niyo po naitanong?"  Bakit kaya naitanong yun lola?


"Wala lang apo, may ipapakilala sana ko sa'yo at siya rin ang magiging asawa mo."


O_O


"Asawa!? Lola naman!" maktol ko.


"Bakit? Gusto ko nang magkaroon ng apo sa tuhod."


"Lola naman eh >////<"


"Gusto ko bago ako mamatay may magmamahal na sa nag iisang apo ko." only child lang kasi si mommy tapos only child din ako kaya nag-iisang apo.


"Lola naman eh."


"Ipapakilala ko sa'yo si..." hindi na  naituloy yung sasabihin ni lola kasi biglang bumukas ang pinto at pumasok ang nag-iisang lalaki na hindi ko inaasahan.


O_O


"Ipapakilala ko sa'yo si James Kyle Rico" nakangiting sabi ni lola. Naglakad siya palapit kay lola at saka nagmano. Nang iangat niya yung ulo niya nakapaskil yung ngisi sa mukha niya.


"LOLA! AYOKONG PAKASALAN YAN!?" sigaw ko.


"SINISIGAWAN MO NA AKO!?"


"Hindi naman po, Nabigla lang po ako." sabi ko na lang kay lola. Tinignan ko ng masama si James. Nakangisi pa rin siya.


"Ganun ba. Bakit ayaw mo siyang pakasalan?" natigilan ako sa tinanong ni lola. Ano ba yung sasabihin ko sa kanya? Sasabihin ko ba na sinaktan niya ako noon? Isip ka Claire ng magandang dahilan. Think think think.


"Kasi po... masyado po akong bata para sa ganyan, ayoko po ng ganun." bahala na ito.


"Hindi ka na bata, apo."


"Lola, gusto ko pong pakasalan yung taong mahal ako at mahal niya rin ako." gusto kong umiyak sa mga nangyayari ngayon. Bakit hindi niya na lang intindihin na ayoko sa lalaking ito. Alam kong nakatingin sa akin si James pero ayokong tignan siya.


"Maari mo naman matutunang mahalin yan si James eh."


"Basta po lola ayoko pong pakasalan siya." Pagkasabi ko nun lumabas na ako ng kwarto ni lola at dumeretso sa garden. Bumagsak na yung luhang kanina ko pa pinipigilan. Naalala ko pa ang ginawa niya nung high school pa ako.


**Flashback**


Dati akong nerd, not typical na may large glasses, long skirt and etc. maayos naman akong magdamit kaya lang kasi grade conscious ako . Palagi akong nakatambay sa library at doon nag-aaral. Wala akong kaibigan kasi ayaw nila sa isang katulad ko hindi ko nga alam kung bakit eh.


Isang araw, nakatambay ulit ako sa library at nagbasa ng Angel ni James Patterson, tapos na kasi ako sa lahat ng assignment ko kaya nagbasa ako.. Nandito ako sa sulok ng library kung saan walang nakakakita dito at dahil hindi ako belong sa ibang estudyante dito, nandito ako palaging nakatambay.


Nagulat ako nang biglang may umupo sa katapat kong upuan. Kumunot ang noo ko dahil isang gwapong nilalang ang nakaupo doon. Imposible naman na makita 'to dahil nasa kasuluk-sulukan ito ng library.


"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya


"Wala lang. Masama bang umupo dito?" singhal niya sa akin.


"Hindi naman, basta wag mo kong istorbohin." sabi ko na lang. Pinagpatuloy ko yung pagbabasa ko ng Angel at hindi ko muna pinansin ang taong nasa harapan ko. Parang may nakatingin sa akin kaya napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Nagulat ako nung nakatingin pala siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.


"Didn't you know that staring is rude?" masungit kong tanong sa kanya.


"Yes." 


"Then why you're staring at me?" 


"Sorry about that, but your just beautiful" Napasinghal ako sa sinabi niya. Ang lakas ng ampog ng lalaking ito.


"You're blind." Pagkasabi ko nun, sinara ko na yung libro ko at tumayo na. Tumayo din yung lalaking malakas yung ampog at sinundan ako hanggang makarating ako sa shelf kung saan nakalagay yung binasa ko. Hindi ko siya pinansin dahil alam kong nantri-trip lang siya.


Lumabas na ako ng library, naramdaman kong sinusundan niya pa rin ako kaya huminto ako sa gitna ng hallway. Humarap ako sa kanya at nakangisi siyang nakatingin sa akin.


"Ano bang kailangan mo?" naiinis na tanong ko. Tinaas niya yung kamay niya parang sumusuko sa pulis pero nakangiti pa ring nakatingin sa akin.


"Chill, gusto ko lang makipagkaibigan." sabi niya sa akin.


"I don't need a friend especially you." Binaba niya yung kamay niya at inilapat yung isang kamay sa tapat ng puso niy na parang aatekihin sa puso



"Awwww. Ang sakit naman yun. Gusto ko lang makipag kaibigan sa'yo eh, by the way, my name is James Kyle Rico."


Inirapan ko siya. "Sabi ko sa'yo hindi kita magiging kaibigan." Pagkasabi ko nun, tumalikod na ako sa kanya. Sumigaw siya sa nung medyo malayo na ako sa kanya.


"Kahit na! Gusto pa rin kitang maging kaibigan!"


Simula noon, palagi siyang sumasabay sa akin kapag lunch at minsan sumusulpot siya sa library kung saan ako palaging naka upo. Hangga't maari umiiwas ako sa kanya pero palagi niya ako nakikita. Parang alam niya kung saan ko nakapwesto kahit saan man lang ako magpunta.


Naging magaan ang loob ko sa kanya dahil hindi niya talaga ako tinigilan hangga't hindi niya pa rin ako nagiging kaibigan niya. Hanggang sa nahulog na ang loob ko sa kanya. Hindi ko inaasahan na maiinlove ako sa kanya, yung tipong lumalabas na yung puso ko kapag hinahawakan niya ang kamay ko tuwing hinihila niya ako. Yung pakiramdam na may humahalukay sa tiyan ko kapag ngumingiti siya.


Sinabi ko ito kay mommy pero eto lang ang tanging sagot niya.


"Masyado ka pang bata para sa ganyan pero hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman mo sa isang tao. Gagabayan kita pero hindi kita mapipigilang masaktan."


Natuwa ako sa sinabi ng mommy ko kaya napagdesisyonan kong sabihin ko yung nararamdaman ko sa kanya.


Pumunta ako sa gym kung saan nagprapractice sila ng basketball dahil isa siya sa mga varsity. May dala ako pang lunch dahil alam kong magugutom siya pagkatapos ng practice. Nang malapit na ako sa gym narinig kong may nagtatawanan sa loob.


Sumilip ako sa pinto at nakita ko si Kyle kasama ang mga teammates niya nagtatawanan, hindi niya ako nakikita kasi medyo tagong parte ng pinto ako nakatago.


"Kamusta na kayo ng nerd na kasama mo?" tanong ng isang ka-team mate niya. Mukha silang magkakaibigan dahil sa narinig ko.


"Ayon naging kaibigan ko rin sa wakas sa tagal ng panahon,  parang nanliligaw nga ako sa kanya eh." sabi ni Kyle. Kyle yung tawagko sa kanya kasi mas maiksi kasi at madaling banggitin.


"Paano ba yan? Nanalo na si James. Bigay niyo na yung pera niyo sa kanya." napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano yung ikinapanalo ni Kyle?


"Sabi ko sa inyo eh. Madali ko itong maiipanalo sa pustahan na ito eh. Mukhang in love nga sa akin yung nerd na yun eh." sabi niya habang nangongolekta ng pera. Bakit siya makikipagpustahan kung mayaman naman sila? At bakit ako pa?


"Paano ba yan? Dagdagan niyo ito kasi alam kong in loe yung nerd na yun." Naglabas ulit sila ng pera at nagtatawanan pero nanaig yung pagkadurog ng puso ko. Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad palayo sa gym habang umiiyak. Kinain ko na lang yung pagkain na dala ko para sa kanya.


Pinag-isipan kong sabihin ko sa kanya yung naramdaman ko at saka ako lilipat sa ibang lugar para hindi lalong madurog yung puso ko sa magiging sagot niya. Sinabi ko rin ito kay mommy at pumayag siya sa desisyon ko. Tatapusin ko muna yung Quartery test namin bago ko ilipat so ibig sabihin magtatapat ako sa last day ng test.


Pagkatapos nang narinig ko doon sa gym, naging cold ako sa kanya at parang hangin na dumaan sa harap niya. Sa buhay ko, hindi siya nag-eexist. Nasa library ako ngayon at nagrereview. May umupo sa harapan ko at alam kong si Kyle yun kasi ung puso ko ay parang hinahabol ng kabayo sa sobrang bilis.


"Bakit naging cold ka this past few weeks." napatingin ako sa kanya. Malungkot ang mukha niya na parang hindi niya gusto yung ginawa ko.


"Tanong mo sa sarili mo." sabi ko na lang sa kanya.


"May problema ba?" tanong niya ulit.


"Wala."


"C'mon please, talk to me." hindi ko siya pinansin, inayos ko yung gamit ko at tumayo. Tumingin ako sa kanya na nangingilid ang luha ko. Nanlaki yung mata niya dahil first time niya akong nakitang umiyak.


"Paano sabihin ko sa'yong may problema ako? Lalo na dito." Turo ko sa puso ko. "Ang sakit nito kasi pinagpustahan lang ako nang nagiisa kong kaibigan. Masakit, sobra."


"Kailan? Paano mo nalaman?" hindi makapaniwalang tanong niya.


"Hindi mo na kailangan pang malaman dahil aalis na ako sa dito sa school na ito."


"Bakit?" gulat niyang tanong sa akin.


"Dahil minahal kita. MAHAL KITA." Pagkasabi ko nun, umalis na ako ng library at pumunta na sa room ko at saktong nakasabay ko yung proctor kaya pagkadating ko sa room nagsimula nang mag test. Pagkatapos ng test namin lahat, nagmadali akong umuwi para hindi niya akong maabutan.


Pagkauwi ko sa bahay, nakita ko si mommy na nag-iintay sa sala. Pagkakita niya sa akin, niyakap niya ako at hinalikan sa noo. Masaya ako dahil nandyan si mommy para sa akin. Pagkatapos ng drama, sinabi niya sa akin maayos na yung papeles ko para paglipat ng school.


Dun sa bago kong school binago ko yung sarili ko, nakipag socialize ako sa kanila at dun ko nakilala si Nicole ang pinaka unang matalik kong kaibigan at tunay na kaibigan.


**End of Flashback**


Bakit ka pa bumalik? Kung kalian naka move on na ako. Kung kailan masaya na ako sa bago kong buhay, at ang pinaka matindi.


Papakasalan pa kita


(To Be Continued)




************************************************************


A/N: ok ba? Medyo naiyak ako sa flash back T_T


Hanggang dalawang chapter lang ito tapos babalik tayo sa original couple.


VOTE

COMMENT

FOLLOW



THANK YOU ^_^

Continue Reading

You'll Also Like

467K 14.3K 38
The Bouquet Ladies Trilogy Three friends attending their friend's wedding. During the bouquet throwing, they fight each other for the flowers because...
27.7K 494 53
Si Kristine Locsin ay ipinanganak sa kilalang pamilya. Everything is perfect. Mahal niya ang pamilya niya at mahal din siya ng mga ito. Her life is s...
849K 12.4K 31
He hates me but I love him..
171K 2.5K 14
Jackz Clyde also known as JC got Margaux pregnant at the age of 18. An island girl na nakilala lang niya sa isang pagtitipon. His life was ruined w...