FALL FOR YOU ( KAYE CAL)

By bayo_toopsie

71.2K 4K 1K

Falling inlove is never easy. Lalo na kung mahuhulog ang loob mo sa isang taong kinaiinisan mo ng buong buhay... More

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Fall For You ( Book Two)
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Pasasalamat

Chapter 66

784 56 24
By bayo_toopsie

Hi guys sorry ngayon lang nakapag-update,medyo busy..hehe tapos saklap pang nadelete ko yung una kong ginawa para sa chapter na to,tatanga-tanga kasi,,haist!sige na eto na!enjoy...uy salamat din sa inyong lahat..sa support nyo sa story,,sad to say pero malapit na naman tayo sa ending hehe...

********



Yasmin's  P.O.V.


Bumangon ako sa kama ko kinaumagahan.Medyo nahihirapan na naman akong huminga.Kailangan ko na munang makakain bago ako uminom ng gamot.Inayos ko ang sarili ko at sinipat ko sa bintana ang kabilang bahay.Mukhang tulog pa sila.Kungsabagay alas sais palang ng umaga.Knowing Kaye tanghali na nagigising yon.


Narecieve ko naman yung text nya kagabi.Kaso di na ko nagreply.Kahit naman gusto kong sumama sa kanila hindi naman pwede.Kasi hindi naman ako pwedeng bumyahe ng malayo,baka atakihin ako.Isa pa araw ng pagpunta ko ngayon sa hospital.Sabi ni Nykieh susunduin nya ko,text nya sa kin kagabi din.Umuo nalang ako at hihintayin ko sya.


Tinungo ko na ang kusina nang mapansin kong parang may tao sa labas.Nakita ko nang mahagip ng mga mata ko ang bintana.Sinilip ko at si Yassi ang nakita ko.Nasa harapan sya ng bahay ko at nakatitig sa bahay.Nagtataka akong tinungo ang pinto.


"Yassi..hey ayos ka lang.." Tanong ko nang makalabas na ako at makalapit na ko sa kanya.

Tiningnan nya ko at para bang naguguluhan sya.Hindi maipinta ang mukha nya.Parang maiiyak na hindi ko mawari.


"Sino ka?at anong ginagawa mo sa bahay ko?" Sabi nya.

Nanlaki ang mata ko.Anong nangyari?bakit naalala nyang bahay nya ito.Sa pagkabigla ko ay nagawa ko pa ring ayain syang pumasok sa loob.

Natigilan sya at tinitigan ang kabuuan ng bahay.Umiyak sya pagkatapos.Ako man ay nanatiling nakamasid.Naguguluhan din ako.Magaling na ba sya?

Dahan dahan syang naglakad sa kabuuan ng sala,bawat muwebles na naroon ay masuyo nyang hinahawakan.Habang pumapatak ang luha nya.Tapos sa kusina.Hanggang sa makarating kami sa kwarto ko na dati nyang kwarto.Pinabayaan ko lang sya.Hindi kasi sya nagsasalita at umiiyak lang.Hinawakan nya lahat kahit ang mga dingding.

"Mama..Papa...Lola...huhuhu,isama nyo na ko,pagod na pagod na ko,mahirap magisa..." Umiiyak na sabi nya.Habang napaluhod na sya sa sahig.Nahabag ako sa kanya.Kaya naman nilapitan ko sya.Kaso niyakap nya ko bigla at nagtangis sya sa mga balikat ko.Yung puso ko naman dumoble ng limang beses ang pagtibok,nahihirapan na talaga akong huminga kaso pinipigilan ko kasi yakap ko si Yassi,napapapikit ako sa sakit...


Nang hindi ko na matagalan ay kinuha ko ang mga gamot ko sa drawer ko at ininom ang mga yon.Nakatingin lang sa kin si Yassi.Hindi ko na kasi talaga kaya,kailangan kong kumalma.Naupo sya sa tabi ko sa kama.


"Sino ka?" Tanong ulit nya,tanong nyang hindi ko nasagot kanina.

"Ako..si Y-Yasmin.." sagot ko pagkainom ko ng tubig."ako ang nakabili ng bahay na to.."

"Maysakit ka?" Nagaalalang tanong nya,habang nakatingin sa mga gamot na nakalatag sa kama.Tumango ako.
"Anong sakit mo?"

Nagisip muna ako bago sumagot.Tutal hindi naman na nya ito maalala pagkatapos ng usapan naming ito kaya sinabi ko na sa kanya.

"May sakit ako sa puso ko,congenital heart disease,,bata palang ako may butas na talaga puso ko..maintain lang ang gamot ko kaya nakakasurvive ako...kaya lang findings ng doktor kapag hindi ako naoperahan baka huling taon ko na to..." Nakangiting sabi ko.

Totoo.Nakangiti ako.Tanggap ko naman na kasi na may hangganan na ang buhay ko.Mangyari man iyon agad ngayon atleast nakangiti ako.Ayoko nang gugulin pa ang buhay ko sa lungkot.


"Paano ka daw ooperahan?" Tanong nya.Napatingin ako sa kanya.Ngumiti ako.Hindi ko na sinagot ang tanong nya.Bakit ba sakin napunta ang usapan hindi ba dapat tinatanong ko sya kung bakit parang may naalala sya sa bahay na to?


"Ikaw..di ba aalis kayo ngayon pupunta kayong Tagaytay kasama si Kaye?" Pagiiba ko ng usapan.

Napatungo sya at napahawak sa sentido nya.Nagalala naman tuloy ako bigla.Kaya naman inalo ko sya agad.


"Ayos ka lang hwag mong pilitin kung hindi mo kaya baka mapano ka pa?" Sabi ko.

"Si Kaye..mahal ko si Kaye,naaalala ko sya,naaalala ko..."masayang sabi nya na napapaluha pa.Habang hawak nya mga kamay ko.Kaso ang masayang mukha nya kanina ay napalitan ng lungkot na rumihestro sa mukha nya.


" Kilala mo na ba si Kaye?"sabay tanong nya sa kin.

"Ha?ah oo naman..syempre bakit naman hindi eh kapitbahay lang natin sya.." Nagtatakang tanong ko.Gulong-gulo din ang isip ko sa mga kilos at sinasabi ni Yassi.Mukhang may naaalala nga sya.





Yassi's P.O.V.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari.Pero bigla ay naalala ko ang lahat.Naalala ko ang mama at papa ko pati na si Lola.Si Sheena.Si Andrei.Ang lahat pati na si Kaye.
Ang pagibig ko sa kanyang hindi ko pa ata nasasabi kung gaano ko sya kamahal.

Naalala ko pati si Yasmin na nasa harapan ko.Naalala ko ang araw na nagmakaawa sya kay Kaye na sana mahalin sya nito.Kaso ipinagtulakan sya palabas ni Kaye.

Naiiyak ako sa tuwa.Gusto ko mang itanong kung bakit may naalala na ako.Kaso kanino ako magtatanong.

Inilinga ko ang paningin sa paligid ng kwarto.Napangiti ako dahil sa mga dingding na iyon ko idinikit ang mga pictures at sticky notes noon kung saan malapit na akong mawalan ng alaala.Masaya ako.

Baka ito na ang huli kong pagkakataon na ayusin ang dapat ayusin.Sabihin ang dapat sabihin kay Kaye.Kaya naalala ko ang lahat.Pati na rin ang araw na pupunta kami ng Tagaytay noon.Kaso hindi dumating si Kaye.Hindi ko na nalaman kung bakit sya hindi nakarating non.

Sa sobrang lungkot ko ay naglakad nalang ako kahit napakalakas ng buhos ng ulan ng araw na yon.Pupunta sana ako ng Tagaytay magisa.Kaso wala akong masakyan.Walang gustong magsakay sa kin.Kung bakit kasi wala akong kotse noon.Natigilan ako nang makitang may inabot na panyo si Yasmin.Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako sa pagbabaliktanaw ko.Inabot ko ang panyo at nagpunas ako.Ano ang nangyari ng araw na yon?Dumating ba si Kaye?

Napatayo ako sa kinauupuan ko.At patakbo akong lumabas ng bahay at tinungo ko ang bahay ni Kaye.Tinawag ako ni Yasmin pero hindi ko na sya nilingon.


Pagpasok ko ay tulog pa sya.Tinitigan ko lang sya.Pagkatapos ay hinawakan ko ang bintana nyang nabasag ko noon.Napangiti ako.Naalala ko kahit yon.Bakit hindi pa nya ito napaayos?

Inilinga ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto nya.Nakita ko ang picture ko at diary ko.Kinuha ko ang diary at binuklat iyon.Naluha ako.Ang sulat kamay ko.Tinitigan ko ang mga kamay ko.Parang hindi na ako marunong magsulat.Nasa ganoon akong ayos nang magising si Kaye.Nagulat sya nang makita ako sa tapat ng basag na bintana at hawak ko ang diary ko.

"Yass,gising ka na pala.." pupungas-pungas na turan nya.Naupo sya sa gilid ng kama,sa harap ko.

"Bakit hindi mo pa ito napapaayos?tagal na nito ah?" Nakangiting sabi ko.Na ikinagulat naman ni Kaye.Kita ko sa mukha nyang naguluhan sya.

"Yass,whats going on?naalala mo yan?" Tanong nya na ang tinutukoy ay ang bintana.Tumango ako.

Napatayo sya sa kinauupuan at niyakap ako.Hinayaan ko lang sya.Nang pakawalan nya ako ay saka ako muling nagsalita.


"Naalala ko ang lahat,ang lahat-lahat Kaye,at masaya ako dahil nakita kita nang maalala ko na ang lahat,baka ito na ang huli kong pagkakataon.Nakakapagtaka nga pero masaya pa rin ako,gusto kong sabihin na hindi ako nagalit  sayo na hindi ka nakarating noong naghintay ako sayo..." Umiiyak na sabi ko.

Nagulat si Kaye na kahit iyon ay naalala ko.

"Yass dumating ako,kaso wala ka na pagdating ko..sorry nahuli ako,nakita kita wala ka ng malay..."

Napatingin ako sa kanya.Tumutulo na rin ang luha nya.Masaya ako na dumating sya,sayang nagkasalisi kami.Hinawakan ko ang pisngi nya.

"Mahal kita..Kaye,hindi ko nasabi sayo kung gaano kita kamahal noon,at marahil ito na ang pagkakataon kong sabihin sayo na sobrang mahal kita..."

"Mahal din kita Yass..." Sagot nya,hinawakan pa nya mga kamay ko.

Umiling ako.


"Hwag na ako,hindi na kita maalala pa,ayokong maging unfair sayo,pagkatapos nito kalimutan mo na rin ako katulad ng ginagawa ko sayo ngayon.Magmahal ka ng iba,yung maganda..yung mabait yung hindi ka nya sasaktan katulad ng ginagawa ko sayo ngayon.." Umiiyak na sabi ko,hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi."Hwag ka na magalala sa kin Kaye..kalimutan mo na rin ako,gusto ko maging masaya ka doon ako matatahimik,hwag ka mag-aksaya ng panahon sa kin..sorry hindi ko gustong saktan ka,ayoko na makita kang umiiyak dahil sa kin,tandaan mo mahal kita..."

"Yassi ano bang sinasabi mo?di ba sabi ko naman sayo aalagaan kita ako ang magpapaalala sayo,,hindi ko kayang gawin yang mga sinasabi mo lalo akong nasasaktan dahil sa mga sinasabi mo pakiramdam ko pinagtatabuyan mo ko!"

Umiiyak akong umiling.

"Tama na Kaye,baka kaya biglang naalala ko ang lahat para masabi ko sayo lahat ng ito,kalimutan mo na ko wala kang future sa kin,masasaktan lang kita ng paulit-ulit..tama na Kaye..please.."


"Ayoko Yasss,halika na pupunta na tayo ng Tagaytay hinihintay na nila tayo..."

Tumayo sya.Mabilis ang kilos nya na para bang natataranta habang umiiyak.Naglalagay ng mga damit sa bag na hindi na alintana kung ano-anong klaseng damit na ang mga nilalagay nya.Pinigilan ko sya sa braso at niyakap ko sya para mapakalma.Humagulhol na sya.

"Kaya kitang alagaan kahit hanggang kailan.Magtitiis ako at ikaw lang ang mamahalin ko hwag mo lang akong ipagtabuyan ng ganyan..hwag mo na sabihin sa kin yan na dapat kalimutan na rin kita..hindi ko kayang mawala ka ulit Yass..."


"Pero mawawala din naman ako ng matagal Kaye at sa pagkakataong iyon hindi na ako makakabalik pa kahit kailan...gusto kong handa ka na...mahal kita at maghihitay ako kahit sa kabilang buhay...hihintayin kita.."

"Ano bang sinasabi mo Yass?!"

Kumalas ako ng pagkakayakap sa kanya.Hinalikan ko sya sa labi ng matagal.Napapikit kami pareho.Pagkatapos ay binitawan ko na sya at patakbo akong lumabas ng pintuan ng kwarto nya.Hinabol nya ako habang tawag nya ang pangalan ko.


"Yass!sandali san ka pupunta?bumalik ka dito?!Yassssss!!!" Sigaw nya.

Napaiyak akong lalo.Napakasakit para sa akin ang tumakbo palayo sa kanya pero ito ang dapat kong gawin.Dapat na ako na ang umalis at lumayo sa kanila.Ayoko na sayangin pa ang mga panahon nila para sa akin.May pag-asa pa sila pero ako ay wala na.Ayoko na idamay pa sila.Dinig ko ang umiiyak na pagtawag ni Kaye nasa gate na sya pero ako ay nagpatuloy sa pagtakbo.Ayokong huminto.Ayokong maabutan nya ko.Alam kong tama tong ginagawa ko.

Malayo layo na rin ang itinakbo ko.Pagod na ako,hindi ko na din nakikita pa si Kaye.Maya-maya lang ay may dumaang owner type dyip sa harap ko.Huminto sila sa tapat ko.

Isang matandang lalaki ang nasa loob,at isang dalagita at si Yasmin?

"Sakay..." Mahinang sabi ni Yasmin.Humihingal sya habang sapo ang  dibdib nya.Namumutla rin sya.

"Anong nangyari sayo?" Alalang tanong ko nang makasakay ako.Hindi na sya sumagot.Walang sumagot ni isa hanggang sa makarating kami sa ospital.


Naguguluhan akong nasa isangtabi lang habang isinasakay sa stretcher si Yasmin.Binigyan agad sya ng oxygen para makahinga agad.Nakasunod naman kami sa kanya hanggang sa dalhin sya sa emergency room.Hindi na kami pinapasok.Hanggang labas lang kami.

Umiiyak na naupo ang dalawang kasama ni Yasmin.Napatingin ako sa kanila at lumapit ako sa matandang lalaki.Umupo ako sa tabi nya.


"Ako po si Yassi..." Pagpapakilala ko.Nakatingin sya sakin at hinaplos nya ang mukha ko.

"Kamukha mo ang anak ko,kaibigan mo ba sya?" Tanong nya.

Tatay pala ni Yasmin.Napatingin ako sa gawi ng dalagita na nakatingin din sa kin.

"Ako si Jhema kapatid ni ate Yasmin.." Pagpapakilala naman nya kahit hindi ko pa tinatanong.

"Anong nangyari kay Yasmin?" Tanong ko.

Lumakas ang pagiyak ng matanda.Nasapo ng kanyang mga sariling palad ang mukha nya at humagulhol doon.

"Kung kaya ko lang ibigay ang sarili kong puso sa kanya ay gagawin ko,kaso maysakit din ang puso ko dahil sa diabetes ko,disin sana hindi na nahihirapan ang anak ko..ayokong mamatayan ng anak,ayoko ng pakiramdam na ako ang maglilibing ng sarili kong anak,mas guato kong ako ang maunang mawala kaysa sa kanya..." Umiiyak na tugon nya..

Nahabag ako.Nalaman ko na kailangan pala ni Yasmin ng donor para sa heart transplant.Kaso hanggang ngayon wala pa silang nakukuhang donor.Tatlong nalang din pala ang taning sa kanya.Kawawang Yasmin.Kawawa rin ang pamilya nya.Lalo na ang tatay nya.Kahit sinong magulang hindi nila kayang makitang maglilibing sila ng anak.Napakasakit sa pakiramdam non.Niyakap ko nalang ang matanda.Umiiyak na din ako.Yumakap na rin sa amin si Jhema.

Sabay ng pagbalik ng alaala ko ay ang pagbalik ng lahat ng sakit sa puso ko.Nakakalungkot.Napakaikli lang ng oras para maayos ko ang lahat ng iiwanan ko.Pero gagawin ko para kay Kaye kahit gaano pa kaikli ang oras.






------------------------------------------------------

Napakasakit...ng mga pangyayari.Tsk.sakit sa puso...hanggang ngayon hindi pa ko nakamove-on sa nadelete kong chapter napakasakit.Dahil iba yon sa bago kong ginawa.Kasi mas umiyak ako don habang nagtatype.huhuhu.sobrang sakit.

Tapos wala pa si Kaye,nagpunta pang Japan walang maghahug sa kin,sa lungkot na nararamdaman ko...haha...char!


Tama na nga.

Please vote....



@bayo_toopsie








Continue Reading

You'll Also Like

381K 5.5K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
1.2M 24.3K 56
just for fun
5.2K 135 65
THIS IS A MIKAIAH STORY HOPE YOU ALL LIKE IT! this is a fanfiction only!!!!
13.7K 876 42
Rodrigo a secret billionaire businessman only impregnated a woman in a bar and the child was just left in front of his home with a note that he's the...