FALL FOR YOU ( KAYE CAL)

By bayo_toopsie

71K 4K 1K

Falling inlove is never easy. Lalo na kung mahuhulog ang loob mo sa isang taong kinaiinisan mo ng buong buhay... More

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Fall For You ( Book Two)
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Pasasalamat

Chapter 60

789 56 11
By bayo_toopsie

Hi guys!!
Bago ang lahat gusto ko magpasalamat sa mga nagbabasa, sa mga nagvovote at nagcocomment sa kwentong ito.
Alam ko still wondering pa rin kayo kung sino nga ba makakatuluyan ng ating Kaye Cal we loves 😍.Gaya nga ng sabi ko sa una palang "kapit lang" haha. Kahit ako excited din sa mangyayari. Hehe. Abangan nalang po. Salamat. So eto ka na nga.. tama na to, hehe. Enjoy!!

Yasmin's  P. O. V.

"Yassi Cuatco?" nagtatanong o nakikiusyosong wika ni Jhane. Sabay lapag ng pagkain na inorder niya para sa akin. Umikot siya sa likod ko para makisilip sa ginagawa ko sa laptop ko. "Sino naman yan? Bakit sinesearch mo?" turan pa nito.

Hindi ako sumagot nagpatuloy lang ako sa pagscroll sa Facebook. Pero wala akong makitang kamukha niya kahit napakaraming lumalabas na kapangalan niya. Hinahanap ko siya para kay Kaye. Pambawi na rin sa atraso ko sa kanya. Pero mukhang mabibigo ako dahil hindi ko siya makita. Napabuntong -hininga ako, sabay kagat ng sandwich na dala ni Jhane. Napatingin ako sa kanya na matamang nakatingin sa akin. Naghihintay pa rin pala siya ng sagot mula sa akin.

"Si Yassi Cuatco, long lost love ni Kaye, the one that got away,, ganon! " wala sa loob na sabi ko. Nagulat tuloy ako nang marealize na parang nadulas ata ako.

"Kaye? Sino yon? " aniya .

Lihim akong nagpasalamat mabuti nalang at hindi ko nasabi ang apelyido ni Kaye. Kahit hindi naman ako sigurado kong kilala niya si Kaye Cal. Pero baka nga kilala niya kasi mahilig sa celebrity tong kaibigan ko. Napakamot ako bago ako sumagot.

"Si Kaye yung kapitbahay ko.. Si Mr. Volvo.. " nakangiti Kong sagot.

"Huh?Si Mr. Volvo, babae pala? ...ganon? " Waring hindi makapaniwalang sabi niya habang sumipsip sa straw ng iniinom niya.

Hay! Ano ba yan? Paano ko ba ipapaliwanag ito.?Nasa malalim ako ng pagiisip nang pahapyaw akong tumingin sa kanya. Pero sa pagkakataong ito ay hindi siya sa akin nakatingin at naghihintay ng sagot. Nakatulala ito na para bang nakakita ng multo. Iwinasiwas ko pa ang kamay ko sa harapan niya pero hindi pa rin siya natinag.

"Uy! napano ka?" nagtatakang tanong ko.

"Si Kaye... " sambit nito habang nakatingin sa entrance ng cafeteria.

"Si Kaye...?" ulit ko sabay tingin sa gawi ng tinitingnan niya. Nanlaki ang mata ko nang makita si Kaye na pumasok mula roon nakashades pa ito pero makikilala ko pa rin na siya yon at kasama niya si Editor -in -Chief,sa gawi ko sila nakatingin. Napasinghap ako sabay biglang tayo sa kinauupuan ko. Anong ginagawa niya dito?

"Hi! " bati niya nang makalapit sa pwesto namin. Napangiti ako sabay tingin sa katabi kong si Jhane. Nakatitig lang siya kay Kaye, at napanganga pa. Mukhang hindi makapaniwala na si Kaye ang nasa harap niya .Tinapik ko siya pero hindi pa rin siya natinag. Natatawa nalang ako sabay ibinalik ko ang tingin ko kay Kaye.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Dapat hindi ka nagpupunta sa ganito kataong lugar, ano ka ba naman! " angil ko. Paano naman nakatingin na rin sa amin ang iba pang empleyado sa cafeteria. Pare-parehong napatulala lang at hindi makapagsalita.

"Bakit hindi ba ako tao at pinagbabawalan mo ko magpunta sa mataong lugar?" Nakangising sabi niya.

Napakamot nalang ako. Syempre celebrity siya so dapat hindi nagpupunta sa mga ganitong lugar. Hindi ba siya natatakot na dumugin ng mga tao. Dahil wala akong maisagot. Hinawakan ko siya sa kamay at patakbo naming nilabas ang cafeteria. Sakto naman nang makaalis kami ay saka lang natauhan ang mga tao sa cafeteria ,dinig ko pa ang mga tilian nila. At para bang mga nagwawala sa loob. Nakakatawa.

Sa park ay saka ko lang siya ulit tinanong kung anong ginagawa niya doon.

"Wala lang naisipan ko lang puntahan ka, aayain sana kita.." sabi niya.

Sasagot pa sana ako nang may tumawag sa pangalan ko. Mula sa likuran ni Kaye ay nakita ko ang papalapit na si Nykieh. Napangiti ako sa kanya at kumaway. Ilang araw ko ding hindi nakita ito. Napatingin din si Kaye sa likuran niya. Nakangiti at kumaway pa kay Nykieh. Si Nykieh naman ay parang nagulat. Pero nagpatuloy pa rin sa paghakbang papalapit sa amin.

Pagkalapit ni Nykieh ay binati niya si Kaye. At ganon din ito. Ako naman ay nakatingin lang na nagtataka sa kanila. Maya -maya lang ay sa akin naman napatingin si Nykieh.

"Magkakilala kayo!!!" sabay naming tanong ni Nykieh sa isat-isa. Pareho kaming natigilan. Samantalang si Kaye ay natatawa lang sa amin. Sabay kaming napatingin sa kanya.

"Bestfriend ko si Nykieh... " turan ni Kaye na nakatingin sa akin sabay ibinaling ang tingin niya kay Nykieh "Kapit-bahay ko naman si Yasmin.. "

"Ah,,!!! " magkapanabayan na namang sabi namin ni Nykieh. Nag-aper pa kami sa tuwa. Akalain ko ba namang magbestfriend pala tong dalawang to. Wow! Ang gagwapo naman nila. Haaay..!!!

"Uy, ano rin ang ginagawa mo dito..?" Pagkuway tanong ko kay Nykieh. Ngumiti siya sa akin sabay may dinukot sa bulsa at inabot sa akin.

Lumuwag ang pagkakangiti ko. Ticket para sa gig ng Aegis. Naluha pa ko sa tuwa. Napatingin ako kay Nykieh. Pero bago pa ako bumigkas ng salita ay sumagot na ito.

"Naalala ko kasing favorite mo ang Aegis, bumili na ako ng ticket sasamahan kitang manood.. " sabi ni Nykieh.

Ay talaga ba? Teka pano si Kaye?

"Naku salamat Nykieh ha, nakakatuwa naman to, first time kong makakapanood ng mga ganito kaya lang-----" napatingin ako kay Kaye.

Papalit -palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi naman pwedeng kami lang ni Nykieh ang aalis tapos iiwanan ko si Kaye samantalang siya ang naunang dumating.

"Wala ka na bang extrang ticket para kay Kaye?" bulong ko kay Nykieh. Bulong pero narinig ni Kaye, bumulong pa ko eh anlakas naman ng boses ko. Natawa si Kaye. Sabay may dinukot din sa bulsa niya.

Ticket din para sa gig ng Aegis. Dalawang ticket. Tig-isa sana kami.? Ganun? Asyumera?
Hindi ako nakapagsalita. Napatitig lang ako kay Kaye at alam kong napansin ni Nykieh yon kung paano ko siya titigan .Saka ako nagbawi ng tingin. Bahagya akong nailang.

"Nalaman ko kasi na favorite mo ang Aegis, nagkataon namang may nagbigay sa kin nito, eh naisip ko pambawi ko sa ginawa mo para sa akin last night... "

Sus parang wala naman akong gaanong ginawa. Para kaming tanga nagbabawian sa isat-isa. Ano bang gagawin ko sa dalawang to? Sabay pa talaga silang nag-aya sa kin. Wow haba naman ng buhok ko..

"Teka sama-sama nalang kaya tayo! " iyon nalang ang pinakamabuting solusyon na sinang-ayunan naman ng dalawa .

Sa kotse nalang ni Nykieh ako nakisakay at iniwan ko ang kotse ko sa parking lot ng kompanya. Ang weird lang ng pakiramdam na para bang nalungkot ako na hindi sa kotse ni Kaye ako sumakay. Naku naman!

"Ikaw pala ang bagong nakatira sa bahay dati ni Yassi, ikaw ang nakabili? " wika ni Nykieh habang nagmamaneho. Napatingin naman ako sa kanya. Nagtataka ako. Ano daw?

"O bakit hindi mo ba alam na si Yassi ang may-ari ng bahay na tinitirhan mo ngayon? Kaya nga ayaw umalis ni Kaye sa subdivision na yon kahit na may condo naman siya dahil umaasa pa siyang babalik si Yassi sa lugar na yon... "

Napaisip ako at para bang nasasaktan ako sa naririnig ko.

"Hindi ko alam, kailan lang din naman kami nagkakakilala ni Kaye.... " mahinang sagot ko.

Mukhang madami pa akong kailangang malaman. Hindi pa nga ako nakaka-recover sa nalaman kong magbestfriend pala ang dalawang to. Tapos madadagdagan pa na ang dati palang may-ari ng bahay na nabili ko ay si Yassi. Kaya pala kabisado ni Kaye ang papuntang rooftop. Hindi ko siya nameet noon. Ibang tao ang kausap ko noon. Sa naalala ko Sheena ang pangalan non, hindi Yassi. Ano pa kayang alaala ang meron sila sa bahay ko? Kaya ba nakikipagkaibigan na si Kaye sa akin dahil don? Bakit ba ganito ang pakiramdam ko parang ang sakit -sakit ng puso ko. ?

"Yasmin.. gising na andito na tayo... " panggigising ni Nykieh sa akin.

Nagising ako at ginusot-gusot ko ang mga mata ko. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa byahe. Inilinga ko ang paningin sa paligid. Hinanap ng mga mata ko si Kaye.

Bumaba na kami ni Nykieh sa kotse niya .Sakto lang din ang pagdating ng sasakyan niya. Hinintay namin siya makababa ng kotse niya .Pagkatapos ay sabay -sabay na kaming pumasok sa loob.

Pansamantala ko munang isinantabi ang mga agam-agam ko. Unang pagkakataon ko itong makapanood ng gig ng Aegis kaya dapat magenjoy lang ako lalo na at libre.

Iba ang saya ko ng mag-umpisa nang tumugtug ang Aegis sa stage. Magkahalong excitement at amusement ang nararamdaman ko. Lalo na nang kantahin nila ang una nilang pyesa. Ang walang kamatayang Basang-basa sa Ulan.

Magkasaklob ang mga palad ko habang nasa tapat ng dibdib ko. Sa sobrang tuwa ko ay naluha ako sa kasiyahang nararamdaman. Kung di ko pa nakilala tong si Nykieh at Kaye hindi ako makakapanood ng mga ganitong gig.

"Bakit ka umiiyak? " tanong ni Kaye na nasa gawing kanan ko. Nilingon ko siya. At ngumiti. Paano ko ba ipapaliwanag ang nararamdaman ko. Masaya ako dahil nanonood ako ngayon ng paborito kong banda despite na malungkot dahil magdamag kaming magkasama ni Kaye last night pero hindi man lang niya naikwento na si Yassi pala ang dating may-ari ng bahay. Big deal sa akin yon. Kasi may bahagi sa puso ko na umasa ako sa hindi malaman kung ano ba talaga ang inaasahan ko mula dito.

"Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak eh! Parang alam mo yon? parang sasabog ang puso ko! " humugot ako ng malalim na paghinga habang nagsasalita.

Napapailing naman si Kaye na itinuon muli ang paningin nito sa stage. Natatawa pa ito ng bahagya. Nilingon ko si Nykieh sa gawing kaliwa ko. Seryoso lang ito at para bang wala sa kasalukuyan ang isip. Hindi ko malaman kung nabobore ito o ano? Tinapik ko siya.

"Masaya ka ba? "nakangiting tanong ko. Lumingon naman siya.

"Masaya ako kapag nakikita kitang masaya... " sagot ni Nykieh. Bahagya akong natigilan sandali. Ang seryoso niya sa part na yon. Nakaramdam ako ng sensirong damdamin mula sa kanya kaya naman ngumisi nalang ako at ayokong magisip pa ng ibang kahulugan sa sinabi niya.

"Naks! naman! Ramdam mo na ba ang epekto ng Aegis sa kin?" biro ko nalang. Pero hindi siya ngumiti. Nagkibit balikat nalang ako sabay itinuon ko nalang ang paningin ko sa stage.

Naging masaya ako ng gabing ito. Paminsan-minsang sumasabay ako sa pagkanta ng Aegis habang iwinawagayway ko pa ang mga braso ko. Tumatalon naman ako kapag nakakaindak ang kanta nila. Habang yung dalawa sa tabi ko ay pinagmamasdan lang ako. Alam ko kahit hindi ko sila tingnan. Seryoso lang si Nykieh samantalang madalas namang nakatawa si Kaye.

Nang uwian na ay kay Kaye ako nakisakay dahil iisa lang naman ang destinasyon ng bahay namin.Pero bago kami maghiwa-hiwalay ay mataman munang nagusap ang dalawa ,mukhang seryoso ata ang paguusapan dahil kinailangan pa nilang lumayo sa akin. Matagal ang paguusap nilang iyon na akala ko bukas pa sila matatapos.

Maya-maya lang ay sabay na silang lumapit sa akin. Nakangiti nang nagpaalam si Nykieh sa akin. At niyakap pa ako.

"Ingat kayo ha, Kaye ..salamat.."sabi pa niya sabay kindat kay Kaye. Nahihiwagaan naman ako sa kung ano ang pinaguusapan nilang dalawa, dahil parang may iba kay Nykieh matapos nilang magusap ng masinsinan.

Tahimik lang kami ni Kaye sa byahe. Hindi siya umiimik habang seryoso lang sa pagdadrive. Gusto ko sanang malaman kung ano ang iniisip niya o kung ano bang pinagusapan nilang dalawa ni Nykieh. Kaso paano ako maguumpisa magtanong kung mukhang ayaw niya akong kausapin. Itinuon ko nalang ang paningin sa labas ng bintana. Sabay sinipat ko ang relo ko sa bisig. Mag-a-alas dose na ng hating-gabi.

Nakarating na kami sa tapat ng bahay ko. Huminto si Kaye habang ako naman ay tinatanggal ko ang seatbelt na nakakabit sa katawan ko. Kaso hindi ko ito matanggal. Nagpapanic na ang kalooban ko dahil naghihintay si Kaye sa pagbaba ko ng sasakyan niya.

"Kaye.. mukhang sira ata to? ayaw matanggal!" turan ko imbes na ayaw ko siya kausapin nakausap ko nalang tuloy dahil sa seatbelt na to.

Tinulungan naman niya ako magtanggal.

"Ngayon lang hindi gumana to? Ikaw kasi ang gumamit.. " nakangiting wika niya. Parang kanina lang hindi maipinta ang mukha niya sa hindi ko malamang dahilan tapos ngayon napakalapad ng pagkakangiti na may halong pangaasar sa akin.

Bahagya akong dumistansya nang magexcuse siya dahil kailangan niyang icheck ang kabitan sa ulunan ko. Napayuko lang ako. Kabado ang pakiramdam ko nang magkalapit kami ng husto. Napapikit pa ako dahil sumisirko ang puso ko sa tuwing nadadaiti ang balat niya sa balat ko. Parang hindi ako makahinga.

"Ayan natanggal ko na!" narinig kong sabi niya. Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana nang marinig ko siya .Kaya naman nilingon ko na siya para makababa na.

Pero sa paglingon ko ay diretsong lumapat ang labi ko sa labi niya. Magkalapit pa pala kami akala ko nakalayo na siya dahil sabi niya ok na at natanggal na daw niya ang seatbelt .

Pareho kaming natigilan. Mukhang hindi rin niya inaasahan ang nangyari. Ako man ay nagulat din ang lagay eh ako pala ang unang humalik sa kanya. Diyosko! Nakakahiya naman! Oh no!!!

"Ay sorry Kaye, akala ko kasi ok na! " nagugulantang na sabi ko. Natataranta ako at hindi ko malaman ang gagawin ko. Hindi ko din naman sinasadya yung nangyari. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at mabilis na akong bumaba ng kotse niya.

"Salamat Kaye!" sumisigaw na sabi ko. Habang tumatakbo papasok sa loob. Hindi ko na siya nilingon dahil parang namumula na ang mukha ko sa hiya sa kanya .

Pagkapasok ko sa bahay ay ipipinid ko ang pinto at napasandal roon .Hawak ko ang labi ko na humalik sa labi ni Kaye. Paano nalang ang pakikitungo ko sa kanya nito bukas. Nagaalala ako sa kahihiyang dadanasin ko kinabukasan.

Para akong bulak na ibinagsak ang katawan ko sa kama. Inilinga ko ang paningin sa kabuuan ng silid. Ano pa kayang mga alaala mayroon sa bahay na to? Mukhang napaka-espesyal ng bahay na ito kay Kaye? Malungkot ang mga ngiti ko sabay ng pangingilid ng luha ko.

Ok lang yan nakiss ko naman siya. Sabi ko nalang sa sarili. Sabay kinilig ako. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Lalo na kapag naiisip ko kung gaano kalambot ang mga labi nito. Minsan talaga may magaganda ring nangyayari na hindi ko inaasahan.


-----------------------------------------------------

Thank you guys.
Please vote.. comment and share.

@bayo_toopsie

Continue Reading

You'll Also Like

2.7K 75 25
One school. Two groups. Eight students. With different personalities. Attitudes. And hidden feelings. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanf...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
227K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
1.3K 93 20
Maria Nicolette Vergara is a famous idol and known as a short tempered person. Jhoanna Christine Robles is a blind girl and she idolize Colet's group.