FALL FOR YOU ( KAYE CAL)

Door bayo_toopsie

71K 4K 1K

Falling inlove is never easy. Lalo na kung mahuhulog ang loob mo sa isang taong kinaiinisan mo ng buong buhay... Meer

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Fall For You ( Book Two)
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Pasasalamat

Chapter 59

705 77 13
Door bayo_toopsie


😊😊😊😊

Yasmin's P. O. V.


Malalim na ang gabi. Tahimik na ang kapaligiran. Lahat ng bahay mga nakapatay na ang ilaw maliban nalang sa mga ilaw ng mga poste sa kalsada. Pero kami ni Kaye ay nanatili pa rin sa tuktok ng bubong ng bahay ko. Tanaw namin ang liwanag ng  mga ilaw hanggang sa abot ng tingin namin. Tahimik.Sa sobrang tahimik nga ay  dinig na dinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko.

Tugudug...

Tugudug...

Hindi ako komportable. Nagaalala ako na baka marinig ng katabi ko na parang tinatambol ang dibdib ko.

"Sorry."

Narinig ko na sabi niya. Napalingon ako sa kanya. Napakunot noo ako.

"Sorry? Para san?" tanong ko.

"Para sa lahat ng ginawa ko, alam ko nahirapan ka.."

Payak akong tumawa sabay hampas ko sa balikat niya ng bahagya.

"Sorry din, kasalanan ko naman talaga lahat yung aksidente natin, mabait ka pa nga eh, dahil hindi mo pinabayaran sa kin yung nasira ko... " nahihiya kong sabi.

Totoo yon walang halong biro. Lalo na ngayon na parang inabswelto na ako ni Kaye sa kabayaran sa kanya. Lalo kong napatunayan na sadyang mabait talaga siya. Dangan nga lamang na may pagkamasungit ito minsan. Kung di lang gwapo baka hindi ko siya nagawang maintindihan. Hehe.

"Ano ba kasing nangyari sayo, noong araw na yon?"

Nilingon ko siya ulit. Bakas sa mukha niya ang kuryosidad. Napangiti ako sabay itinuon kong muli ang paningin ko sa di kalayuan. Humugot ako ng paghinga bago ako muling nagsalita.

"Nakipaghiwalay sa kin ang boyfriend ko through text, kaya ayon nawala siguro ako sa sarili, naaksidente ako.. nadamay ka pa tuloy.. "

Hindi siya sumagot. Nagtaka naman ako kaya nilingon ko siya. Mataman lang siya nakatingin sa akin.

"Ano?!!"  Natatawa kong sabi at hinampas muli ang braso niya. Ewan ko ba hilig ko talaga manakit o di kaya manghampas sa braso. Haha. Natawa na rin si Kaye.

"Anong ano? " natatawa niyang tanong.

Nagkibit balikat lang ako.

"Wala ka kasing reaksiyon  eh! Di ko tuloy alam kung anong nasa isip mo?! " pagkuway tanong ko.

"Ano bang gusto mong isipin ko? " pilyo ang ngiti na tanong niya.

"Gwapo ka pala kapag nakangiti ka ng ganyan no?bakit di mo subukang gawin palagi yan?"  natatawang biro ko. Natigilan lang ako sa pagtawa nang makita ko sa mukha niya na seryoso na naman. Napakuskos tuloy ako sa maong shorts ko ng palad ko. Kinabahan ako bigla, eh. "...sorry opinyon ko lang naman.. "

Tumikhim siya bago nagsalita. Para bang kiniclear ang lalamunan niya.

"Sinusubukan ko, until now.. ikaw di ba sabi mo, kakagaling mo lang sa breakup, paano ka nakapagmove-on agad? "

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Nagisip ako ng matinong maisasagot pero hindi sagot sa tanong niya ang naibulalas ko.

"Heartbroken ka ba? Kanino?showbiz ba ito? " tunog reporter na sunod-sunod na pagtatanong ko. Napatingin siya sa akin.

"Ano ka showbiz reporter?" maluwag ang pagkakangiti na sabi niya. "Si Yassi, yung babae sa picture... "

Naghintay lang ako ng susunod niyang sasabihin. Natahimik siya at para bang hinahanda ang sarili bago magkwento. Pagkasabi niya sa pangalang Yassi ay bumalong na agad ang luha sa mga mata niya.Habang ako ay sabik na marinig ang pagbubukas niya ng kanyang kwento sa akin.

"Umalis siya... " sabi niya at huminto na naman..

"..ah iniwan ka pala..?" sabad ko naman. Tiningnan niya ko. Tingin na para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"Umalis siya for a reason.. " magaralgal na ang boses na sabi niya. Natameme nalang ako. Baka kapag nagsalita pa ako eh hindi niya na naman magustuhan. Baka ikagulat ko nalang na itinulak na niya ako dito sa bubong. At duguan na ako  pagbagsak ko sa baba.

"Maysakit siya ..nagpapagamot siya sa ibang bansa at hanggang ngayon sa loob ng mahigit tatlong taon, nangungulila pa rin ako sa kanya umaasa pa rin ako na babalik siya.. " malungkot na wika ni Kaye. Nahaplos ang puso ko, nang pumatak ang luha niya sa pisngi. Sinundan ito sa kabila hanggang sa sunod-sunod nang naguunahan ang mga luha niya sa magkabilang pisngi. Naawa ako sa kanya.

Hindi ko akalain na sa kabila ng pagpapasaya niya sa kanyang mga fans ay may lungkot din pala itong pinagdadaanan. Lungkot at pangungulila na hangganga ngayon ay dala-dala pa rin niya. Nabawasan ang saya niya dahil don.

Mahirap talaga magmove-on sa love kapag ganoon ang sitwasyon,aasa ka pa kasi na sana magbalik ulit ang lahat sa dati. Kahit alam mo naman sa sarili mong imposible na pero patuloy ka pa ring naniniwala. Hanggang sa naging paasa ka na rin mismo...

Sa sarili mo..

Iba-iba talaga ang tao, sa mga pamamaraan kung paano ihandle ang nasaktang puso. Nagkataon lang siguro na hindi ko ganoon kamahal si Terrence kaya saglit lang ang pagkabroken-hearted ko sa damuhong lalaking yon.

"Ano bang sakit nya?" pagkuway naitanong ko.

"Alzheimer's... " naluluhang sagot niya.

Napasinghap ako sa narinig. Akala ko sakit na kaya pang magamot pero hindi pala. Alzheimer's disease, wala ng gamot sa sakit na yon. Yon na yon hanggang sa mamatay ka.Sobrang sakit siguro non para kay Kaye. Hindi ko maimagine na hanggang sa kasalukuyan ay dala dala niya talaga sa dibdib niya ang hirap na na kalimutan siya ng kanyang minamahal.

Parang sobrang sakit non, naiiyak ako habang nakatingin kay Kaye. Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha niya. Pero wala akong naririnig na anumang ingay sa pagiyak niya. Gusto ko siyang yakapin, bilang tanda na nandito ako at handang dumamay sa kanya.

Dinukot ko ang panyo sa jacket ko at inabot ko sa kanya. Napatingin siya sa akin pagkatapos ay napadako ang tingin niya sa panyong hawak ko.

Ngumiti siya kahit na may luha sa mga maya sabay kinuha ang panyo sa kamay ko. Marahan niyang pinunasan ang luha niya.

"Alam mo ba noon .. ako ang madalas magbigay ng panyo kay Yassi.. iyakin kasi yon! Nanonood lang ng pelikula na drama yon, naiyak na agad..." kwento niya kahit na umiiyak pa rin.

"Kumusta na siya? " tanong ko.

Umiling si Kaye. Malungkot ang mga mata niya. Bakit kasi ganyan ang mata niya? Nakakahawa ang saya kapag nakangiti. Nakakahawa din kapag malungkot.

Base sa pag-iling niya gets ko na baka wala na siyang balita sa babae. Nakakalungkot nga yon. Masakit na nga sa pakiramdam na na kalimutan ka ng taong minahal mo ,nakadagdag pa sa sakit na wala ka man lang balita kahit na gaano mo pa kagustong makibalita kahit papaano.

"Sobrang sakit siguro non, para sayo.. Ang hirap kaya sa pakiramdam na, sobrang mahal mo siya pero na kalimutan niya. Nakalimutan niya din na minahal ka rin niya... Haaay! Bakit kaya ang love unfair? " wala sa loob na sabi ko.

Nang lingunin si Kaye ay nakatingin siya sa akin. Nataranta ako sa tingin niya. Hindi ko tuloy malaman kung ano ang isasagot ko.

"May hugot ka te? Moment ko to, hwag mo ko agawan.. "  pabirong sabi niya.

This time bahagya na siyang nakangiti. Parang nagliwanag ang mukha niya sa paningin ko.
Nagulo ang pusot-isip ko sa reyalisasyong nasasaktan ako para kay Kaye. At gusto ko siyang damayan sa bigat ng pinagdadaanan niya. "Andito lang ako handang dumamay sayo. "Sabi ko sa sarili.



Kaye's P. O. V.



Masasabi kong lumuwag ang pakiramdam ko.Pagkatapos kong maisiwalat ang saloobin ko kay Yasmin. Nakaramdam ako ng kapanatagan ng loob at para bang nabawasan ang bigat sa dibdib ko. Sa totoo lang ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsabi ako ng mga saloobin ko sa isang tao.

Nakatingin ako sa panyong hawak ko. Hindi ko mapigilan ang pagiyak kanina. Masakit pa rin talaga. Hindi pa talaga ako nakakawala sa mga alala ni Yassi kahit sobrang tagal na ng panahon.

"Mahal na mahal mo talaga siya no? Ang swerte niya?"

Napatingin ako sa katabi ko. Nakatuon ang paningin niya sa itaas. Nakangiti pero parang kulang ang kislap ng mga mata niya. Maya-maya ay tumingin si Yasmin sa kin.

"Mahal mo pa ba siya?"

Ulit niya sa tanong niya kanina. Ngumiti ako. Malapad na malapad ang pagkakangiti ko.

"Palagi ko siyang mahal.."

Natahimik siya at hindi na sumagot. Malalim ang isip na itinuon ulit ang paningin sa itaas.

"Ano nga ulit pangalan niya?"

Tanong niya ulit.

"Yassi.. "

"Yassi.. ano? "

"Yassi Cuatco.. bakit?" nagtataka na tanong ko.

Nilingon niya ako at kumindat.

"Wala lang natanong ko lang"

Sagot niya. Hindi na ako nagtanong pa. Nagpasalamat nalang ako sa pagdamay niya sa akin.

"Salamat Yasmin.. "

"Naku wala yon, kung kailangan mo ng kausap, dito lang ako.. "Naghihikab na sabi niya.

Inaantok na rin ako. Sinipat ko ang relo ko sa bisig. Maghahating-gabi na pala.

Napatingin ako sa kanya na biglang kumanta. Habang hinihimas ang likod ko.

"I'm only one call away. I'll be there to save the day. Superman got nothing on me... I'm only one call away..... "

Wala na naman sa tono ang pagkanta niya. Pero pumalakpak ako pagkatapos. Pampalubag loob.

"Ang husay ko di ba? " natatawang sabi niya.

Tumawa na rin ako sa sinabi niya. Mataas ang paniniwala niyang maganda talaga ang boses niya. Nagthumbs up nalang ako.

"Ganyan! Dapat lagi kang nakatawa ng ganyan. Simula ngayon dapat lagi ka ng masaya ha! " sabi pa niya.

Hinawakan pa niya ang pisngi ko at pinalapad pa ang ngiti ko.Napatitig siya sa akin. Natawa nalang ako na para bang nadismaya itong tinigilan ang ginagawa niya sa kin.

"Ang gwapo mo pa rin kahit anong lukot pa ang gawin ko dyan sa mukha mo! "  pagkuway sabi niya.

Natawa nalang ako at pagkatapos ay nagpaalam na sa kanya. Isang gabing masaya kasama si Yasmin. Masaya ako na binigyan ko ng pagkakataon ang sarili ko.

Bago ko ipinikit ang mga mata ko ay napatitig ako sa picture ni Yassi. Napangiti ako. Sabay pumikit na ako ng may ngiti sa labi.











----------------------------------------------------


Thanks sa pagbabasa.
Hit that little star  ★  if you like this chapter.
Vote  ✔

Comment. ✔

Share. ✔

Thank you po sa inyo  ♥♡♥

@bayo_toopsie

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

43.2K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
1.3K 93 20
Maria Nicolette Vergara is a famous idol and known as a short tempered person. Jhoanna Christine Robles is a blind girl and she idolize Colet's group.
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
226K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...