FALL FOR YOU ( KAYE CAL)

By bayo_toopsie

71K 4K 1K

Falling inlove is never easy. Lalo na kung mahuhulog ang loob mo sa isang taong kinaiinisan mo ng buong buhay... More

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Fall For You ( Book Two)
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Pasasalamat

Chapter 55

771 50 20
By bayo_toopsie


😊😊😊😊

"Yassi's doing good,, although hindi na talaga siya gagaling sa sakit niya well at least may progress dahil sa pag-undergo niya sa mga treatments niya."

Napangiti si Sheena sa tinuran ni Dr. Perez. Hindi niya maintindihan ang saya na nararamdaman niya. Habang nasa tabi naman niya si Andrei at narinig din ng kanyang nobyo ang magandang balita na sinabi ng doktor. Napahigpit ang hawak niya sa kamay nito at bahagya pa niyang pinisil iyon.

"Maraming salamat dok.. kung wala ka dito hindi na namin alam kung ano ang gagawin namin, salamat dahil hindi nyo pinabayaan si Yassi."

Waring maluluha na turan ni Sheena. Hinawakan siya ng doktor sa balikat. At saka ngumiti.

"Kayong dalawa ni Andrei ang hindi nagpabaya kay Yassi, ginawa nyo ang lahat para sa kanya."

Tuluyan nang bumagsak ang luha ni Sheena. Hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa sobrang saya. Hindi rin biro ang mga pinagdaanan nila ni Andrei para lang matugunan ang panustos ni Yassi sa treatment. At masaya siya dahil nagbunga ng maganda ang mga paghihirap nila.

Nagpaalam na ang doktor pagkatapos nilang mag-usap. Pagkalabas nito ng silid ay saka siya nagsisigaw sa sobrang saya. Sinaway lang siya ni Andrei dahil nasa di kalayuan lang ang kama ni Yassi kung saan mahimbing itong natutulog. Tumahimik nalang siya at niyakap ang kasintahan.

"Sobrang saya ko Andrei, worth it lahat ng paghihirap natin dito sa Germany. Sa wakas makakalabas na rin tayo dito sa hospital.. "

Mangiyak-ngiyak na turan ni Sheena. Sa nakalipas na tatlong taon ay dito na rin siya sa ospital nanirahan. Kasama si Yassi. Kapag nasa trabaho naman siya ay may nurse namang nagbabantay sa dalaga. At pagkagaling sa trabaho ay dito na rin siya sa ospital umuuwi. Kaya parang naging tirahan na nila ang pasilidad kung saan nakalagak si Yassi .Kasama ang iba pang pasyente na may sakit na may Alzheimer's disease. Yung iba nagiging ok pa kahit papaano katulad ng kaso ni Yassi. Pero yung iba sadyang wala ng pag-asa. Bawat dumadalaw na mga kaanak ay hindi maiwasang magkaiyakan na lamang. Naramdaman niya ang pag-akbay ni Andrei sa kanya habang masuyong pinagmamasdan ang natutulog na si Yassi. Nagbalik na ang dati nitong pangangatawan. Wala na rin ang mga nakakatakot na ugat na naglalabasan na abot hanggang noo ng dalaga. Maganda na siya ulit. Napangiti na lamang si Sheena.

"Kailan natin kokontakin ulit si Kaye? "

Tanong ni Andrei. Napalingon naman si Sheena sa nobyo. Nginitian niya ito.

"Saka na kapag fully recovered na si Yassi. Isa pa ayaw nating mag-alala pa siya. Lalo na ngayon busy siya sa career niya. "

Tumango na lamang si Andrei.Noon ay pinutol nila ang komunikasyon kay Kaye sa pagaakalang hindi malalagpasan ni Yassi ang pinagdaanan nitong hirap sa sakit. Kaya mas minabuti na lamang nila na hwag muna guluhin ang buhay ni Kaye. Isa pa ayaw nila itong masaktan pa ng husto. Alam nilang nasaktan si Kaye nang malaman nitong may sakit pala si Yassi. At hindi nila alam kung hanggang ngayon ay dinaramdam pa rin ba iyon ni Kaye. At sana lang hindi na. Sa takdang panahon uuwi rin sila ulit ng Pilipinas.

Napatayo si Sheena sa kinauupuan nang maramdaman ang paggalaw ni Yassi. Agad siyang lumapit sa kama nito.

"Nauuhaw ako" sabi ni Yassi.

Agad namang tumalima si Andrei na nasa likod lamang ni Sheena. Nagsalin agad siya ng tubig sa baso. Inabot naman ni Sheena at saka pinainom kay Yassi.

"Salamat."

Nakangiting sabi ng dalaga. Pagkatapos makainom ng tubig.Tiningnan niya ang dalawang taong nasa harapan niya. Waring sinisino ang mga kaharap. Pagkuway matamis na ngumiti na humarap kay Sheena.

"Ikaw ba si Kaye?"

Bigla ay tanong ng dalaga. Nagkatinginan naman sina Andrei at Sheena. Napangiti na lamang si Sheena, pagkuway sinagot ang kaibigan.

"Ako si Sheena, siya naman si Andrei.."

Pagpapakilala ni Sheena sa mga sarili nila. Sa tuwing nagigising si Yassi ay kailangan nilang magpakilala ulit sa dalaga. Sa maraming taong nagdaan sanay na sila. Matamis na ngumiti ang dalaga.

"Ah" tumango-tango na turan nito. "Eh sino si Kaye?"

Napatingin ulit si Sheena kay Andrei. Mukhang may nangyayari na ngang maganda kay Yassi dahil ilang taon ding hindi nito nababanggit ang pangalan ni Kaye. Tunay ngang hindi nakakalimot ang puso. Dahilan para dalhin ng puso ang pangalan ni Kaye sa bibig ni Yassi.

"Sheena.. bakit ganon? Anlakas ng tibok dito. " sabay turo  sa gawi ng puso niya. "...kapag binibigkas ko ang pangalan niya.. "

Parehong hindi na nakapagsalita ang dalawa. Niyakap na lang ni Sheena si Yassi. Masaya siya dahil may progreso na nga ang dalaga. Hindi na ulit nagsalita pa si Yassi .Hindi na ito nagtanong pa tungkol kay Kaye.

****

Tinanghali na naman ng gising si Yasmin. Kaya hindi nalang siya pumasok sa trabaho. Dahil tumakas siya kahapon sa trabaho baka ngayon ay talagang malalagot siya kay Ms. Yhenjulien. Mabuti na rin para makapagpahinga siya. Ilang araw na siyang pagod dahil sa mga parusa ni Kaye. Well iniisip niyang parusa lahat ang mga ipinapagawa nito sa kanya.

Bumangon siya sa kama saka binuksan ang bintana sa kwarto niya. Para pa siyang nangangarap habang dinadama ang sikat ng bagong umaga sa balat niya. Napangiti siya. Ramdamin ang rest day. Aniya sa sarili.

Maya -maya ay nagring ang phone niya. Mabilis niyang dinampot ang kanyang cellphone para sagutin agad ang tumatawag. Ni hindi na niya tiningnan ang pangalan nang nakaregister. Kampante kasi siya na baka si Jhane ang tumatawag dahil hindi siya pumasok sa trabaho. Malamang magtatanong ito kung bakit wala siya sa opisina .

-hello..

-good morning Yasmin..

Nailayo ni Yasmin bahagya ang cellphone sa tenga niya. Hindi niya akalaing si Kaye ang unang taong tatawag sa kanya nang ganito kaaga. Nagalangan siyang sumagot ulit. Humakbang muna siya papunta sa bintana. Bago muli niya itong sagutin.

-uy kamahalan! ang aga naman ng pagtawag mo, grabe namiss mo ko agad.. ?

-magtigil ka nga, pumunta ka ngayon dito..!

-ha ?ngayon na?  Naku kamahalan hindi ako pwede ngayon nasa trabaho na ako.

Napapikit siya sa pagsisinungaling niya.

-hwag ka nga magsinungaling!!! Kitang-kita kita sa bintana mo kaya hwag ka na magkaila dyan!! Pumunta ka na ngayon din!

Direkta ang tanaw ni Yasmin sa kabilang bahay. Naroon nga si Kaye at kumakaway sa kanya.

"Haay! Ano ba yan?! Magpapahinga nga ako ngayon dapat di ba!!! "

Iritableng sabi ni Yasmin sabay bato ng cellphone sa ibabaw ng kama niya. Ipinusod niya ang buhok niya. Lumabas siya ng kwarto na hindi na nagpalit ng suot niyang ternong panjama na pantulog. Nagmartsa na siya palabas ng sariling bahay papunta sa kabila.

Pagkadating niya sa pintuan ng bahay ni Kaye ay pipindutin na sana niya ang doorbell nang otomatiko na itong bumukas. Bumungad si Kaye, na naka-white-tshirt at nakapanjama rin. Nakangisi si Kaye na sinalubong ang nagpupuyos sa inis na si Yasmin. Ngunit inirapan lang ito ng dalaga sabay pasok sa loob ng bahay ni Kaye. Kahit hindi pa naman siya pinapapasok ni Kaye.

"Ano na naman ba, ang ipapagawa mo sa kin?!!"

Angil niya kay Kaye. Nanatili lang na nakangisi si Kaye sabay turo  sa kusina. Tinungo naman iyon ni Yasmin. At waring nahulaan na niya ang nais nitong ipagawa.

"Sopas?" Inis na turan ni Yasmin.

"Bakit hindi ka marunong magluto ng sopas?"

Nangaasar pa na balik-tanong ni Kaye. Hindi na muling nagsalita si Yasmin at inumpisahan nalang ang pagluluto.

Naghiwa siya ng sibuyas at bawang. Tapos sayote. Gigil na gigil siya sa paghiwa ng mga sangkap habang  nakamasid lang sa harap niya si Kaye. Maya -maya lang ay tinuktukan siya nito ng isang buong carrots sa ulo.

"Aray!!" angil ni Yasmin. Masama ang tinging ipinukol niya kay Kaye. "Ano ba?"

"Ayusin mo kasi yang pagluluto mo, hindi yung ganyan na para kang may galit! Ano nalang ang magiging lasa nyan! Lagyan mo ng puso! "

Nakasigaw din na wika ni Kaye.

"Maayos naman ang pagluluto ko, ah! Pusuan ko yang mukha mo, eh! "

Pagkatapos ng bangayan sa kusina ay sa sala nalang nagstay si Kaye iniwan na niya si Yasmin sa kusina. Kaya naman ang dalaga ay nakapagluto na ng maayos ng sopas. Maya-maya lang ay tinawag na niya si Kaye para sa almusal nito. Agad namang dumulog si Kaye sa mesa na hindi man lang siya tinapunan ng tingin. "Sungit talaga!" Sa loob-loob niya. Habang nakasunod lang kay Kaye sa kusina.

Biglang natahimik si Kaye nang matikman na ang nilutong sopas ni Yasmin. Naalala niya si Yassi noong araw na nagkasakit siya nang ipagluto siya nito ng sopas.
Nalungkot ang mukha niya.

"O anong drama yan? Sa sobrang sarap ba ng luto ko, nakakalungkot bang malaman na may talent pala ako.."

Biro pa ni Yasmin. Pero ang totoo ay nagalala siya na baka hindi nagustuhan ni Kaye ang luto niya.

"Wala."

Simpleng sagot ni Kaye na may lungkot na rumehistro pa rin sa mukha niya. Ngunit patuloy pa rin ang pagsubo sa sopas.

"Uwi na ko, kumain ka dyan."

Narinig ni Kaye na sabi ni Yasmin kaya naman nilingon niya ito. Gusto niya sanang alukin ang dalaga sa pagkain pero hindi iyon lumabas sa bibig niya. Bagkos ay iba ang namutawi sa labi niya.

"Sinong maysabi na uuwi ka na, may ipapagawa pa ako sayo".

"Na naman?  Ano na naman?"

Inabot ni Kaye ang isang papel kay Yasmin. At sinipat naman iyon ng dalaga. Napatirik ang mata niya nang mapasadahan iyon ng basa. Mga listahan ng mga kailangang bilhin. Pinagogrocery siya ni Kaye.

"Seryoso ka dito?"

"Hindi ba malinaw? Hindi mo naintindihan?"

"Kailan ba matatapos ang pagbabayad ko sayo? Nakakapagod ka na ah! "

"Ang kontrata na pinirmahan mo isang buwan, hindi ka pa nakakaisang buwan, ah! Umaayaw ka na? "

Napabuntong -hininga nalang si Yasmin at mahinahon na muli ang tono ng boses .

"Maliligo lang ako! "

Pagkasabi non ay tinalikuran na niya si Kaye. Sinundan na lamang ng tingin ni Kaye ang dalaga. Hindi rin niya maintindihan kung bakit natutuwa siya na nahihirapan ito. Malamang dahil hindi maganda ang unang pagkikita nila kaya hindi rin maganda ang naging bunga. O mas dapat sabihin na ayaw niyang ma-attach sa dalaga o kahit na sa sinumang babae. Napabuntong -hininga na lamang siya. Hanggang ngayon ay nangungulila pa rin ang puso niya kay Yassi. At hindi pa rin niya malaman kung paano maaalis ang sakit sa puso niya.

Tulak-tulak ni Yasmin ang cart habang nakasunod lang si Kaye sa kanya. Mula kanina ay hindi niya ito kinikibo. Ayaw na rin niyang kausapin pa ito. Napagod na ata siya sa pakikipagtalo rito.At ganoon din naman si Kaye biglang natahimik. Sa halos ilang araw na nakakasama niya si Kaye ay lalo niyang napapansin na madalas itong tahimik lang at para bang malalim lagi ang iniisip. Pansin nga niya eh sumasaya lang ito kapag nang-aasar sa kanya.

"Yasmin.. "

Napalingon siya sa likuran niya nang marinig ang mahinang pagtawag ni Kaye sa pangalan niya.

"Bakit?"

"Kumakanta ka ba?"

Napangiti si Yasmin. Kumakanta siya pero mukhang ayaw ng kanta sa kanya. Pero siyempre ipagpipilitan niya pa rin ang sarili niya sa kanta kahit na ayaw nito sa kanya.

"Oo naman!"

Malapad ang ngiti na wika ni Yasmin.

Pagkatapos nga ng pamimili sa grocery ay tumuloy sila sa isang music bar. Nagrent sila ng music room. At ngayo'y ngay parang naghahanap ng away si Yasmin habang kumakanta ng Sayang na Sayang ng Aegis. Bumibirit ng pasigaw ang dalaga. Wala sa tono at masakit sa tenga. Sintunado! Sa loob-loob ni Kaye. Panay pa ang wasiwas nito ng kamay na akala mo diva.

Si Kaye naman ay nagtakip ng sariling tenga. Nang hindi na niya makayanan ay tumayo siya sa kinauupuan at pinatay ang kinakanta ni Yasmin. Natigilan ang dalaga habang iwinawasiwas pa ang mga kamay.

"Ay, bakit mo pinatay?"

Iritableng sabi ni Yasmin. Masama ang tinging ipinukol ni Yasmin kay Kaye. Sabay upo sa couch. Padabog ding ibinigay kay Kaye ang mikropono.

"Ansakit sa tenga ng kanta mo! Basag na ang eardrums ko! "

"Ang yabang mo! Iyon na kaya ang pinakamaganda kong kanta, hindi mo lang ako pinatapos, eh! "

Nakahalukipkip na sabi ni Yasmin. Nakatulis ang nguso nito. Natawa na lamang si Kaye, habang ene-enter ang kakantahin niya. Kakantahin niya ang kantang I Love The Way You Love Me.Sa tuwing kinakanta niya ang kantang iyon ay naaalala niya si Yassi. Lahat ng alala na meron sila ay bumabalik lahat sa isip niya na para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Kaya naman nang magumpisa na siya ay hindi na niya inintindi pa ang iba pang sinasabi ni Yasmin.

Napanganga naman si Yasmin nang magumpisa nang kumanta si Kaye. Ramdam ng dalaga ang buong pusong pagkanta nito. Sa unang pagkakataon ay humanga siya rito. Ni minsan ay hindi pa niya napakinggan si Kaye na kumanta kahit na marami itong covers sa YouTube pero hindi naman niya lahat iyon pinapansin. Pero ngayon para bang nalaglag ang puso niya sa ganda ng boses nito. Naramdaman niyang nainlove siya bigla. Para bang napuno ng excitement at saya ang puso niya.

"And I could list a million things I love to like about you but they could all come down to one reason I could never live without you..."

Naiyak si Kaye pagkatapos ng kanta niya. Mabilis niyang pinahid iyon para hindi makita ni Yasmin. Habang ang dalaga naman ay nakatanga pa rin at bahagya pang nakanganga ang bibig niya. Nagbalik lang siya sa ulirat nang pitikin ni Kaye ang noo niya.

"Aray!!!" Nagulat na sabi ni Yasmin habang sapo ang noo niya.

"Nakanganga ka pa! Halika ka na! " mahinahon ngunit masungit na turan ni Kaye.

Nagpatiuna na siya sa paglabas ng music room habang nakasunod lang si Yasmin sa kanya.

Malakas ang buhos ng ulan paglabas nila ng building. Kaya naman hindi muna sila tumuloy sa parking lot. Balak muna nilang patilain ang ulan.

"Kumanta ka pa kasi, kaya tuloy umulan nang biglaan,"

Turan ni Kaye na hindi nililingon ang dalaga. Tuwing umuulan lumulungkot ang pakiramdam niya.Ipinilig niya ang ulo niya. Puro nalang si Yassi ang laman ng isip niya. Tsk.

Sinisilip ni Yasmin ang mukha ni Kaye. "Napakamalungkutin naman ng taong to! Wala ng ginawa kundi mag-emo! " sa loob-loob ni Yasmin. Nakikita niya kasi ang lungkot sa mga mata ni Kaye. Bukod pa sa hindi maipinta ang mukha nito habang nakatingin sa kawalan.

Bahagya niya itong siniko para makuha ang atensyon ni Kaye. Hindi naman nabigo si Yasmin dahil nilingon siya nito.

"Bakit? "

"Sa tingin mo? Ano ang hugis ng ulan.? "

Bigla ay naitanong ni Yasmin.Natigilan naman si Kaye at napatitig kay Yasmin. Napatda siya at para bang nakita niya sa katauhan ng babae si Yassi. Hindi niya inaasahang magtatanong ito nang katulad ng palaging tanong ni Yassi sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang siya at hindi na siya kumibo.

Hindi na rin nangulit pa si Yasmin kay Kaye nang hindi nito sagutin ang tanong niya. Kaya lang nagulat siya nang bigla itong sumugod sa malakas na ulan. Tuloy nabasa ito.

"Hoy! Kaye!! Sandali,,!!" Tawag niya rito pero hindi na siya nito nilingon. Kaya naman kahit ayaw niyang magpaulan ay napilitan siyang sumugod na rin sa malakas na buhos ng ulan.

"Anyare don? " bulong niya sa sarili habang lakad-takbo ang ginagawa niya. Maabutan lang niya si Kaye .

"Parang may lungkot na pangyayari kay Kaye tungkol sa ulan, ah? Hmmm.. ano kaya yon" ukil-kil pa rin ng isip ni Yasmin.

------------------------------------------------------

Thanks for reading.

Please vote 😊😊😊😊

Continue Reading

You'll Also Like

108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
815K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
1.2K 275 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...
43.3K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"