His Personal Slave - Book 1...

By modernongmariaclara

15.2M 248K 31.5K

FINISHED More

His Personal Slave - 1.
His Personal Slave - 2.
His Personal Slave - 3.
His Personal Slave - 4.
His Personal Slave - 5.
His Personal Slave - 6.
His Personal Slave - 7.
His Personal Slave - 8.
His Personal Slave - 9.
His Personal Slave - 10.
His Personal Slave - 11.
His Personal Slave - 12.
His Personal Slave - 13.
His Personal Slave - 14.
His Personal Slave - 15.
His Personal Slave - 16.
His Personal Slave - 17.
His Personal Slave - 18.
His Personal Slave - 19.
His Personal Slave - 20.
His Personal Slave - 21.
His Personal Slave - 22.
His Personal Slave - 23.
His Personal Slave - 24.
His Personal Slave - 25.
His Personal Slave - 26.
His Personal Slave - 27.
His Personal Slave - 28.
His Personal Slave - 29.
His Personal Slave - 30.
His Personal Slave - 31.
His Personal Slave - 33.
His Personal Slave - 34.
His Personal Slave - 35.
His Personal Slave - 36.
His Personal Slave - 37.
His Personal Slave - 38.
His Personal Slave - 39.
His Personal Slave - 40.
His Personal Slave - 41.
His Personal Slave - 42.
His Personal Slave - 43.
His Personal Slave - 44.
His Personal Slave - 45.
His Personal Slave - 46.
His Personal Slave - 47.
His Personal Slave - 48.
His Personal Slave - 49.
His Personal Slave - 50.

His Personal Slave - 32.

270K 4.1K 367
By modernongmariaclara

Ay ang chaka, biglang naisipang mag-update. Tinatamad pa ako mag-review eh. Pero eto... mahaba-haba rin 'to. HAHAHA! Subukan niyong di magcomment. Kakainin ko kayo. Whoo hahaha jk :)

May retreat pala kami sa 18, 19, 20. Kaya bye bye muna Wattpad! Hahaha. Pero syempre matagal pa yun kaya makakapag-update pa ako sa 3 stories ko nun. Okay? Sige basahin niyo na!

-------------------------------

KATHRYN'S POV

AFTER ONE MONTH

“DJ! Hindi pwede!”

“Kath naman...” aish. Ang kulit naman ng master ko. -_-

“Hindi nga ako payag.”

“Pero... hindi naman ako iinom ng madami!” hinarap ko siya.

“Saan ka ba pupunta?”

“Sa bar... pero kaming mga magkaka-team lang naman ang magkakasama.”

“Anong ginagawa dun?”

“Umiinom... pero--”

“Pero ano? Nagpapaalam ka sakin tapos ikaw naman masusunod? Ayoko na mangyari yung last week!”

“Kath, lasing na lasing talaga ako nun kasi nga nag-away tayo nun. Gusto ko lang makalimutan yung problema natin nun.” napaismid ako.

“Eh hindi naman tayo magka-away ngayon diba?”

“Diba sinabi ko naman sayo na birthday lang ng ka-teammate namin, kaya pupunta ako.” natahimik ako nun.

Kasi naman... nung lasing siya dati... argh! Sinundo ko pa, tapos grabe siya kung lasing... parang hindi siya. Alam niyo na yun! Nagiging kissing monster. Tapos ang daldal pa, parang babae. Tapos nakipag-bugbugan pa!

“Kath... I swear, uuwi kaagad ako after a few drinks. Hindi ako maglalasing.”

“Pero--”

“Don't you trust me?” sabay pout niya. Aish...

“Please? Kath? Kath ko...” tinignan ko lang siya sa mga mata niya. Mukha namang tutuparin niya yung promise niya...

Aaminin ko, sa one month na relationship namin, hindi naman naging madali. I mean, syempre! Siya si Daniel Montenegro, anong aasahan mo? Pero... may mga times naman, usually araw-araw, na pinaparamdam niya sakin na andiyan lang siya sa tabi ko, as in... hindi niya ako iiwan.

Hinawakan ko siya sa magkabilang-braso niya.

“Kapag ikaw, may ginawang masama... kapag napahamak ka na naman... kapag may babaeng lumandi sayo at nagpalandi ka... lagot ka sakin.”

“So payag ka na?”

“Oo. Basta! Limitations...”

“Hindi naman kita pag-aalahanin. Okay? Atsaka, sinong mag-uuwi sa mga ungas na yun kapag nalasing rin ako?”

“Haha! Slave ka pala nila eh!” asar ko.

“Ah ganon?” sabay taas-baba ng kilay niya sakin.

“Joke lang!” niyakap niya ako ng mahigpit nun. Maya-maya bumitaw siya at sa halip, hinawakan yung kamay ko.

“Let's go. Hatid na kita.” maloko ko nga.

“Pero... may date ako!”

“ANOOOOOOOO?!” nanlaki pa yung mata niya.

Hindi ko mapigilan. Natawa ako.

“HAHAHAHAHA!” hawak-hawak ko yung bibig ko. Kasi naman eh... hahaha! Laughtrip!

“Sinong ka-date mo?! Asan yung punyetang lalaking yun?!”

“Wag ka nga mag-cuss! Parang joke lang!” binigyan niya ako ng death glare.

“Ah ganon? Pinagtitripan mo ako?” sabay ngiti niya ng nakakaloko.

OH NOOOOOOOOOOOOOO. I KNOW THAT LOOK. TT_TT

“D-DJ... Joke lang naman!”

“Walang joke-joke...” ayan na siya...

“TAKBO! HAHABULIN KA NA NI PIGNEY! HUWAAAAAAA!” sabi ko habang tumatakbo ako ng mabilis. Huwaaaaaaa!

Hindi niya ako mahahabol... hindi niya ako mahahabol... hindi--

“HUWAAAAAA-- HIHIHI! TAMA NA DJ-- HIHIHI!” kinikiliti na naman kasi ako sabay hinahalikan yung leeg ko. Huwaaaaaa!

“DJ NAMAN! TAMA NA-- WAHIHIHIHI!” hindi na ako makapagsalita... hahahaha! Nakikiliti ako wahihihihi!

Maya-maya tumigil na siya na, nakasmirk pa ang loko! Hiningal ako dun ha.

“Nakakaasar ka!”

Hinawakan niya lang yung kamay ko. “Sabi sayo eh, masamang mag-joke...” sabay wink sakin.

“Sira...” napatingin ako sa mga schoolmates namin, nakatingin na naman samin. Nakakahiya. (_ _)

“DJ... uwi na tayo?”

“Sige... hatid na kita.” nagsimula na kaming lumakad palabas ng gate. Hindi pala siya nagkokotse minsan kasi mas maganda daw na maglakad kami pag hinahatid niya ako. Para mas matagal daw kaming magkasama. Ang sweet niya talaga.

“Wag mo na nga pansinin yung ibang tao, basta masaya tayo.” aish paano niya nabasa naiisip ko?

“Sira... oo na. Kasi naman eh, bakit ba kasi ang boyfriend ko, kasing-gwapo mo pa?”

“Kath... hindi ko kasalanan kung habulin ako ng mga babae...” sabay lip-bite na naman... sira-ulo!

“Parang biglang lumakas yung hangin dito...”

“Nagsasabi lang ako ng totoo.” yabang talaga.

“Ikaw na habulin ng mga babae...”

“Bakit? Habulin ka na naman ng mga lalaki ah? Ang dami ngang nagkakagusto sayo. Bakit ka pa kasi nagmake-over? Sira-ulo talaga yung si Zharm...” ay oo nga pala, nagkausap na rin sila ni Zharm. Wala na silang conflict sa isa't-isa. Sa katunayan, nagbobonding din kami minsan kasama din si Albie. Ewan ko nga sa dalawang yun.

Pero... teka...

“Ako? Habulin ng lalaki? Nagpapatawa ka ba?”

“Oo nga! Tss... iba't-ibang college department. Gusto ko nga ipa-expel eh.” binatukan ko siya nun.

“Sira! Ang sama mo talaga!”

“Pero syempre, bakit ko gagawin yun? Hindi na naman sila makaka-porma sayo. Kasi naunahan ko na sila.” sabay wink sakin.

ANG TAAS NG SELF-CONFIDENCE NIYA. GRABEEEEEEEE. -_-

“Uy! Playground! Dun muna tayo!” sabay turo ko dun sa mini child's playground dito sa may park ng subdivision namin.

“Sige... anong oras na ba?”

Tinignan ko watch ko. “5:30PM. 30 minutes lang tayo. Teka, anong oras ba yung birthday ni Kevin?” yung Kevin yung ka-teammate niyang may birthday ngayon.

“8PM pa yun. Samahan muna kita. Mamaya may maligaw na manyak dito. Tss.”

“Na-touch naman ako nun! Yieeee! Pakurot nga master ko!”

“Ano ba... hindi naman tayo bata...” sabay pout niya.

ANG CUTE CUTE CUTE CUTE CUTE CUTE NIYA TALAGA! >//<

“Ehhhh! Kunwari ka pa! Dali na! Nilalambing ka na ng maganda mong slave!” tumawa siya bigla.

“Maganda? Hindi kaya.” sira-ulo siya. -_-

“Ewan ko sayo! Ganon? Hindi pala ako maganda para sayo?” nagcross-arms ako.

“Oo.” ah ganun...

“Che!” tumakbo ako papuntang swing. Nakakainis naman siya!

Aayusin ko pa lang yung pag-swing ko nung naramdaman ko na niyakap niya ako sa likod ko.

“Hindi tayo bati DJ!” mukmok ko.

“Joke lang naman yun... you're the most beautiful girl I've ever seen, Kath... don't forget that.” natahimik naman ako nun at biglang napangiti.

“Promise? Hindi ka titingin sa ibang babae?”

“Oo naman. Ang tanga ko naman kung hihiwalayan kita.” lalo akong napangiti nun.

Habang nakayakap siya sakin habang nakaupo ako sa swing, bigla akong tumingala para makita siya. Nakatingin din pala siya sakin at nakangiti.

“I love you Kath...”

“I love you more... DJ...” then he leaned down and kissed me...

It was an upside-down kiss... and I love it.

“Ehem ehem! Bateeet tayo nagtatalikan?” napa-stop kami at napatingin sa sobrang cute na batang babae na may hawak na ice cream... napatingin ako sa katabi niya, isang batang lalaki naman na may hawak din na ice cream at... naka-holding hands sila.

“Uu nga! Ati, tuya, bateeet tayo nag-chup-chup?” sabi nung batang lalak sabay demonsrate ng chup chup niya gamit yung dalawang kamay niyang finold tapos pinagdikit. Chup-chup? As in tsup-tsup? Laughtrip na bata 'to! HAHAHAHA!

“Kasi... ako at si kuya...” sabay turo kay DJ. “Kami ay mag-boyfriend girlfriend...”

“Aaaaaahhhhh...” sabay pa yung dalawang bata. Ang cute cute nila!

“Bagay ba kami?” kinurot ko nga si DJ nun. Nagtanong ba naman ng ganun?

“Uu tuya! Batay na batay tayo!” parang bisaya 'tong batang 'to. Hahaha! Pero ang cute cute nila!

Habang pinagmamasdan ko sila... para bang... may something akong naramdaman...

Magka-hawak kamay sila... ang cute cute nila... ang saya-saya nila...

“A-araaaaaaaay...” sigaw ko nung naramdaman ko na naman yung sakit sa ulo ko... napapikit ako... parang binibiyak...

“Kath?! Kaaaaath?!” nararamdaman kong niyuyugyog ako ni DJ... pero hindi ako makagalaw... ang sakit... ang sakit-sakit...

Bakit ganun? A-ang labo... bigla ko na lang nakita yung nakita ko dati nung sa Tagaytay... batang babae at lalaki... magkaholding-hands... kumakain ng ice cream... nakatingin sa sunset... kahit ang sakit-sakit na ng ulo ko... nagulat ako sa nakita ko...

Ako yung batang babae...

Pero sino yung batang lalaki? Bakit ang labo niya? Bakit nawawala na siya sa paningin k-ko...

Hindi ko alam, pero parang nawalan na ako ng malay dahil sa sobrang sakit ng ulo ko...

–------------------------

A-aray... ang sakit ng ulo ko... napahawak ako sa may noo ko at pinilit na minulat yung mata ko...

Puti... puro puti... nasa hospital siguro ako...

“Gising na si Kath. Thank God!” sigaw ni mommy. Oo, si mommy at si kuya nandito. Sila yung nakatayo eh. Pero sino yung nakahawak sa kamay ko?

Pagtingin ko, saktong dilat naman ni... ni DJ.

“Kath?!” tumayo siya nun at hinawakan ako sa magkabilang braso ko. “Okay ka lang ba? Ha?”

“Oo... sorry for making you worry...”

“Natakot ako nung nag-collapse ka ulit... hindi ko talaga alam ang gagawin ko... kaya dinala na kita dito...” binigyan ko siya ng matipid na ngiti.

“Thank you DJ... teka anong oras na?”

“10PM...” hala!

“P-pero... diba may party kang pupuntahan? Pumunta ka na! Humabol ka...”

“Ano ka ba! Bakit kita iiwan dito ha?” napabuntong-hininga na lang ako. Naguguilty ako... pero alam ko naman na okay lang yun sa kanya pati na din sa mga kaibigan niya. Ako kasi yung first priority niya lagi... sabi niya... hayy...

“Sorry DJ...”

“Don't say sorry. Magpagaling ka. Wag ka muna magpapagod.” umupo ulit siya sa tabi ko at hinawakan yung kamay ko.

“I'm sorry...”

“Okay lang yun...”

Tumingin siya kay mommy na kasalukuyang kausap yung doctor at si kuya na kausap rin yung doctor.

“Tita... kuya...” tumingin naman sila kay DJ. “Sorry po...”

“Why are you saying sorry? Nagpapasalamat nga kami na nadala mo kaagad dito yung anak ko... thank you for not leaving her alone...”

“Oo nga dude... salamat. Hindi ko alam ang gagawin ko kung makita ko yang kapatid ko na mag-isa sa playground at nakahandusay lang dun. Baka mamaya tapak-tapakan yan ng mga naglalaro dung bata.. alam mo namang mukhang semento yan...” nagbelat lang ako kay kuya. Nang-asar pa...

Pero naalala ko na naman yung kaninang vision ko... oh no... imposible naman...

“Uhm... Doc?” panimula ko. “Ano po bang nangyari sakin at bakit na lang ako biglang nahimatay?”

“Base sa examination namin kanina sayo, may possibility na sumakit yung ulo mo dahil nagkaroon ka ng vision attack. May record ka na din samin dati kaya it's possible.” oo, dito kay Doc ako pinapacheck-up ni mommy... matagal na...

“Ganun po ba?”

“Yes... pero may tanong ako sayo. May naalala ka ba? Or may possibility ba na nagkaroon ka ng vision attack earlier this day?” naalala ko yung kanina... napasinghap ako.

“Yes po... kaso po malabo lang po eh... pero sigurado po akong vision attack yun... ang sakit nga po ng ulo ko...” nagnod yung doctor... may isinusulat siya sa parang maliit na record book niya.

“Doc... bakit po ba siya nagkakaroon ulit ng vision attacks? 5 years simula ng atakihin siya ulit ng disorder niya... ngayong year lang bumalik...” pag-aalalang tanong ni mommy.

Oo nga... bigla na lang bumalik...

“May possibility po kasing may nag-ttrigger sa memory niya... whether it's a special object, a special place, or a special person sa past niya. May possibility na bumalik yung mga alaala niya. Magrereseta na lang ako ng mga gamot na iinumin niya upang medyo mawala yung migraine niya. But I assure you that it won't affect Kath's memory... sa katunayan, yung gamot na yun, mas makakatulong para bumalik yung alaala niya.” teka lang...

May nag-ttrigger? Ano yun? Yung sunset kaya? Yung ice-cream? Yung holding-hands? Yung batang babae at lalaki? Yun kaya yun? Hindi ko alam...

Babalik yung alaala? So may possibility na... na maalala ko yung nangyari sakin dati?

Humigpit yung hawak sakin ni DJ. Napatingin ako sa kanya na mukhang gulat na gulat sa sinabi ng doctor... oo nga pala, hindi pa pala niya alam.

“Mommy? Kuya? Doc? Pwede po ba na lumabas muna po kayo kahit saglit lang? Mag-uusap lang po kami ni DJ...” mukhang alam naman nila na tungkol dun sa disorder at amnesia ko yung sasabihin ko kaya lumabas na sila.

“What. Was. That. Kath?”

“DJ...” hinawakan ko yung kamay niya. “Okay lang sakin na iwanan mo na ako kapag nalaman mo yung totoo...” sumakit yung dibdib ko nung sinabi ko yun. Kasi naman...

Sinong gustong magkaroon ng girlfriend na may sira sa utak?

“Ano ba kasi yun Kath? May sakit ka ba? Ha? Sabihin mo sakin para hindi ako mag-alala sayo!” halatang worried siya sakin. DJ naman...

Napasinghap ako nun at tinitigan siya. “Okay lang talaga sakin kung makipag-break ka sakin pagkatapos ng malalaman mo...”

“Kath naman! Wag ka ngang ganyan! Kahit anong sakit mo... tatanggapin ko... hindi kita iiwan ano ka ba? Promise ko yan sayo diba? Ano ba kasi yun...” hinawakan niya ako sa magkabilang-braso ko... “Trust me...”

“I have amnesia, DJ. It started nine years ago...” nanlaki yung mata niya sa sinabi ko.

“And?”

Huminga ako ng malalim.

“And I think I'm starting to remember my remnants in the past...”

“Remnants? Huh?”

“Memories... DJ... memories...”

Dahil, alam ko sa sarili ko, nararamdaman ko... malapit ko na talagang malaman ang nakaraan ko... malapit na malapit na...

Continue Reading

You'll Also Like

6.6M 153K 62
Meet Alex. Isang simple teenager na walang ibang ginawa kundi ang magaral ng mabuti. But after an accident, she started dreaming about a guy she neve...
1.9M 15.3K 87
It's so good to love someone so much it hurts, right?
4.5K 122 14
DISCLAIMER: 📌 In this captivating GL story I've woven, the names, characters, places and events are all born from my boundless imagination or brough...
13.8K 1K 26
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴