Dedicated to her kasi naka-chat ko siya kagabi. Sobrang bait niya! Welcome to wattpad! Gumawa pa siya ng account dito para sakin. Haha. Kakatouch lang!

Gusto ko rin 'tong idedicate sa idol kong gumawa ng 8th World Wonder dahil inspired 'tong chapter na 'to dun. :) 

------------------------------------------------

KATHRYN'S POV

TAGAYTAY: 2ND DAY

Tanghali na akong gumising kinabukasan. Argh... pagtingin ko kasi sa cellphone ko, 10am na. Late na din kasi kami natulog. Paano ba naman, si kuya nagyaya manuod ng movie. 3 Idiots yung pinanuod namin. Kyaaaa~! Nakakainlove kaya si Rancho! <3

Wow, hindi na ako tinamaan ng disorder ko ha? I felt relieved.

Bumangon na ako, wala na si Ate Yen. Siguro bumaba na rin siya. Oo nga pala, ang gaan na ng loob ko sa kanya. Sinabi niya sakin na hinding-hindi niya sasaktan ang kuya ko. Mabuti na yun. Sana lang! Pero nakikita ko naman na masaya sila...

Naligo muna ako, tapos nagbihis ng comfort clothes ko. Oo, naka-jeans ako at white t-shirt. Namiss ko rin 'to! Huhuhu. Nagpony-tail na din ako.

Pagkatapos ko magmukhang tao, bumaba na ako sa sala. Amoy na amoy ko ang mababangong pancakes!

"Kuya! Ikaw gumawa ng pancakes?" umupo ako sa tabi ni Ate Yen sa dining table.

"Oo! At syempre, si Daniel." lumingon sakin si Daniel ng...

... naka-barney apron?

"Hahahaha! Waha-wahahaha!" tawa ko. Hindi ko mapigilan! Hahaha! Mukha siyang bata! Wahaha ang cute! ^O^

"May nakakatawa ba? -_-" binigyan ako ni DJ ng death glare... uh oh. Nagpout na lang ako.

"Hehe... sorry! Kasi naman yung suot-suot mo eh! Hahaha!"

"Aish! I hate this!" tinanggal niya yung apron niya at binato... sa akin? O.o

"Hoy! Bakit ka ba nambabato?!"

"Wala ka na dun! Argh... dude! Nakakainis 'tong kapatid mo!" saka siya tumalikod ulit. 

His Personal Slave - Book 1. [Published Book]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!