ETO NA PO YUNG UPDATE :)

--------------------------------------------------------

KATHRYN'S POV


Nandito na kami sa condo ni Master DJ (oo, sabi niya DJ na lang daw. Pero may Master pa daw dapat >.<) at pasakay na kami ng elevator papuntang floor niya. Grabe ha, ang ganda ng condo niya. May pools (yes, maraming pool dito) tapos mga courts for basketball and etc. Meron ngang park tapos basta, ang laki talaga!

Nalaman ko pang sila rin ang may-ari ng condo na 'to! Grabe. Ang yaman naman nila. Tapos talagang dito lang siya umuuwi para mabilis lang ang byahe papuntang university. Eh bakit ko ba kasi pinoproblema yun?! Ano ba kasing gagawin namin dito?

"Hey sakay na!" hinatak niya ako papasok ng elevator. 

"Tss kailangan talagang manghatak?" bulong ko. Napatingin siya sakin at binigyan ako ng death glare. Tssss! Edi hindi na. Shattap na nga lang ako. -___-

Ngayon ko lang napansin na may dalawang matanda na nakasakay rin sa elevator. At tumitingin sila samin, lalo na sa akin. Anong problema? Haynako. Di ko na lang pinansin at napatingin na lang ako dun sa nagpapakita kung anong floor na. 5th floor pa lang jusko. Eh pinindot ni DJ yung 15th floor. 10 floors pa.

"Mga kabataan talaga ngayon ano?"

"Oo nga. Masyado na silang liberated."

Napalingon ako dun sa dalawang matanda. Haaa? Sino bang pinag-uusapan nila? T.T

"Uy iha." biglang sabi nung unang matanda na nakatingin sakin.

"Bakit ho?"

"Hinay-hinay naman kayo. Baka mamaya may mabuo, bahala ka. Ambabata niyo pa." Ano raw?! Napatingin naman si DJ dun sa dalawang matanda na rin.

"What did you just say? We're too... young?" Aish ano ba 'tong si DJ!

"Oo iho, kaya gumamit ka na lang ng proteksyon. Nako kayong mga bata pa naman, napakacurious." Napanganga ako sa sinabi niya.

"But--" 

*ting ting*

His Personal Slave - Book 1. [Published Book]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!