Dedicated to her kasi gusto ko lang. Hi Ate Rayne! Bwahahaha! Namiss ka daw ni Daniel... chos lang! Hahahaha! Namiss daw niya ang RAYNIEL. XD Kiss ka daw niya?

-------------------------------------------------

KATHRYN'S POV

Galit ako.

Galit na galit ako.

Galit na galit na galit ako.

Galit na galit na galit na galit ako.

Galit na galit na galit na galit na galit ako!

Ewan ko lang kung hindi pa kayo convince na galit na galit na galit na galit na (teka, OA na) ako. Basta! Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Niloloko niya lang ba ako? Am I simply his past-time? His toy? Challenge lang ba ako sa kanya? Nakakainis siya! Nakakainis! Damn him!

“Malapit na yung pancake, slave ko!” siraulo. -_-

Huh. Well two can play the game.

Papaaminin kitang gago ka! Kapag hindi talaga siya umamin... nako, makikipag-break talaga ako sa kanya! Feeling ko nga maiiyak na ako eh. Pinipigilan ko lang. Asa naman siya!

Papaaminin ko talaga siya. Kung hindi siya umamin? Tss! Badtrip!

Tinago ko muna yung cellphone niya sa bulsa ko. Sakto pumasok siya, dala-dala yung pancake. Nakangiti pa ang loko!

Ganun ha? Sige... magpakasaya ka lang.

“Hi Kath... oh! Walang lason yan ha.” sabay lapag ng pancake sa table. Umupo naman siya at magkaharap na kami ngayon.

“Ang dami naman.” reklamo ko. Di ko siya tinitignan dahil baka bigla ko na lang ibalibag 'tong plato ng pancake sa mukha niya.

“Syempre, gusto kong mabusog ang girlfriend ko.” sabay kurot sa pisngi ko.

Hindi ko lang pinansin. Nagsimula na akong kumain.

“May problema ba? Uy...” sabay hawak sa kamay ko. Aish... nakukuryente na naman ako.

“Wala.” sabay tanggal ko ng kamay ko na hawak niya. Napatingin ako sa kanya nun, worried siya sakin. Hays... bakit ba kasi ganun?

His Personal Slave - Book 1. [Published Book]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!