Gusto ko lang mag-thank you kay Ate Caryl! Kasi she made me a doodle fansign sa His Personal Slave! Nasa external link guys! Click niyo! Gusto ko sanang i-post dito kaso hindi ko maattach sa .gif na picture. :( Pero, yun. I love you ate!

And... one reader asked me something. Bakit daw parang ang drama na ng story ko. Hehehe... natuwa ako sa kanya kasi tinanong niya yun. Please guys, just trust me. Hindi naman ako yung tipong nagsusulat ng romcom-drama ng walang dahilan. Gusto ko lang talaga maramdaman niyo bawat chapters, okay? So, walang bibitaw! Ang bumitaw baog. Hahaha. Hindi po ako nagjojoke.

Last note... magcomment kayo! Hahaha! At wag naman po kayong mahiya sakin. I don't bite! =))

-------------

DANIEL'S POV

To: Slave...

Kath ko... text me back pls.

Napakamot na lang ako. Pang-53rd text ko na 'to kay Kath, hindi pa rin siya nagrereply. Tinatawagan ko siya ng ilang beses, hindi sinasagot. Anong nangyari dun?

"3 days Kath... 3 days na." bulong ko sa sarili ko.

Isang linggo lang mawawala si Julia. At 3 days ng lumipas simula nun. Gusto ko na si Kath lang ang pagtuunan ko ng pansin.

Next week... engagement na namin ni Julia. At dun ko na gagawin ang plano ko. Nagtitiis na nga lang ako. Malapit na naman. Hindi ako papayag na ikasal sa babaeng yun.

Pero paano ko maisasagawa yung plano kung mismong si Kath, nawawala?

Hindi siya pumasok. Nag-aalala ako sa kanya. Anong nangyari kay Kath?

Hindi kaya... may ginawa na namang mali si Julia?!

Tangna naman oh. Subukan niya! Hindi ko siya papalampasin!

Pero... takte. Nakaramdam ako ng kaba. Putcha, pupuntahan ko na nga lang si Kath!

Nagcutting ako at pumunta na sa carpark. Pinaandar ko kaagad yung kotse ko. Gusto ko ng makita si Kath.

---------------------

KATHRYN'S HOUSE

Nagdoorbell ako sa gate nila. Bakit ang tagal naman?

His Personal Slave - Book 1. [Published Book]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!