Hello. Here's the update. Sana maenjoy niyo. Dedicated to her. Hi! Thank you. You know why. :) 

Napapagod na pala ako sa copyright infringement problems, kaya dinelete ko na po ito sa CC(Candymag) kasi dun pwede ka magcopy eh. Pero yung ABKA andun pa. Hehe. Ayun. Aalis pala ako sa 30, may pupuntahan kami. Kaya siguro makakapag-update ako bukas then after nun, new year na. Salamat. Sorry wala lang po akong gana at di ko na kayo na-eentertain. Pasensya na.

Right side gif: Why is her expression like that? Aww.

------------------------------

KATHRYN'S POV

Maaga kaming umalis sa beach house kinabukasan. Tahimik lang kami habang nasa kotse. I mean... kami lang pala ni DJ. Yung lovebirds? Ganun pa din, parang wala lang kami. Hinayaan ko na lang. Natulog na lang ako sa kotse at hindi pinansin ang pag-iignore sakin ni master...

Siguro wala lang naman siya sa mood, siguro kakausapin niya din ako.

Maya-maya nagising ako ng may yumugyog sakin. Pagkadilat ko, si DJ pala...

Hindi ko alam pero nagkatinginan lang kaming dalawa... Nakatingin lang ako sa kanya, ganun din siya. May something sa mga mata niya... He's sad?

"Kath..." parang biglang may kung anong pumitik sa puso ko nung tinawag niya yung pangalan ko. Kinakausap niya na ulit ako?

"B-bakit?"

"Andito na tayo. Bumaba ka na." tinignan ko yung likod ng kotse niya, ay... si Ate Yen na lang nandito. Nakangiti siya. 

"Yung kuya mo nasa bahay niyo na. Dala na niya mga gamit niyo. Pinapagising ka lang niya kay couz. Thank you sa time ha?"

Ngumiti ako. "Thank you din sa invite, Ate Yen. Bye." bababa pa lang ako pero tumingin muna ako kay DJ...

"Thank you..." 

Iniwas niya lang yung tingin niya sakin at nag-wave. Wave lang?!

Tulala lang akong umalis sa kotse niya. What is that? Hindi niya lang ba ako aasarin? Hindi niya lang ba ako uutusan at mag-iinarte bago ako umalis? Isang 'wave' lang talaga?

Napatingin ako sa kotse niya, na kakaalis lang. Habang tinitignan ko sa malayo ang kotse niya... parang nanghina ako. Hindi ko alam kung bakit... feeling ko iniwan ako... argh. Napaparanoid lang siguro ako.

His Personal Slave - Book 1. [Published Book]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!