TEKA GRABE NATATAWA AKO. DINUMOG NIYO AKO SA PM! HAHAHA. =)))) Nakatulog lang. Sarreh~ Haha patawarin niyo ako oh iniibig ko~ Charot! #laslas

I spent an hour in writing this chapter and I hope you'll like it. 2 updates in a row? Hahaha. Owverrrrr! Okay lang... sa January 1 na ulit update ko eh. Hahaha sorry guys. Oo nga pala... alam ko nagpromise ako sa isang reader ko na sakanya ko 'to idededicate kaso nakalimutan ko kung sino! Huhuhuhu. Pasensya na. Post ka sa wall ko ulit, sayo pa din naman naka-dedic 'to eh.

At oo nga pala, no more dedication requests until this chapter. Salamat.

Alam niyo na gagawin niyo. :) Advance Happy New Year guys...

KATHRYN'S POV

Badtrip ka Kath. Check!

Masama loob mo Kath. Check!

Naaasar ka Kath. Check!

Naguguluhan ka Kath. Check!

Gusto mo pumatay ng tao Kath. CHECK NA CHECK!

Oo, ganun ako kababaw magalit kaya habang naglalakad ako ngayon sa campus, naglalaro ako ng check-checkan sa utak kong gulong-gulo. May laro bang ganun? Kung wala, ako nagpauso. Pero hindi yun yung pinag-uusapan eh. Nasaan na ba si DJ? Pumasok pa naman ako ng maaga ngayon para makausap siya! Kaso wala eh, nasaan ba siya? Nagtatago? Magtago na siya dahil mamaya itatapon ko sa mukha niya ang pesteng polo niya! Ang kapal kapal!

Pagkatapos ng klase, hindi talaga ako mapakali. Nasaan ba siya? Alam niyo bang binili ko pa yung polo na yun kahapon para lang mapakita sa kanya na alam ko na! Alam ko na nagsinungaling siya sakin! OA na kung OA pero kung kayo kaya! Malaman niyo na naging personal slave ka dahil lang dun, tapos akala mo sobrang mahal yun pala 2,000 pesos lang! Kayang bilhin! Nakakaasar! Nakakaasar ng bonggang-bongga!

Supposedly sasabay ako kay Zharm ngayon pauwi pero nagpaiwan na ako since sabi ng ibang schoolmates namin ay nandito pa daw si master este yung mokong na yun! Nako! Alam ko nasaktan ko siya sa sinabi ko nun pero diba? Sinong mas nasaktan sa nalaman? Ako...

Dumaan na muna ako sa building nila, nagtanong-tanong ako sa ibang Entrepreneur students, wala daw si DJ. May mga usisero pang nagtanong kung ano yung 'thing' samin ni DJ, di ko na lang pinansin. Ano baaaaaaa. Asan na ba yung sinungaling kong EX-MASTER?!

Hindi kaya nasa carpark?

Naglakad ako papuntang carpark, at pagdating ko dun, si Albie yung nakita ko. Nag-wave siya. Nag-wave na din ako at lumapit sa kanya.

"Oh Kath? Uuwi ka na? Hatid na kita..." nag-no sign ako.

"Uhm... kasi hinahanap ko si DJ... nakita mo ba siya?"

His Personal Slave - Book 1. [Published Book]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!