DANIEL'S POV

THE NEXT DAY: CONDO

Tangna.

Bakit ganun sila kasweet? Sila na ba? Nakakainis. Nagsusubuan pa! Oo na. Kahapon pa yun pero hindi ako makaget-over. Okay? I can't help it. Inaagawan ba ako ni Al ng slave? I mean she's mine right? 

Tapos etong si Zharm ha. Nagbalik na pala siya. She's still the same. Annoying as ever. I said some things to her and I hope... tantanan na niya ako. She's just a friend... not more than that. 

Nakakatamad pumasok. Aish! Makainom na nga lang ng juice or anything refreshing... lumapit ako sa ref at naghahanap ng maiinom. Teka ano 'to?

Tinignan ko yung bote... hmm. Elixir yung name? Color orange siya. Bagong stock siguro sa ref. Si Ella, yung condo keeper ko siguro naglagay neto. Oh well mainom na nga. Inamoy ko. Orange juice nga... Ininom ko lahat ng nasa bote at wala ng natira. Binagsak ko yung bote sa table counter at umupo na sa couch. Safe naman siguro yung juice na yun. Hindi expired.

Teka, bakit bigla akong nakaramdam ng... ng init? Aish! A-ano ba 'to... makaligo na nga. Baka galing ibang bansa yung orange juice na yun. 

[Ella: mwahahaha! weeee! *evil laugh*]

-------------------------------

KATHRYN'S POV

SAME DAY: SCHOOL

Diba sabi ko naman sa sarili ko na tutulungan ko si Zharm? Tutulungan ko siya para mapansin siya ni DJ? Bakit ngayong araw. biglang di na lang siya namansin?

Wala naman akong ginawa sa kanya ah? Baka nagtampo lang o ewan? Ano ba kasing... nangyari? Di ko na nga siya nakita for 2 days tapos ngayon na pumasok siya. Wala... parang...

Wala lang ako. 

Syempre nalulungkot ako, bestfriend ko siya eh. Tapos biglang pagpasok niya. Di siya namamansin tapos parang... hindi niya ako kilala... Aish! Oo na napaparanoid ako. Baka mamaya kasi wala lang siya sa mood. Pero bakit pakiramdam ko...

May kasalanan ako sa kanya? 

Kausapin ko na lang siya mamaya... tama! Oo tama kakausapin ko siya... that's right! Ehh? Katabi ko lang pala siya. Pero nakalingon lang siya sa professor namin. 

His Personal Slave - Book 1. [Published Book]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!