Hello guys! Haba-haba ng update na 'to. Bwahahaha. Wala lungs. XD Sobrang haba talaga! As in. And yes... sa Friday ako mag-uupdate.

Dedicated to her pala. Hello! Eto na dedication mo. Haha. She chatted me awhile ago and she's very nice! Thanks sa support!

Oo nga pala, guys... wala munang magpapadedicate ha? Please lang. Kasi ako na bahala simula ngayon kung kanino. :"> Cheers! Enjoy the update!

Kaya comment ha? Vote na din. Be a fan if you think I deserved it! Nako... kapag may nagsabing 'bitin' dyan, kotong! Malamang mabibitin talaga kayo kasi 'on-going' 'to. You know? :)

---------------------

DANIEL'S POV

THAT SAME DAY

Aish... namimiss ko kaagad si Kath. Ano ba yan!

Napakamot lang ako ng ulo at napatingin bigla sa kitchen counter... aish. Tuwing naaalala ko yun... damn it! Yung babaeng yun kasi, hindi niya alam na ang ganda niya. Hindi tuloy makapagpigil. Lalaki ako. I have my needs! Pero sobra-sobra talaga ang respeto ko sa kanya. Saka na... kapag handa na kami parehas. Kahit gago ako minsan, ayoko namang pilitin siya sa ayaw niya. Pero dapat itanong ko. Haha joke lang. Kaya ko naman maghintay eh.

*ding dong*

Huh? Sino nag-dodoorbell? Baka si Kath! Sabi na eh. Namiss rin ako nun.

Nagmadali akong pumunta sa may pinto at walang sabi-sabi, binuksan ko ito, hinila ko siya at napapikit na lang ako habang hinahalikan ko siya.

Grabe namiss ko 'tong babaeng 'to... itanong ko na kaya? Ay hindi pwede. Kailangan mag-control... nyeta, humawak pa sa leeg ko... diniinan ko yung halik...

Pero teka... bakit ganun? Bakit parang... parang iba? Parang hindi siya?

Dinilat ko kaagad yung mata ko at nagulat ako sa nakita ko. Hindi si Kath... kundi si...

"JULIA?!"

Ngumiti lang siya. "Hi Daniel... hindi ko alam na sobra mo pala akong namiss." kinindatan pa ako.

"Sorry. Akala ko kasi yung girlfriend ko. Kung alam kong ikaw yun, di kita hahalikan."

His Personal Slave - Book 1. [Published Book]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!