Hello! As promised, update. Idk kung kelan ako makakapag-update ulit dito kasi may exams kami next week. Anyways, pakihintay na lang.

Salamat nga pala sa mga sumuporta ng Ang Boyfriend kong Artista. Grabe, posted na yung epilogue. Okay? Salamat sa lahat! Enjoy this update!

May bago pala akong story na ipopost ko bukas. Support niyo ha? :) Title is... "MY GANGSTER HUSBAND." Not your ordinary gangster love story...

----------------

KATHRYN'S POV

Oh my god! 

Nabitawan ko yung baseball bat ko at hinawakan siya. Muntik na siyang mahulog sa impact ng pagkakapalo ko sa kanya.

"Huy... huy okay ka lang?" sabi ko sa kanya. Tumayo siya at nag-aray bigla.

"Grabe ka... ang brutal mo talaga kahit kelan..." 

"Sorry DJ... okay ka lang ba? Masakit ba ha?" naguguilty ako. Akala ko kasi magnanakaw. 

Niyakap niya lang ako mula sa bintana. "Okay lang... masakit lang ng onti. Bigyan mo na lang ako ng pain reliever... nako... kahit brutal ka talaga... mahal pa rin kita." nanlambot ako sa sinabi niya.

"DJ... umuwi ka na. Baka marinig ka pa nila mommy at kuya..." 

Kaso iba ang ginawa niya. Bigla siyang umakyat mula sa bintana ko patungtong sa loob ng kwarto ko. Tapos sinara niya yung bintana ko at pumunta sa may pintuan ko para i-lock.

"DJ... anong ginagawa mo?!" pinatay niya rin yung TV at lumapit sakin.

"Soundproof ba 'tong kwarto mo?"

"Huh? Oo. Bakit?" hala... bakit niya tinatanong yun? O.O

Lumapit siya sakin at itinaas yung mukha ko gamit yung baba ko. "Para hindi tayo marinig na..." 

"Na ano DJ?!" tinanggal ko yung kamay niya na nakahawak sa mukha ko at hinampas siya sa braso.

"Aray naman... yan ka na naman! Wala naman akong ginagawa! Ang gusto kong sabihin, mas mabuti ng soundproof 'to para walang makarinig satin habang nag-uusap! Baka kasi sigawan mo ako habang nag-eexplain ako... Teka ano bang iniisip mong gagawin natin ha?" namula ako sa sinabi niya. Ano ba kasing pinag-iisip ko?

His Personal Slave - Book 1. [Published Book]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!