Yieee... Happy Valentine's Day! Sorry natagalan. Hehehe... may kasama kasi ako kanina hahaha walang magtatanong kung sino isang batok abot niyo sakin. XD

Ayun, sana ienjoy niyo ang day ngayon! Mabuhay mga Single! Bwahahaha! De joke lungs, sa mga may lovelife dyan, kamusta? Ano, eto update! Mwahahaha! XD Dedicated kay Cupid. HAHAHA. Yeah I know I'm so weird today. Hahaha. Salamat sa pagpana ng mga puso ng mga readers ko ngayon! Loveyouaallguys!

Pakihanda po ang oxygen plus your sane self. Walang magiging insane sa mga susunod na updates ha? Hahaha OA ko pero kasi... daming pasabog. #Eksaherada?!

 ---------------------

DANIEL'S POV

"Wow Daniel! Flowers for me? How sweet of you!" lumapit si Julia sakin at niyakap ako. Sige lang... yayakapin ko na. Tss. Ngayon lang.

Pasalamat ka request ni dad na bigyan man lang kita ng flowers ngayon. Tss. Akala siguro ng babaeng 'to, matutuloy yung engagement at arranged marriage namin. Hindi ko hahayaan yun.

Si Kath lang papakasalan ko. Walang iba. Siya lang ang hihintayin ko sa harap ng altar at sa harap ng Diyos.

Kailan pa ba ako naging banal? Si Kath kasi... naimpluwensiyahan na ako. Hindi talaga ako mahilig sa ganun. Iba na talaga kapag ang girlfriend mo, good influence sayo.

She changed me.

Naging mas mabuti akong tao. Kaya nga hindi ko hahayaang masaktan si Kath. Ayoko na siyang paiyakin. Masaktan na ako wag lang si Kath.

Bumulong ako kay Julia. "Wag kang assuming spoiled-brat. Tss. Inutos lang 'to sakin ng matandang yun. Kaya kung pwede, bumitaw ka na sa yakap ko." tumawa lang siya at bumitaw sakin. Pero... bakit ba ganun yung reaksyon niya sa mukha niya? Parang may lungkot? Bahala siya sa buhay niya.

Tumalikod na ako nun at hahanapin na si Kath. Valentine's Day ngayon. Napag-isip isip ako sa sinabi niya. Napaka-inconsiderate kong boyfriend sa kanya. Babae pala siya, nakalimutan ko. Importante sa kanya yung mga ganung okasyon.

Gusto ko rin naman siya makasama. Dami lang talagang sumisingit.

Gaya na lang ng nakita ko ngayon, napamura ako bigla.

Inang yan! Bakit kasama niya si Quen? At saan sila papunta?!

Sila magka-date ngayon?!

His Personal Slave - Book 1. [Published Book]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!