Happy New Year Guys~

OO NGA PALA. DEDICATED TO HER KASI SIYA ANG MAY PINAKA-COOL NA NAISIP. AS IN PINAKA-KINILIG AKO NUNG NABASA KO. HAHAHA! OH WELL. SANA MAENJOY NIYO PO ITONG CHAPTER NA 'TO. KASI... HINDI KO TALAGA ALAM KUNG KIKILIGIN KAYO. PERO SANA NABIGYAN KO NG JUSTICE ANG CHAPTER 29! GIF ON THE RIGHT SIDE... HNNNNNG! <3

------------------------------------------------------------------

CHAPTER 29.

KATHRYN'S POV

Naiilang ako...

Naiilang ako...

Naiilang ako...

Naiilang ako pero hindi niya napapansin! TT_TT

Kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa niya at nanunuod pa din ng tv. Ang higpit pa din ng yakap niya sakin. Parang mawawala ako sa kanya! Pero syempre aaminin ko... kinikilig ako. Oo na. Kinikilig na ako. Sobrang kinikilig ako sa ka-sweetan ni DJ. Lumalabas kasi yung ibang side niya... yung side niya na nagpa-inlove sakin.

“Nilalamig ka?” napatingin ako sa kanya nun at nag-no sign.

“Hindi naman...”

“Sabagay. Niyayakap ka ba naman ng hot boyfriend mo lalamigin ka pa?” nanlaki yung mata ko nun at kinurot ko yung pisngi niya.

“Grabe ka! Ang yabang.”

“Totoo naman eh. Sus, dinedeny pa.”

“Che. Nakakainis ka talaga.” tinanggal ko yung yakap niya sakin. May naalala lang akong nakaka-walang gana.

“Oh! Ano ba yan! Enjoy na enjoy akong yakapin ang payatot kong girlfriend eh.” anong sabi niya?!

“Hindi tayo bati! Ang sama mo naman sakin! May atraso ka pa sakin ha. Akala mo di ko naaalala yun?!” pilit niya akong niyayakap ulit pero pumapalag ako.

“Ano na naman ba yun Kath? Nakakainis.. nilalambing na nga kita eh...” lambing ba yun?

“Eh kasi naman... nakakainis ka! Naalala ko lang yung past few days! Yung... yung mga make-out sessions niyo nung mga babae mo! Nakakairita!” oo nagseselos lang ako kapag naaalala ko yun. Ewan ko ba. -_-

“Wag ka ng magselos!”

His Personal Slave - Book 1. [Published Book]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!