Update. :"> Thanks sa mga nag-add neto sa library nila. 

Zharm on the right side. (FACT: Ex-gf siya ni DJ. If you don't know it yet.)

-------------------------------------------------------

KATHRYN'S POV

LUNCH TIME

Andito kami ni Zharm sa favorite spot ko kapag kumakain, sa may bench sa ilalim ng puno malapit sa chapel ng University. Ang tahimik kasi dito at walang maiingay na girls na puro boys ang topic, pati yung mga boys na ang girls rin ang topic. Basta tahimik. Tapos. 

"Why are we eating here?" tanong ni Zharm. 

"Ayaw mo ba? Eh kasi--"

"No! I like here. I mean, ang peaceful dito." tapos ngumiti siya. "What I mean is, don't you have other friends? Baka naabala pa kita."

"Hindi naman sa ganon. Okay lang! Sa totoo lang, ikaw pa lang yung naglakas-loob makipagkaibigan sakin eh."

"Talaga?"

"Oo. Ewan ko ba. Para bang hangin lang ako sa kanila. -___-"

Sumimangot naman siya. "Tsk. There are so many spoiled brats here. Pero okay na ako, andyan ka na rin eh."

"Salamat at nakipag-friends ka pa sakin." tapos ako naman ngumiti sa kanya.

"No worries Kath. Let's eat?" Binuksan ko na yung lunch box ko, sakto meron rin siya. Andami niyang food! Edi siya na alagang-alaga.

"Want some?"

"Ah nako, wag na. Nakakahiya." umiling lang siya.

"Don't be shy. We're friends now right? Here." Di ko na siya napigilan, nilagyan niya na ng ulam yung pagkain ko.

Fish lang kasi ulam ko tapos gulay. Okay lang naman yun noh. Hindi naman kasi kami mayaman, hindi naman mahirap. Sakto lang. Pero gusto ko kasi 'tong food. Lalo na kapag luto ni Mama.

"Thanks." nagsmile lang siya in return.

His Personal Slave - Book 1. [Published Book]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!