2 updates po. HAHAHA. =) Tapos friday na sunod. Thank you sa mga sumusporta kahit ang crappy neto. HAHAHA.

-----------------------------------

KATHRYN'S POV

Monday na. Start na ng araw ko sa pagiging slave. Sakto, first day ng second sem.

Ano ba yan, di pa rin ako makapaniwalang magiging slave ako nung... nung... nung lalaking yun! Hayy. Bakit hindi rin ba kasi ako tumanggi? Eh bat ako tatanggi? May pambayad ba ako? 

Ewan ko ba! Haynako. -_________-

Kumain muna ako ng breakfast, naligo, at syempre nag-ayos. Although hindi ko na kailangan mag-ayos dahil pangit naman ako. I mean, hindi naman sa pangit. Sabi lang nila pangit ako, paano ba naman kasi, naka-braces ako, kulot ang buhok ko, nakasalamin na makapal, yung uniform ko, ang laki, eh payat naman ako. Kasi nga... nerd ako.

Bakit hindi ako nag-aayos? Ayoko eh. Eto kasi yung comfort zone ko, yung pagiging nerd ko. At least walang pumapansin sakin. Yung mga bruhang umaaway sakin, sila Joanna, yun lang naman yung mga epal sa buhay ko eh. Ewan ko ba kung anong ginawa ko sa kanila. Nakakabadtrip.

Nilabhan ko nga pala yung shirt nung lalaking yun, nakakainis. Dahil sa pesteng polo na 'to, magiging slave niya ako. -_- Dami kong satsat. Makapasok na nga.

"Ma. Alis na ako! Bye po." Nagbeso na ko kay mama at lumabas ng gate.

---------------------------------

SA MONTENEGRO UNIVERSITY

Haynako. Asan ba yung Daniel Montenegro na yun?! Ang laki kasi ng university, teka. Anong College Building niya ba? Ang alam ko 4th year na rin yun. Nako naman, babalik ko na kasi yung polo niya.

Makapagtanong na nga lang. Kanino? Wala naman akong kilala. Aish. Dun na nga lang sa lalaking yun! Tutal mukhang hindi naman busy eh. Nakatayo lang kasi at nakasandal sa may puno.

"Ahm... Hello! P-pwedeng magtanong? A-alam mo ba yung building ni D-daniel Montenegro?" Binigyan lang ako ng weird look nung lalaki. Grabe ang taray ah.

"For what? Mukha ba akong tanungan ng mga nawawalang tao?" Okay ang sungit niya. Tss. Sayang effort! -________-

"Ay... sorry. Nevermind. Sungit." Tumalikod nako nun pero nagulat ako ng hinawakan niya yung kamay ko.

Eeeeh?

"Ako masungit? Hindi ah. Bakit ba kasi sakin pa nagtanong? Crush mo ako no? Dinahilan mo lang si Daniel para makausap ako no? HAHA!"

Ano daw? Crush ko siya? SIYA? Ni hindi nga siya... okay gwapo siya, maputi, oh ano naman? Tss yabang. -_-

"Hindi ah! Tss. Parang tinatanong ko lang. Aish. Bitawan mo nga ako. Dyan ka na! Nice talking huh?!"

Tumakbo na ako nun para di niya ako maabutan. Aish. Nababadtrip na naman ako.

Palinga-linga ako sa mga students, aba nakatingin sakin? Nanyare? Mga nakabusangot pa mukha. 

"OMG. She talked to him!"

"Aaaaah! She's a flirt!"

"Nerd na nga lumalandi pa!"

"How dare she talk to Albie?!"

"Flirt nga kasi!"

Hindi ko na lang pinansin. Tsk. Edi makipag-usap rin sila! Nako naman. Sino ba naman kasi yung kinausap ko? Albie? Wait...

Oh shit. Albie Ravena? Yung... nagbabasketball rin? Yung bestfriend nung Daniel na yun? OMG Nakakahiya naman! Aaaaaah. Ang fail ko. NAKAKAHIYA!

Nakakahiya talaga! (__ __)

---------------------------------------------------

Poster #2 on the side.

His Personal Slave - Book 1. [Published Book]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!