Ang haba ng update ko. Onti lang ng space! Haba ng hair ko! Anyways enjoy! <3 Waaaaa. Read before voting! Magcomment din hehehe! Ang hindi magcomment baog! Jk. Hahaha. <3

- Ella. 

---------------------------

KATHRYN'S POV

Hmm...

Ang sarap matulog. Ang sarap yakapin 'tong unan na niyayakap ko. Bagong bili ba ni mama? Ayoko pa dumilat. Ang sarap yakapin!

Hinigpit ko yung yakap ko sa pillow na sobrang soft! Pero bakit ganun... parang, parang naging matigas na? Kinakapa-kapa ko, parang humihinga? Atsaka... bakit ganun? Niyayakap ako pabalik ng unan ko? Dumilat na ako.

“Goodmorning slave.”

“OH MY GOD!” napatayo ako nun sa kama at tinuro-turo si DJ. “A-anong ginagawa mo sa kwarto ko?!” bakit siya... bakit ko siya katabi? At bakit... naka-topless siya!

“Kwarto mo? If I remember it right, kwarto ko pa din 'to. Ulyanin ka na Kath...” sabay smirk niya. Nakatayo pa din ako sa kama tapos siya umupo na. Hmm... teka?

“Hindi ko naman kwarto to... sayo 'to! Sayo!”

“Tss... you're so stupid! Malamang nasa condo pa rin kita! Dito ka natulog dahil may bagyo kagabi diba? Atsaka, inalagaan mo ako kagabi.” inalagaan? Teka lang...

“Ah...” okay tanda ko na, pagpasensyahan niyo na ako. Meron lang talaga siguro akong disorder tuwing umaga. Pag nagigising ako, hindi ko kaagad matandaan kung ano man yun nangyari kagabi. Usually, inaabot ng 1 hour yung disorder ko. Kapag may nagpaalala, maaalala ko kaagad. Pero kapag wala, edi wala. Ewan ko nga eh, sabi ni mama nagka-aksidente kasi ako dati nung 8 years old ako. Hindi ko nga naaalala.


“Kath!”

“Ay anak ng tipaklong!” ano ba naman 'tong si DJ! Nagulat ako bigla kasi akong binato ng unan.   -_-

“Hoy bakit ako naging anak ng tipaklong! Hindi ako hayop!”

“Eh bakit ka ba kasi sumisigaw na lang bigla dyan? At nambabato ka pa ng unan!”

His Personal Slave - Book 1. [Published Book]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!