Hello guys!

Dedicated to him. Hello Pedz! Thank you talaga for supporting this. Isa ka sa bagong nagcocomment at nagvovote dito, ang nice mo pa. HAHAHA. May namumuo ba sainyo ni LiwanagJanelle? XD

--------------------------

KATHRYN'S POV

ENGAGEMENT PARTY

One word... WOW.

Ang ganda ng venue ng engagement party nila. Sa hotel ng mga Montenegro ang venue at ang Buenavista naman ang nag-ayos ng lahat. White and black ang motif. Maraming buffet tables para sa mga guests nila, maraming servers at may malaking champagne bowl sa gitna. May malaking chandelier sa ceiling at maraming crystals sa bawat wall. May malaking banner na nakakabit sa pagitan ng stairs nila.

ENGAGEMENT PARTY OF DANIEL MONTENEGRO AND JULIA BUENAVISTA.

Yeah right, ipamukha niyo pa sakin yan. Ako lang siguro ang middle-class dito. Paano ba naman kasi... lahat ng guests nila, elegant and powerful talaga. Marami nga akong nakitang celebrities! Kaya malamang, maraming media at press people na nagkalat. Walang-wala ako.

Kasama ko naman sila Zharm and Albie pero syempre, kasama muna sila ng family nila kaya ako lang naiwan dito, sa may buffet table, umiinom ng cocktail drink. Ayokong makipag-usap sa kahit sino, feeling ko kasi... mapapahiya lang ako.

Pumunta lang naman ako dito dahil kay DJ.

"Kath." nagulat naman ako sa nagsalita. Pagkatingin ko.

"Hey... Julia." nginitian ko siya ng pilit lang. Okay, bakit siya tumabi sakin?

"Enjoying the party?"

"Somehow. Why?"

"Wala... you're alone kasi. Wala kang escort?" gusto ko sanang sabihin si DJ kaso wala na naman akong karapatan na sabihin yun. Escort niya si DJ.

"I don't need an escort Julia. I'm fine, thank you." lumayo ako sa may buffet table pero nagulat ako ng tawagin ako ni Julia ulit.

Tinignan ko siya. "What?"

Lumapit siya sakin. "We need to talk. In private."

His Personal Slave - Book 1. [Published Book]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!