Dedicated sa lahat ng nagbasa ng HPS mula una hanggang hulil! I love you! 

Okay, eto na ang HIS PERSONAL SLAVE FINALE!

-----------------------

KATHRYN'S POV

Buhay si DJ.

Yan ang unang pumasok sa utak ko ng nakita ko siya ngayon. Hindi ko alam kung kamukha lang pero... yung tibok ng puso ko...

Alam na siya si DJ.

Agad-agad akong lumabas ng kotse, walang pakielam sa mga nambubusina dahil nakaharang ang kotse ko sa gitna ng kalsada. Wala na akong maisip kundi puntahan siya.

Master...

Nakita kong pasakay na ng jeep si DJ. Kaya dali-dali akong tumakbo para maabutan siya.

"DJ! WAIT! DJ!" hindi siya lumingon sakin kaya binilisan ko ang paglakad papunta sa kanya.

Pasakay na sana siya pero hinablot ko yung collar ng polo niya, kaso lang, bigla akong nahulog sa pavement ng kalsada.

"Aray... ang sakit." napapikit ako ng maramdaman ko yung sakit sa likod ko dulot ng pagkahulog ko.

"Miss, okay ka lang?"

Halos di na ako makahinga ng marinig ko ang pamilyar na boses na yun.

Dumilat ako at nakatingin sakin ang taong lagi kong hinahanap... kahit nasaan man ako.

"DJ..." hinila ko siya at niyakap ko ng sobrang higpit. Wala akong pakielam kung nakahiga man ako dito sa kalsada at yakap-yakap ko siya. Ang mahalaga...

Buhay siya.

"Ang sama-sama mo DJ! Bakit hindi ka nagpakita sakin ha?! Alam mo ba kung gaano ako nasaktan nung akala kong patay ka na! Ha?!" pinagpapalo ko siya habang tumutulo na yung luha ko.

"Miss..." bigla siyang bumitaw sa yakap ko at tumayo. Inalok niya yung kamay niya sakin kaya kinuha ko at itinayo niya na rin ako.

His Personal Slave - Book 1. [Published Book]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!