Hi guys! Update! :) Hehehe di ko alam kung kelan ako mag-uupdate uli. Ienjoy niyo na lang 'to. Thanks! <3

Dedicated to her. Hi Ate! Thanks sa lahat ng support sakin! I love you! Mwa! <3

-------------------------------------

QUEN'S POV

From: Juls

Kuya, punta ka sa mall. There's something interesting here. :)

Tss... ano na naman kaya pakulo nitong kapatid ko?

To: Juls

Yeah. Sige. Behave.

Baka kung ano na naman ang ginagawa ng babaeng 'to. Tss!

From: Juls

Don't be a nagger, kuya. now, bilisan mo. The show is going to start. :)

Nagbihis na ako at sumakay sa kotse ko. At pumunta na sa mall na sinasabi niya.

Eto talagang si Julia, may pagka-isip bata pa din. Pero, don't get me wrong, close kami nyan. Kami lang naman kasi magkapatid. Nung nagpunta akong New York, ewan ko na kung anong nangyari dyan. Pagbalik ko, isang fierce at mature woman na Julia ang nadatnan ko. Hindi na yung sweet and innocent Julia na lagi kong inaasar. Iba na eh. College girl na. Next year, gagraduate na siya sa course niyang Fashion Design.

Pagbaba ko sa mall, sinuot ko yung shades ko at cap. Mahirap na. Baka may maka-recognize sakin. I despise attention. Ayoko ng may mga sumusunod saking press people.

Alam ko na minsan, yung magulang ko mismo yung nagrerequest sa mga taga-media na bigyan ako ng publicity. Aish. Kay Julia ayos lang. kay Daniel Montenegro, sanay na yung ungas na yun. Pero dahil hot-topic pa din ako, ako laging sinusundan. Lahat nga ng galaw ko, tinitignan. Sana pwede na akong bumalik ng New York. Tss...

Naglibot-libot na ako sa mall, nasaan na ba si Juls? Hmm...

Nakarinig ako ng sigawan sa may bandang kanan ko. Pagkatingin ko, puro flash ng cameras, may pinapalibutan sila.

Tama nga ang hinala ko. Si Julia. At si Daniel.

That sneaky girl. Siya siguro ang nag-contact sa mga reporters at press people. Di talaga makapaghintay 'tong babaeng 'to. Alam ko, my parents and Daniel's dad will formally announce the merging on their surprised engagement party next month?

His Personal Slave - Book 1. [Published Book]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!