Uy may update! Hahaha! Sana nabigyan ko ng 'justice' ang update na 'to. Di ko alam kung kelan ako makakapag-update. Hehehe... basta ayun, thank you sa mga patuloy na nagbabasa ng HPS! Kahit medyo sabog na ako mag-type minsan... hahaha! Nasasakyan niyo kabaliwan ko!

Dedicated ulit sa kanya... pinaiyak mo na naman ako Ate Jenpays! :(( Ang ganda ng ending ng 'A Kiss in the Rain'. Pinaiyak mo talaga ako. Hands down ako sa galing mo. Alam mo yan Ate Jenpays, love you much! <3

-------

KATHRYN'S POV

"... Sociology is the study of human social behavior and primarily focuses on studying large-scale, complex, modern Western societies. Some famous sociologists are?"

"Friedrich Engels, Hubert Spencer, George Herbert Mead, Antonio Gramsci, Michel Foucault and Marcel Mauss." confident na sagot ni DJ.

"Ang galing naman ng master ko!" sabay yakap sa kanya.

Pareho lang kasi kami ng topic na pinag-aaralan ngayon. Sa Sociology. Ang galing nga eh. Parehas pala kami ng prof dun. Kaya pwede talaga kaming mag-aral ng sabay.

"Kath... mall naman tayo... alam ko na naman yang lahat ng topics dyan. Matalino ata 'tong boyfriend mo." sabay wink sakin.

"Baliw! Mag-aaral lang tayo ngayon. Okay? Midterms na! Mamaya na lang pagkatapos!" nag-aaral kami ngayon sa bahay namin. Wala naman si Mama at Kuya eh. Ayoko muna sa condo niya 'no. Di lang kami makakapag-aral ng mabuti dun. Ayun, nakaupo kami sa sala. Nakaupo sa couch. Magkatabi. Puro libro sa may table.

"Eto naman... naglalambing lang!" humaba pa nguso niya.

"Ang cute cute mo talaga master! I love you!" sabay yakap sa kanya ng mahigpit.

Hindi ko alam kung bakit sobra kong sweet ngayong araw. Hahaha! Medyo gumagaling na yung labi niya. Ginamot ko na kasi kanina. Hays...

"DJ?"

"Bakit?" nakatingin lang siya sakin, nakakunot yung noo.

"Dahil nag-aaral ka ng mabuti ngayon. Sige... ibibigay ko premyo mo!"

His Personal Slave - Book 1. [Published Book]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!