I want to dedicate this to Rezi! Bwahahaha. Oh ayan, kahit inaaway-away mo ko kanina dahil pinatay ko si DJ. Hahaha! Well, pinahiram mo naman ako ng diary kaya bati na tayo. Bwahahaha. Labyu!

I told you guys to trust me with this right?

--------------------------------------

KATHRYN'S POV

AFTER TWO YEARS

Nagising ako ng naramdaman kong may yumuyugyog sakin.

"Kath, gising na. Nandito na tayo." nagpunas ako ng mata bago ako napatingin sa bintana ng eroplanong sakay namin.

Grabe. Nag-iba na ang NAIA. Naging modern na ang itsura nito, hindi katulad ng dati.

Kaka-landing lang ng eroplano kaya nakatigil pa rin ito.

Napatingin ako sa katabi ko. Siya. Ang taong tumulong sakin.

Ngumiti ako ng malungkot. "Oo nga. Grabe, hindi ako makapaniwala."


"Kath. Nandito na tayo uli. Ready ka na ba makita sila? Pati siya?" tinignan ko siya. Ang taong tumulong sakin ng nasa New York ako. Kung wala siya sa tabi ko, baka namatay na ako sa lungkot dun.


Nagpapasalamat ako sa kanya dahil sumunod siya sakin sa New York. Gusto niya akong damayan. Besides, taga-New York naman talaga siya bago siya bumalik sa Pilipinas two years ago.


Nginitian ko siya. "Yes, two years have passed. And I think I moved on already. Thanks to you..."

"Ano ka ba Kath, masaya nga ako at nahanap kita sa New York."

"Pero seriously Quen, salamat ha? Kung hindi dahil sayo--"

"Hindi ka pa makakamove-on?" ngumiti lang ako sa kanya.

"Ganun na nga."

Inakbayan niya ako. "Kath, nandito lang ako para sayo. Sinabi ko naman sayo diba? Gusto kita--"

"As a friend? Oo alam ko yun! Ano ka ba." nginitian ko lang siya nun at tumingin ulit sa bintana.

His Personal Slave - Book 1. [Published Book]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!