I already updated this and ABKA so yeah... next update will probably be next week. Tuesday or Wednesday. Just check okay? :)

Comment. Vote. Recommend. Be a fan! <3

PS: yung nasa right side yung dp kuno ni Kath. HAHAHA. Oh ano alam niyo na kung sino ah... si Neil! Ang....

-------------------------------------------------

KATHRYN'S POV

Maaga akong pumasok ng school kahit inaantok pa ako. Naglakad na lang ako dahil hindi naman ako sinundo ni master... hmm. Bakit kaya? Oh well. Mabuti na yun at least makakapagpahinga ako diba? Sana hindi na ako utusan ni DJ!

Pagpasok ko sa classroom, yung mga classmates ko, nakatingin sakin. Ehh? May dumi ba ako sa mukha?

At dun ako napatingin sa armchair ko...

May teddybear na nakalagay sa armchair ko, color pink na nakasuot ng batman shirt... eto yung teddybear na gusto kong bilhin kahapon ah? Imposibleng...

binili 'to sakin ni DJ? O.o

Umupo ako sa armchair ko at hinawakan yung teddybear. May nakalagay na parang note dun. 

HEY SLAVE,

you owe me...

- MASTER

Ehh? So si DJ nga nagbigay sakin neto? Pero... bakit?!

Pero sa totoo lang... medyo... napangiti ako. Mabait naman pala siya talaga... kahit ganun yun... may puso din pala. Binili niya pa ako ng teddybear oh? Sige na, aaminin ko na... natouch ako. Atsaka alam niyo ba? May collar 'tong teddybear? DJ nakalagay. Ang kapal talaga. Hahaha.

"Uy Kath.. aga mo ah?"

"Ay butiki! Ano ba Zharm... nakakagulat ka." bigla ba naman kasing tumabi sakin si Zharm. Nakakagulat lang.

"Hahaha. So... musta?" nilagay niya yung bag niya sa armchair niya. "Wala ka na naman kahapon ah... sorry di kita nasamahan kumain."


"Okay nga lang yun Zharm... ano ka ba? Bago ka dumating dito mag-isa na talaga ako kumakain..." nginitian ko na lang siya.

"Good! So... saan ka pumunta? Hinanap ka kasi ng prof natin. Sabi ko umuwi ka may aasikasuhin ka lang."

His Personal Slave - Book 1. [Published Book]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!