Hi. I have le update already! Dedicated to her. Cheskimeow! Hahaha! Thanks for supporting le HPS. Thanks rin sa laging pagcocomment ng super haba at nakakatawa! =))

Pardon me if ever I wrote this chapter kind of... emotional. Heartbroken eh. Haha. I'm emotionally scarred this past few days.

------------------

KATHRYN'S POV

"I remember the times, we spend together...

All those times, we had a million questions...

All about our lives..."

"Zharm naman. Wag ka ng magpatugtog ng ganyan. Kita mong tulala na naman si Kath."

"Sorry! Hindi ko sinasadya! Naaadik lang naman kasi ako sa FM Static. Kath, bes..." niyuyugyog ako ni Zharm. "Are you okay?"

"Babe, hindi ka sasagutin ni Kath. Mahirap pinagdadaanan niya. Alam mo namang isang buwan pa lang nakakalipas simula nung..."

"Albie, sshhhh. Don't even mention it."

"Pero yun nga, alam mo namang laging tulala si Kath simula nun. Hayaan mo na."

"Fine. Kath?" niyugyog ako ni Zharm. "Mauna na kami ha? May klase pa kasi kami. Alam mo namang one month suspension lang ang binigay ng university to honor DJ's..." napatingin ako sa kanya. "I'm sorry Kath. I didn't mean it that way. Mauna na kami. Bye. Ingat ka Kath kung saan ka man pupunta ha? We'll miss you." niyakap niya ako bago nagpaalam sa puntod ni DJ.

Niyakap rin ako ni Albie. "Kath, babantayan ka ni DJ. Alam na alam mo yan. Kahit saan ka magpunta, nasa tabi mo pa rin siya. Wag kang masyadong malulungkot dun, masasaktan rin si DJ kung ganyan ka." ginulo niya yung buhok ko at niyakap ulit ako. "Mag-ingat ka, Kath. We will see you soon."

Umalis na sila... at naiwan ako na nakatitig lang sa kawalan.

Gusto ko naman talaga silang kausapin. Gusto ko nga na icongratulate ang dalawang yun dahil sila na finally. Kaso, wala akong masasabi. Ayoko namang kaawaan nila ako sa nangyari. Sa nangyari...

DJ's gone. Dead and gone.

Ang hirap tanggapin. Ang sakit sakit. Parang may malaking butas sa puso ko na hindi na mabubuo kailanman. Ang dami naming pinagdaanan, ang dami naming binuong mga pangarap, ang daming masasayang pangyayari samin na mahirap bitawan. Ang hirap niyang bitawan.

His Personal Slave - Book 1. [Published Book]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!