Hi. Update pala. <333333 Btw, kung sino unang makasagot ng tanong ni Kath sa dulo (part pa din ng POV niya) sa kanya ko idededicate next chapter. :) Kudos! 

----------------------------

KATHRYN'S POV

*ring ring!*

“Aish...” panirang alarm clock. Ang sarap ng tulog ko eh. Napadilat ako nun, hmm... nasaan ako? Tumayo ako at nag-unat. Nasa kwarto nga pala ako. -_-

Tinatamaan na naman ako ng disorder ko. Di ko alam kung anong nangyari kagabi. Argh. Alam ko nawala na disorder ko nung last year pa? Bakit ba bumalik pa?

Bumaba ako nun at umupo na sa dining table. Nakaupo na rin si Kuya, mukhang puyat. Si mama naman naghahain ng pagkain.

“Oh kayo, kumain kayo. Ang payat payat niyong dalawa! Naku...”

“Opo mommy...” nasabi ko na lang. Maya-maya nagsimula na kaming kumain.

“Neil anak, kamusta na pala si Yen?”

“Okay lang siya mama. Birthday pala ng dad niya ngayon.”

“Ganun ba? Pakisabi happy birthday.”

“Sige ma...”

“Oo nga pala, kailan yung outing niyo ni Yen? Kasama si Kathryn diba? Pati yung pinsan niya?” nagno lang si kuya. “Ma... sa friday na po yun.”

“Friday? Ilang days ulit kayo?”

“3 days.” nabuga ko yung kinakain ko dahil sa gulat.

“Kuya naman! Bakit 3 days? Akala ko 1 or 2 days lang! Ehh... at bakit ngayong friday na?”

“Little sister naman! Payag na naman si mama eh! Diba ma?”

“Basta mag-iingat kayo dun ah! I trust you Neil... wag gagawa ng mali!”

His Personal Slave - Book 1. [Published Book]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!