FALL FOR YOU ( KAYE CAL)

By bayo_toopsie

71.2K 4K 1K

Falling inlove is never easy. Lalo na kung mahuhulog ang loob mo sa isang taong kinaiinisan mo ng buong buhay... More

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Fall For You ( Book Two)
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Pasasalamat

Chapter 50

782 47 7
By bayo_toopsie

😊😊😊😊

Dumating si Yasmin sa meeting place nila ni Mr. Lao isang oras bago ang eksaktong oras ng pagkikita nila. Excited siyang bumaba ng taxi at nginitian pa ang may katandaan nang driver ng taxi. Dahil maaga siya magaan ang pakiramdam niya at nagbigay pa ng extrang tip sa driver na ikinatuwa naman ni manong.

Naglakad siya papasok ng restaurant nang madaanan niya sa parking lot si Mr. Lao, nakasandal ito sa unahan ng kotse niya. Tahimik na nakapamulsa, at matamang nakatitig sa kanya. Seryoso ang mukha nito pero parang nakangiti pa rin.

"O? Mr. Lao? Ang aga mo naman! " gulat na bati ni Yasmin. Akala kasi niya eh mas mauuna pa siya rito ngunit ngayo'y mas maaga pa pala ito sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon nalate na naman siya, pero teka hindi pa siya late ah! Dahil maaga pa sa eksaktong oras na dapat na meeting nila.

"Don't worry, maaga ka pa kaysa kahapon.." sabi nito, tapos nagflip pa ng buhok.
Ohhh!! 😍 😍 😍!!

Ewan pero napatanga si Yasmin at hindi na nakapagsalita bahagya pa siyang nakanganga. Habang nakatitig kay Nykieh Lao. Nagbalik lang siya sa ulirat nang pitikin siya nito sa hangin.

" Ay! Ay! Sorry Mr. Lao!! What is it again?.. " natatarantang sabi ni Yasmin.

"What? Wala naman akong sinasabi.. " seryosong sabi nito. Napakamot nalang si Yasmin at waring napahiya, pakiramdam niya medyo namula siya don.

"Ay, wala ba? Akala ko may sinasabi ka,, anyway lets go inside para makapagsimula na tayo.. " sabi nalang niya at pilit ang ngiti dahil sa pagkapahiya niya. Nang humakbang na siya ay hindi nila malaman kung sino ang mauunang maglakad.Kaya nagkabanggaan pa sila.

"Sige ikaw na mauna.. " ani Nykieh, nangiti siya ng bahagya dahil nasamyo niya ang fresh scent na buhok ni Yasmin. Hindi rin niya maintindihan pero kinikilig siya.

"Hindi ikaw na po.. mauna ka na po.. " ani Yasmin. "Ano ba yan? Bakit ba ako nauutal? " sa loob-loob niya. Bakit ba parang medyo na-awkward siya ng konti don?

Hindi na rin nakipagtalo si Nykieh at nauna na siyang maglakad papasok nakasunod lang din naman sa kanya si Yasmin na para bang naglalakad na hindi nakatapak ang paa sa lupa. Lumulutang ang pakiramdam niya.

Sa loob ay agad silang nakahanap ng pwesto. Nagorder na rin sila ng makakain, pero kape lang ang inorder ni Yasmin. Pampakalma sa kabang nararamdaman niya. Ilang minuto rin ang itinagal ng pagdating ng order nila. Kaya naman nang dumating ito ay agad namang ininom ni Yasmin ang kape niya, paano'y napakaseryoso ng kaharap niya. Mas mainit pa sa kape kung makatitig ito sa kanya.

Agad namang nagbukas ng usapin si Yasmin. At sinimulan na niya ang trabaho na dapat nang simulan. Lahat ng itinatanong niya ay sinasagot naman nito. Nalaman din niyang magkaedad pala sila. Sa dami ng itinanong niya ay check na check na walang kagatol-kagatol na sinagot naman nito ng diretso.Liban lamang sa huli niyang tinanong.

"Do you have a girlfriend?" wala sa loob na tanong ng dalaga. Napatingin naman sa kanya si Nykieh,at para bang sinusukat kung seryoso ang itinanong niya..

"...I mean you dont have to answer if... ------"

"Wala... " simpleng sagot ni Nykieh. Napatanga naman ang dalaga at hindi agad nakapagsalita. Pagkuway natawa at hinampas ng bahagya ang braso ni Nykieh. Nagulat naman si Nykieh sa naging reaksiyon ni Yasmin.

"Sorry Mr. Lao, ha, masyado akong maraming tinanong tapos personal pa, anyway salamat sa interview na to.."

"Magpapasalamat ka lang, hinampas mo pa ako, alam mo namang hindi kalakihan ang katawan ko.. " nangingiting sabi ni Nykieh, sa lakas kasi ng hampas ni Yasmin, ay para bang close na sila. Nakita rin niya ang pagkabigla ng dalaga at agad na tumigil sa paghalakhak, na hindi niya maintindihan kung bakit ba tumawa. Wala namang nakakatawa sa sagot niya.

"Ay sorry Mr. Lao, ang daldal ko po kasi.. kung ano-ano na ang tinatanong ko.. "

"Yon naman talaga ang trabaho mo di ba? Alamin ang lahat tungkol sa akin, so itatanong mo talaga ang kahit na ano, hindi ba? "

Nabigla na naman si Yasmin sa tinuran ni Nykieh. "Oo nga no? Ay, tanga-tanga mo talaga Yas!"

" Ah, haha oo nga, pasensya na Mr. Lao, nastarstruck kasi ako sayo..! " iyon naman talaga ang totoo, nawawala siya sa focus dahil sa gwapong mukha nito. Nawawala tuloy siya sa sarili. Ngumiti lang si Nykieh kay Yasmin. Naaamaze siya sa mukha nito kapag nageexplain. At napakahonest,kung ano ang nararamdaman nito ay iyon din ang lumalabas sa bibig niya.

"Nykieh..! Just call me Nykieh, tama na ang Mr. Lao, masyadong pormal. Isa pa Ms. Lao ako.. 😁" sabay lahad ng kamay kay Yasmin.

"Ok, Nykieh.. " pag-uulit ng dalaga, tinanggap niya ang kamay ni Nykieh at nagtawanan pa sila.

Nagpatuloy ang kwentuhan nila pero labas na sa trabaho ang pinaguusapan. Sa sandaling oras lang na nakaupo sila sa mesang iyon ay para bang naging kampante na sila sa isat-isa. Mabilis na nagkapalagayang loob at para bang matagal na silang magkakilala. Tahimik lang si Nykieh pero lumalabas ang pagkadaldal niya dahil sa kausap na si Yasmin. Panay ang tawanan nila. Nasa ganoon silang ayos nang tumunog ang phone ni Yasmin. Kapwa sila natigilan ni Nykieh at napatingin sa nagriring na cellphone.

"heto ako basang basa sa ulan! walang masisilungan walang malalapitan.. "

Agad na kinansela ni Yasmin ang tawag na nakita niyang nagflash sa screen ang pangalan ni Volvo. Sabay humarap kay Nykieh.

"Sorry.. ----" hindi na naman naituloy ang sasabihin ni Yasmin nang magring ulit ang phone niya. At agad muli ay kinansela niya ito.

"I think palitan mo na yang ringtone mo, agaw-pansin eh!" natatawang sabi ni Nykieh. Magsasalita pa sana si Yasmin nang magring ulit ang phone niya sa pangatlong pagkakataon.

"Sagutin mo na kaya baka importante.. " sabi ni Nykieh.

"Salamat, Nykieh, sasagutin ko lang to, saglit lang.. Excuse me.." ani Yasmin. At tumayo na sa kinauupuan, lumabas siya ng restaurant para hindi na makaabala sa iba pang costumer na naroon.Sa tuwing nagriring kasi ang phone niya ay napapalingon ang ibang tao sa paligid. Mukhang tama nga si Nykieh,agaw pansin nga ang ringtone niya. Pero bakit ba, eh sa favorite niya ang Aegis!. Sa labas ay saka niya sinagot ang tawag ni Volvo. Napakakulit kasi nito. Tawag ng tawag.

" Hello, bakit ba antagal mong sumagot pinapatayan mo pa ko!"

Bungad agad ng nasa kabilang linya. Nailayo naman ni Yasmin ng kaunti ang cellphone sa tenga niya. Paano naman kasi parang sumisigaw ang nasa kabilang linya.

"Pumunta ka dito ngayon na, paguusapan na natin ang mga kasalanan mo sa akin! "

"Ha!? Ngayon na? Eh nasa meeting pa ko eh, nagtatrabaho din kaya ako no! Para may maipambayad ako sayo! " pabulyaw na sabi ni Yasmin.

"Hindi pwede basta pumunta ka ngayon! Hihintayin kita."

Iyon lang sabay pinatayan na siya ng cellphone. Naiinis na binack to home niya ang screen ng phone niya. Kulang nalang ay sirain niya iyon sa sobrang diin ng pagdutdut niya.

"Damuhong yon! Akala mo kung sino makapagdemand!!!!" naiinis na sabi ni Yasmin. At napabuntong-hininga na lang.

"May problema ba? " napalingon si Yasmin sa nagsalita mula sa likuran niya. At nakita niya si Nykieh, dala dala ang bag niya at ang mga gamit niya.

" Ay jusko! Uuwi ka na ba? Excited ka ata? " ani Yasmin na nagulat sa itsura ni Nykieh na dala-dala ang mga gamit niya. Hindi kasi ito magkandaugaga. Inabot niya ang mga iyon sa kamay nito. At nagpasalamat.

"May nagaaway kasi sa loob magkasintahan ata, nahuli na may kasamang iba, hindi ako komportable sa ganon kaya lumabas nalang ako" sagot naman ni Nykieh.

Umandar naman ang pagkatsismosa ni Yasmin at napatingin sa loob ng restaurant. Akmang hahakbang na sana siya para tingnan ang eksena pero pinigilan siya ni Nykieh.

"Hwag ka na bumalik don, ihahatid na kita sa work mo"

Pero hindi nagpapigil si Yasmin para kasing naging curious siya sa nangyayari sa loob. Narinig pa niya ang pagtawag ni Nykieh sa pangalan niya pero hindi na niya ito nilingon pa. Kaya naman sumunod nalang si Nykieh sa kanya.

Sa loob ay nakita ni Yasmin ang isang lalaki at dalawang babae. Nasa komprontahan ang mga iyon ng datnan ni Yasmin. Sa gulat niya ng makita ang lalaki ay napasugod na rin siya at pinagsasampal ang lalaki ng walang anumang salita. Na ikinagulat naman ni Nykieh.

"Hayop ka! Am I breaking up with you pala ha! Muka mo, anong karapatan mo!! " bulyaw niya sa lalaki. Nagulat naman ito at ang dalawang babae sabay na napatingin sa kanya.

"Who is she?!!" magkapanabayang sabi ng dalawang babae.

"Yasmin.. let me explain..! " pagsusumamo ni Terrence, na maagap na nahawakan ang braso ni Yasmin. Sa paglingong muli ni Yasmin ay isang malakas na sampal muli ang dumapo sa mukha ng lalaki.

" Eexplain mo yang muka mo!!  I'm breaking up with you!!! You playboy!!! "ani Yasmin sabay talikod na, hinila pa niya si Nykieh na napatanga nalang sa mga nangyayari. Nakangiti siyang nilisan ang restaurant hanggang sa wala sa loob na sumakay sa kotse ni Nykieh. Malalim na buntong-hininga ang pinawalan niya bago tuluyang bumagsak ang mga luha niya. Ngayon alam na niya ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay ang nobyo. Ang walang-hiyang yon kapal ng mukha makipaghiwalay sino ba siya? Wala siyang karapatan!

"Ok ka lang.. " saka lang niya napagtantong nasa tabi pala niya si Nykieh. Nilingon niya ito at iyak-tawang hinarap si Nykieh.

"Ang sakit kasi ng palad ko, sa kapal kasi ng mukha ng lalaking yon! Hindi kinaya ng palad ko, tingnan mo, namula kaya, o! " natatawang sabi ni Yasmin. At ipinakita ang palad niyang namumula nga.

Natawa naman si Nykieh sa tinuran ni Yasmin para kasi itong bata, na nagsusumbong. Nakakagulat ang eksena kanina. Aaminin niyang nabigla siya sa ginawa ni Yasmin. Nakakatakot pala ito magalit, mukhang tigre.

Nagpahatid nalang si Yasmin kay Nykieh sa isang coffee shop na tinext sa kanya ni Volvo. Hindi naman kasi pwedeng hindi niya ito siputin dahil napakalaki ng atraso niya rito baka imbes na maawa pa sa kanya eh baka lalong maidemanda siya ng tuluyan. Nagpasalamat siya kay Nykieh bago bumaba ng kotse.

Medyo naiinip na si Kaye habang pasimpleng sinisipat ang relo niya sa bisig. Nagaalala siya na baka hindi na dumating yong nakabangga sa kanya. Parang gusto niyang magsisi na tinawagan pa niya ito. Tatayo na sana siya nang mapatingin sa gawi ng entrance at nakita niyang pumasok mula roon ang babaeng nagwasak ng Volvo niya. Natigilan siya hindi maipagkakailang kahawig nga nito si Yassi. Bumibilis ang tibok ng puso niya.

"Mr. Volvo, sorry nalate ako, may meeting at gyera kasi akong dinaanan! " sabi ni Yassi sabay upo sa harapan ni Kaye.

"You're late.. " ani Kaye.

" I always will.. " wala sa loob na sabi ni Yasmin.

"Hindi Volvo ang pangalan ko" seryosong sabi ni Kaye. Mataman namang napatingin si Yasmin sa kanya at ngayon lang niya napansin ang gwapong mukha nito. Napatitig siya ng matagal sa kaharap. Hindi alam ng dalaga kung gaano siya katagal na napatitig dito.

" Bakit mo ba ako pinapunta dito? Sisingilin mo na ba ako?" pagkuway naitanong ni Yasmin. Gusto na niyang makauwi dahil sobrang sakit ng pakiramdam sa puso niya gawa ng nangyari kanina. Masakit pa rin kasi sa loob niya na pagkatapos ng dalawang taong relasyon nila ay lolokohin lang pala siya nito.

Ipinatong ni Kaye sa mesa ang folder at kunot-noo naman itong tinanggap ni Yasmin at pinasadahan ng basa ang nilalaman non.

"Contract? " sabi ni Yasmin at napatingin ng diretso kay Kaye.

"Pwede mong basahin"

Binuksan muli ni Yasmin ang folder at binasa ang kontratang nakasaad doon. Nakasaad sa kontrata na kailangan mabayaran niya ang kotse sa loob ng isang linggo.

"Isang linggo lang talaga, napakalupit mo ha? Alam mo sa totoo lang hindi ko talaga kayang bayaran ang kotse mo, pero ayoko naman makulong pwede bang pagbayarin mo nalang ako sa ibang paraan?"

Iyon nalang ang tanging naimungkahi ni Yasmin. Kung sana man lang kasi kahit isang taon man lang sana na palugit para makaipon siya ng pera upang maipundar ang pambili ng bagong kotse nito.

Napatingin naman si Kaye kay Yasmin. Ang lungkot ng mukha nito at para bang maiiyak na.Nakaramdam siya ng awa sa panggigipit dito. Hindi naman talaga niya pababayaran ang sasakyan, tinatakot lamang niya ito. Pero hindi niya akalain na sobrang naistress na ata niya ang dalaga. Magsasalita pa sana si Kaye nang bigla nalang umiyak si Yasmin. Napabuntong-hininga siya. "Nagdrama pa talaga? "

" Sige na, pagiisipan ko muna kung paano kita pagbabayarin sa ibang paraan, hwag ka na umiyak.. " sabi ni Kaye. Ayaw niya kasi ng may umiiyak na babae sa harap niya.

"Talaga ba?."

"Basta hwag mo na akong tatawaging Volvo, dahil hindi Volvo ang pangalan ko"

"Sino ka ba? " humihikbi pa rin na sabi ni Yasmin. Hindi naman maintindihan ni Kaye kung bakit umiiyak pa rin ito. Gayong ibinigay na nga niya ang pabor para dito.

Magsasalita ulit sana siya nang bigla nalang lumakas ang iyak ng babae, mukhang ayaw magpaawat.

"Bakit ka ba umiiyak?" tanong ulit ni Kaye. Pero hindi na ito sumagot. Kaya naman inabutan nalang niya ito ng panyo na hinugot niya mula sa bulsa ng slacks niya. Tinanggap naman iyon ni Yasmin, at akmang ipupunas na sa luha niya nang matigilan at tiningnan ng mabuti ang panyo.

"Teka, malinis ba to? baka siningahan mo na ito ng sipon mo.?" humihikbi na sabi ni Yasmin.

"Malinis yan" simpleng sagot ni Kaye. Biglang nagbago ang mood niya may naalala kasi siya. At bigla nakaramdam ulit siya ng lungkot nang maalala si Yassi. Madalas din kasi noon na ipahiram niya ang kanyang panyo sa pinakamamahal niyang babae.

Itinuloy naman ni Yasmin ang pagpunas nang macheck ng mabuti na malinis ang panyo. Nadala na kasi siya sa kapatid niyang si Jhema madalas pinagtitripan ang mga gamit niya na katulad ng panyo.At kapag nagamit na niya ay may kung anong malagkit na likidong dumikit sa mukha niya. Nakakadiri. Nang matapos magpunas ay ibinulsa niya ang panyo.

"Miss, yung panyo ko, pakibalik naman.. " sabi ni Kaye.Nakita niya kasi kung paano ibinulsa ng babae ang panyo.

Humihikbi naman na dinukot muli ni Yasmin ang panyo at iniabot sa kaharap. "Hmmp! para panyo lang? kuripot!"

"Ako nga pala si Yasmin" sabay lahad ng mga kamay kay Kaye.

"Kaye. " tinanggap naman ni Kaye ang pakikipagkamay nito. Nabigla man dahil halos magkatunog ang pangalan nila ni Yassi. Yasmin. Yassi. Napailing nalang si Kaye, paanoy tuluyan na muling nilamon ang lungkot ang puso niya.

------------------------------------------------------

hi guy's!!! ngayon lang nakapag-update, hehe may tinapos na work-work ang Lola nyo! hehe

Anyways, thank you for reading and voting for my story.

bayo_toopsie

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 24.3K 56
just for fun
5.4K 140 65
THIS IS A MIKAIAH STORY HOPE YOU ALL LIKE IT! this is a fanfiction only!!!!
2.9K 368 23
A 19 year old girl Adeline grew up in her non biological mother when she gone missing when she was 2 years old. She was a adopted by one of the famou...