FALL FOR YOU ( KAYE CAL)

By bayo_toopsie

71K 4K 1K

Falling inlove is never easy. Lalo na kung mahuhulog ang loob mo sa isang taong kinaiinisan mo ng buong buhay... More

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Fall For You ( Book Two)
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Pasasalamat

Chapter 47

795 52 14
By bayo_toopsie

😊😊😊😊

Pagkababa ni Yasmin sa kotse niya ay agad siyang pumasok sa restaurant kung saan sila magkikita ni Mr. Lao. Sobrang stress ng hitsura niya at nagulo na rin ang buhok niyang ayos na ayos kanina bago ang aksidente.

Habang naglalakad papasok ay tinext niya ang kaibigang si Jhane, paano'y wala siyang picture ng Mr. Lao na yon. At aaminin niyang hindi siya nagrevise bago siya umalis ng bahay at makipagkita rito.

Pagkapasok sa loob ay wala sa loob niyang naupo siya sa isang silya, ni hindi niya napansin kung may nakaupo doon. Abala ang isip niya sa pagtetext at balak din niyang magretouch dahil Hagardo Versosa na ang itsura niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis ang inis niya sa lalaki kanina. Dahil dun sumulak ang dugo niya. Napakayabang! Volvohin kong mukha niya! Asar na sambit pa niya.

"Excuse me..? " untag ni Nykieh sa babae, na labis niyang ikinagulat na bigla nalang itong naupo sa harap niya. Nagkataon namang magisa lang siya sa table dahil ang kameeting niyang taga Lifestyle Magazine ay hindi pa dumadating.

Humarap naman si Yasmin sa taong biglang nagsalita at inabala ang pagmomonologue niya. Tiningnan niya ito.

"Naranasan mo na ba ang pinakamalas na araw mo? " tanong niya rito, mataman lang itong nakatingin sa kanya ..."haynaku! Alam mo yung nakipagbreak sayo yung boyfriend mo ng walang dahilan! Tapos naaksidente ka pa! Tapos nakameet ka pa ng lalaking ubod ng yabang dahil Volvo raw ang kotse niya! Tapos pagbabayarin pa niya ko doon sa nasira ko! Tapos ngayon eto, late na ako sa meeting ko! At ganito na ang itsura ko!.. para ng tanga!..haaaay!!!! " inis na litanya ni Yasmin.

Natigilan naman si Nykieh sa mga pinagsasabi ng babae. Anong pakialam ko!  Sa loob-loob niya. Ibinaba niya ang hawak na librong binabasa at hinarap ang babae.

"Excuse me lang Miss, ha, pero may inaantay kasi akong kameeting, at okupado ko ang mesang to! " madiing sabi ni Nykieh.

Para namang natauhan si Yasmin sa narinig. Inilinga niya ang paningin sa paligid. Napatingin sa gawi niya ang iba pang taong naroon sa restaurant.Napalakas ata ang boses niya at bukod don malakas din ang pagkakasalita ng lalaking kaharap niya. Hay! Oo nga, jusko! Sorry! Hehe! Natatawang sabi sa sarili.

"Naku, sorry po.. akala ko po kasi walang tao dito. " aniya at tumayo na bitbit ang dala-dala niyang mga folders. Lumipat siya sa kabilang mesa.At sinulyapan ang lalaki na mataman ding nakatingin sa kanya. Ang gwapo naman! Nakangiti siyang palihim.Gusto niya talaga ang mga lalaking long hair.

Maya-maya lang ay tumunog ang ringtone ng phone ni Yasmin. Sa lakas ng volume non ay napalingon ang iba pang costumer sa gawi na naman niya. Habang hinahanap ng dalaga sa mga gamit niya ang cellphone. Natataranta na siya dahil hindi niya makita pero naririnig niyang tumutunog. Nakakahiya na! Nasan na ba yon?!  Bulong niya sa sarili.

Napadako ang tingin niya sa kabilang mesa. Nanlaki ang mga mata niyang naroon sa table ng lalaking longhair ang cellphone niya. Naiwan niya pala roon. Habang parang naiinis naman ang lalaking nakatingin sa kanya. Dahan-dahan siyang lumapit doon at kinuha ang cellphone niyang pilit ang ngiti.

"....sorry po ulit... " aniya.

Umirap naman si Nykieh. Abala! Aniya. Paano naman nakakatawa ang ringtone ng phone niya. Isa sa mga kanta ng Aegis na Basang-basa sa Ulan. Sobrang lakas pa ng volume hindi na nahiya. Sabi pa niya sa loob niya.

"Hello! Jhane?!  Kakarating ko nga lang, jusko ang dami kasing nangyari sa kin mga kamalasan bago ako nakarating dito! Haaay! Mahabang kwento! " sagot ni Yasmin sa tawag.

"Naku, baliw ka talaga, hindi ka pa nagrevise bago ka pumunta dyan! Bukod don, kanina pa naghihintay sayo si Mr. Lao, isang oras ka ng late, girl! Umuusok na ang ilong ni Chief!

"O dali na kasi isend mo na sa akin yung picture ni Mr.Lao,hanapin ko nalang siya dito! Malay mo hindi pa siya nakakaalis! "

"Ok sige, wait mo ha! Goodluck! "

Napalingon naman si Nykieh sa kabilang mesa nang marinig ang sinabi ng babae na "Mr. Lao".Napatingin siya dito habang may kausap sa phone. Napangisi siya. Humanda talaga tong babaeng ito, kung eto man ang magiinterview sa kanya.

Narecieve na ni Yasmin ang isenend ni Jhane. Dali dali niya itong inopen at napanganga siya ng makita ang taong nasa picture na bumalandra sa screen ng cellphone niya. Napanganga siya. At napatda.

Sabay napatingin  siya sa kabilang table. Habang ang lalaking naroon ay abala sa pagbabasa ng libro.Mali pala ang mga imahinasyon niya kanina about kay Mr. Lao, hindi pala ito ubanin at uugod-ugod na. Dahil napakabata pa nito tingnan at napakagwapo, pa. Dali-dali siyang tumayo. Bigla ay nakalimutan na niya ang sarili na ayusin. Lumapit siya sa kabilang table, at nakangiting kinuha ang atensyon nito na seryoso sa pagbabasa.

" Ah,eh! Excuse me... " panimula niya.Nag-angat naman ng ulo si Nykieh,sabay ibinaba ang librong hawak. Humalukipkip siya at matamang nakatingin sa babae.

"..Yes? " ani Nykieh.

" Kasi kayo po pala si Mr. Lao ako po si Yasmin Sarmiento from Lifestyle Magazine.. Good day, po Mr. Lao! " sabay lahad ng palad niya kay Nykieh. Ngunit hindi iyon tinanggap ni Nykieh. Tumayo siya sa kinauupuan.

"Isang oras mo akong pinaghintay Ms. Sarmiento mabuti nalang at may dumating na iba ko pang kameeting kaya hindi na rin nasayang ang oras ko,,anyway hindi na ako magpapainterview.. " ani Nykieh, inayos niya ang suot niyang suit bago humakbang palabas ng exit ng restaurant.

Nataranta naman si Yasmin at hinabol ito. Hindi pwedeng mangyari to. Aaminin niyang kasalanan niya.Pero everybody deserves a chance.

"Mr. Lao, sorry po talaga! May nangyari lang po talaga,, hindi po sinasadya.. Please kailangan ko po talaga kayong mainterview ngayon! Please... " ani Yasmin habang nakasunod kay Nykieh.Naglalakad na sila papuntang parking lot.Anuman ang sinasabi niya ay hindi nito pinapakinggan patuloy lang ito sa paglalakad hanggang nakarating sila sa sasakyan nito. Pagkuway sumakay sa kotse.

"Mr. Lao! Sandali! Parang awa niyo na, o! Painterview na po kayo sa akin, kayo nalang po ang pag-asa ko, kundi matatanggal na ko sa trabaho!" pagsusumamo ni Yasmin. Tiningnan lang siya nito at pinaandar na ang kotse. Hindi na niya alam ang susunod na gagawin kaya naman ang ginawa niya ay humarang siya sa daraanan nito na nakadipa pa ang mga braso.

Tumigil naman si Nykieh sa balak niyang pagdrive at inilabas ang ulo sa bintanan.

"Umalis ka dyan! Hwag kang humarang dyan! " asik niya kay Yasmin. Ngunit si Yasmin ay hindi pa rin umalis sa harapan ng kotse niya bagkos ay humiga pa ito roon. Humiga siya sa semento. Bahala na! Sa loob-loob niya.

"Hindi ako aalis ditoHanggat hindi ka nagpapainterview! Sagasaan mo nalang ako! Bahala ka! " sigaw ni Yasmin.

Natatawa si Nykieh sa ginagawa ni Yasmin. Kaya naman kahit naiinis ay bumaba siyang muli ng kotse at ngayoy nakita niya ang babaeng nakahiga sa semento at nakaharang sa daraanan niya. Sinipa niya ng bahagya ang paa nito.

" Yan ba talaga ang gusto mo! Sige pagbibigyan kita! " nakangiting saad ni Nykieh at bumalik na sa kotse.

Natigilan naman si Yasmin at napatayo bigla sa pagkakahiga.
At talaga namang sasagasaan niya ako!!  Gigil na sabi niya.

"Mr. Lao, sorry na o! " katok niya sa bintana nito.

Bumukas naman iyon at bumangad ang mukha ni Nykieh Lao na nakangiti.

" Magpasagasa ka muna, pwede! " sabi nito.

"Ha? Paano kita maiinterview kung sasagasaan mo ko! Baliw ka pala, eh! " nakairap na sabi ni Yasmin.

"Sorry, dahil late ka na dumating bukas nalang ulit natin iset ang interview,, see you tomorrow sa restaurant pa rin na ito! " sabi ni Nykieh. Sabay pinatakbo na ang sasakyan. Naiwan si Yasmin sa parking lot na parang maiiyak.

Hindi nalang siguro siya babalik ng opisina hanggat hindi niya nagagawa ang assignment niya kay Mr. Lao. Kasalanan rin naman niya talaga kung bakit nawalan na ito ng ganang magpainterview. Kasi naman isang oras siyang late.

"Haay! Tatanga-tanga ka kasi!!"  sabi niya na bahagya pang binatukan ang sarili. Sabay nagpagpag siya ng dumi sa katawan. Sayang naman yung effort niyang paghiga sa semento. Pero di bale bukas ulit. Kailangan bukas aagahan na niya.

------------------------------------------------------

thank you for reading beautiful readers! Have a beautiful day ahead 😍.

If you like this chapter, please consider giving it a vote. Thank you.

bayo_toopsie

Continue Reading

You'll Also Like

814K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
175K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
9.3K 286 18
AshMatt fanfic
1.1K 271 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...