My Dream Gay

By xtraordinaryjne

120K 3.9K 301

Andrei Joanna Suarez dreaming to have a prince charming,a dream boy sabi ng iba.Pero pano kung ang prince cha... More

Foreword
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
MDG: Character's Profile 1
MDG: Character's Profile 2
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Special Chapter

Epilogue

3K 85 4
By xtraordinaryjne



"Dios ko!! Asan na ba ang batang yun?"

Natatarantang wika ni nay ely habang nagpalakad-lakad sa may sala. Nakaupo naman sa may sofa ang asawa nya na tinitingnan sya habang natataranta.

"Kumalma ka nga muna mahal."

Wika naman ni tay ernie. Tumayo sya at nilapitan nya ang kanyang asawa at pilit itong pinauupo.

---

Flashback....

"Andrei... Bakit?"

Humihikbing usal ni AJ habang nakalupage sa sahig sa loob ng resthouse.

Nagkatingin lang sa kanya ang magasawa.

"Iha.. Saan ka pupunta?"

Takang tanong ni nay ely ng biglang tumayo si AJ at nagtatakbo palabas ng bahay. Sa bilis ng takbo nito ay hindi na nila ito nasubukang sundan pa. Bigla ding bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng pagtakbo ni AJ sa labas.

"Iha..." Mahinang untag ni nay ely. Napahawak pa sya ng mahigpit sa braso ng kanyang asawa.

End...

---

"Andrei!!!"

Sigaw ni AJ habang tumatakbo. Malakas ang ulan at basang-basa na sya. Binabagtas nya ang kalsada. Patuloy lang syang tumatakbo. Naaagaw na din nya ang atensyon ng mga taong nakasakay sa jip na dumadaan.

"Andrei!!.... Asan ka ba kasi!!!..." Buong lakas na sinabi nya. Nagpatuloy sya sa pagtakbo at di nya napansin ang isang bato sa dadaanan nya. Nadapa sya dahil doon. " Ouch!!" Daing nya.

Binubusinahan sya ng ibang sasakyan na dumadaan dahil nasa may kalsada sya. Malapit na sya mahagip ng mga ito.

Umayos ng upo si AJ sa kalsada at tiningnan nya ang tuhod nya. Nakita nyang may galos ito at dumudugo. Dahan-dahan nyang pinunasan ang tuhod nya. Napapangiwi pa sya dahil sa hapdi.

Nang makabawi ng lakas ay pilit tumayo si AJ. Iika-ika syang naglakad at pinagpatuloy pa din ang pagtawag sa pangalan ni Andrei.

Sa paglalakad ni AJ. Nakarating sya sa isang maliit na parke. Naupo sya sa isang upuang bato na katabi lang ng isang matandang puno.

"Andrei........ Alam mo bang mahal na mahal kita?"

Muling sumabay ang luha ni AJ sa malakas na ulan matapos nyang sabihin yun. Naiyuko din nya ang ulo nya at tinakpan nya din ito ng kanyang mga kamay.

"Oo....... "

Biglang huminto sa pagtibok ang puso ni AJ ng madinig nya yun. Dahan-dahan nyang iniangat ang ulo nya. Di sya nakagalaw ng makita nya sa harapan ang hinahanap nya.

"Oo.... Alam kong mahal na mahal mo ako.... Mas napatunayan ko yun ngayon."

Wika ni Andrei habang nakatayo sa harapan ni AJ at nakatitig lang sa mga mata nito.

"Alam mo din ba na.... mahal na ma---"

Di natapos ni Andrei ang sinasabi nya ng biglang tumayo si AJ at hinalikan sya.

"Oo.... Alam na alam ko yun.."

Wika pa ni AJ ng humiwalay sya sa halik.

"Mahal na mahal kita.. Bakla."

Dugtong pa nya habang nakakawit ang kamay sa batok ni Andrei at nakangiti ng malawak.

"Anong bakla?.... Hin---" Muling binigyan ni AJ ng halik si Andrei.

"Shut up.... Alam ko po..." Nakangiting saad pa ni AJ. Idinikit nya ang noo nya sa noo ni Andrei.

"I love you Andrei..."

"I love you too Joanna... " Ngumiti sya. "Forever...."

Palitan nila ng salita habang magkalapat pa din ang noo sa isa't-isa. Di na nila alintana ang malakas na ulan. Sila na lang ang andun sa park. Habang bumubuhos ang malakas na ulan.

"Mahal na mahal kita... Huwag mo na ako iiwan ulit.. Ha?"

Saad ni AJ ng yakapin naman nya ito.

"Never ever..."

Sagot naman ni Andrei ng gantihan nya din  ng yakap si AJ.

---

"Dios miyo corazon!!..... Basang-basa kayo!!"

Malakas na saad ni nay Ely ng makita nyang pumasok si Andrei at AJ sa bahay na puyog na puyog. Napatingin naman si Andrei at AJ sa isa't-isa at sabay na ngumiti.

" Nay. Relax..... We're fine."

Nakangiting saad ni Andrei. Humiwalay sya sa pagkakaakbay kay AJ at nilapitan nya si Nay Ely at ito naman ang inakbayan.

"Okay lang po kami."

Saad pa nya. Napatingin naman si Nay ely dito at kay AJ.

"Naku!! Kayong mga bata kayo... Ang gugulo nyo.." Saad ni Nay Ely ng umalis sa akbay ni Andrei. Naglakad sya papunta sa may kusina.
"Sige na... Maligo at magpalit kayo ng tuyong damit sa taas.... Ipagluluto ko kayo ng mainit na sabaw.."

Wika pa nya habang naglalakad. Napabungis-ngis naman ang dalawa.

" Tara na?"

Abot tengang ngiti ni Andrei kay AJ. Inilahad pa nya ang kamay sa harapan nito. Nakangiti naman inabot iyon ni AJ at sabay silang umakyat sa hagdan.

"Joanna...."

Tawag pa ni Andrei habang umaakyat sila ng hagdan. Nilingon naman ito ni AJ. " Bakit?"

"Gusto mo sabay tayo maligo?"

Itinaas baba pa ni Andrei ang kilay nya habang nakangiti dito ng malawak.l. Nagsalubong naman ang kilay ni AJ at kasabay noon ay humiwalay sya sa hawak ni Andrei.

"Bastos!!.." Malakas na saad pa nya.

"Aww!!.."

Daing naman ni Andrei ng  batukan sya ni AJ. Naunang naglakad si AJ. Iniwan nya si Andrei na abala sa paghimas sa ulo.

" Hey!! I'm just kidding...."

"Tse!! Dyan ka na... Sa baba ka maligo!!"

Nagpatuloy si AJ sa paglakad. Nakasunod naman si Andrei sa kanya.

Dire-diretsong pumasok si AJ sa kwarto ni Andrei at mabilis na isinara ang pinto.

"Oy!! Open this door!!...." Protesta ni Andrei habang patuloy na kumakatok sa pinto. Nakasandal naman si AJ doon at napapangiti na lang.

"Ewan ko sayo!! Bakla ka!!"

Malakas na saad nito. Pinipigilan din nya ang paglabas ng tawa sa bibig nya..

"Sige na!! Dyan ka na... Maligo na ako."

Bago humakbang paalis sa pinto ay inalis nya muna ang luck ng pinto. Pagkatapos noon ay mabilis syang naglakad palapit sa  pinto ng banyo.

Habang nasa loob ng banyo si AJ ay pinili na lang ni Andrei na gamitin ang banyo sa kabilang kwarto.

Sa paglabas ni AJ sa banyo ay di nya inaasahan na nakaupo si Andrei sa may kama. Nanlaki pa ang mga mata nya at napahawak sya ng mahigpit sa roba na nakatakip sa katawan nya. Wala syang suot sa loob dahil nabasa din ng ulan.

Napalunok pa ng laway si AJ. Nang makita nyang parang hinahagod ng mga mata ni Andrei ang katawan nya.

"W--what are you doing here?"

Hirap na saad ni AJ. Tumayo naman si Andrei mula sa kama at ngingiti-ngiting nilapitan si AJ.

"Anong?...... " Naguguluhan na tanong nya. Nakailang lunok din sya ng laway. "Waaaahhhhhh!!! Lumayo ka sa akin!!" Pagwawala ni AJ ng tuluyan ng makalapit si Andrei sa kanya at hawakan ang dalawang balikat nya. Naipikit pa nya ng madiin ang mata nya. Hinigpitan nya din ang hawak nya sa robang suot nya.

"Hey... What are you thinking?"  Nakangiting tanong. Inilapit pa nya ang mukha nya sa mukha ni AJ at pinagmasdang mabuti ito. Nanatili lang na nakapikit si AJ kaya di nya nakikita ang malawak na ngiti ni Andrei sa kanya.

"Open your eyes..." Utos nito ng di pa din minumulat ni AJ ang kanyang mata. Napangiti naman sya ng makitang dahan-dahang binubukas ni AJ ang kanyang mata.

"Ano ba iniisip mo dyan?.. Ang cute mo talaga.." Nakangiting pinisil ni Andrei ang ilong ni AJ. Napangiwi naman si AJ dahil doon.

"Ano ba?!" Inis na lumayo si AJ at nagpunta sa may kama.

"Ano to?"

Taas kilay na tanong ni AJ ng makita nya ang underwear at ternong damit na nakalatag sa kama.

"Baka... Sapatos?"

Biro ni Andrei ng lumapit sya dito. Nakakunot noong tiningnan ito ni AJ. "Seryoso ako..."

"Ano ba sa tingin mo yang mga yan?"

Wika naman ni Andrei ng umupo sa kama katabi ng damit.

"Saan nga galing?.... " Tanong pa ni AJ ng kunin nya ang undies na kulay pink. Tinitigan nya yun. "Wag mong sabihing??" Nakangiting nakakaloko si AJ ng tingnan nya si Andrei. Tinaas baba pa nya ang kilay nya.

"Shut up Joanna.... Di ko nagugustuhan ang nasa isip mo.."

Seryosong saad ni Andrei. Inis syang tumayo sa kama at naglakad papunta sa may pinto.

"Sige na.... Magbihis ka na. Intayin kita sa baba."

Saad pa nya ng mahawakan na nya ang doorknob ng pinto. Napangiti ng palihim si AJ dahil sa inasal ni Andrei.

Mukhang.. Tuwid na ang bakla..

Napangiti si AJ ng maisip na yun.

Agad na nagbihis si AJ ng makalabas si Andrei sa kwarto. Isang puting tee shirt at itim na short yun.

Sinuklay lang ni AJ ang buhok nya at saka lumabas ng kwarto.

"Oh... Ubusin nyo yang sopas na niluto ko para mainitan ang nga sikmura nyo."

Wika ni Nay ely ng ilapag nya ang malaking bowl na may lamang sopas sa may lamesa. Agad namang inabot ni Andrei ang sandok at pinagsandok si AJ ng sopas.

"Sya sige.. Iwanan ko muna kayo at may gagawin pa ako sa likod."

Paalam ni Nay Ely sa mga ito. Nagpatuloy lang sina Andrei at AJ sa pagubos ng sopas.

Habang abala si AJ sa pagkain ay di nya napapansin si Andrei na nakatingin sa kanya. Napapangiti pa si Andrei pagsumusubo na si AJ ng sopas.

"Ang ganda mo.."

Wala sa isip na saad ni Andrei. Napahinto naman si AJ sa pagkain at napatingin dito.

"Huh?"

Lutang na tanong ni AJ.

"Ang ganda ng mahal ko.. Sabi ko..."

Nakangiting saad ni Andrei. Inabot din nya ang kamay nito na nakapatong sa lamesa.

" Anong banat yan?.. Andrei Marquez?"

Tanong ni AJ habang nakataas ang gilid ng labi nya. Napakunot naman ng noo si Andrei at napanguso pa.

"Banat ng pagmamahal...."

Wika ni Andrei dito. Tumawa pq sya ng malakas.

"Ewan ko sayo...."

Iiling-iling na saad naman ni AJ bago pinagpatuloy ang kanyang pagkain. Maging si Andrei ay sinaid na din ang sopas na nasa kanyang mangkok.

"Andrei...."

Tawag ni AJ habang kinakawkaw ng paa nya ang tubig sa may swimming pool. Sa swimming pool sila nagdiretso matapos nilang ubusin ang sopas.

Nagangat na ng ulo si AJ at napatingin sa katabi nya.

"What?.."

Maikling tanong naman ni Andrei dito. Naibaba naman muli ni AJ ang ulo nya. Sa tubig na lang nya itinuon ang paningin nya.

" Pano mo nalaman na andun ako sa park kanina.... Akala ko....."

Napahinto si AJ sa paglalaro sa tubig. "Akala ko umalis ka na...." Wika nya ng tumingin sya sa mga mata ni Andrei.

Napangiti naman si Andrei. Itinunghay ni Andrei ang ulo nya at pinagmasdan nya ang mga bituin sa langit.

"Bumalik ako.. Feeling ko kasi may naiwan ako sa resthouse..."

Matapos sabihin yun ay tiningnan nya si AJ sa mata. "Ikaw pala ang naiwan ko kaya nagbalik ako."

Ngumiti si Andrei dito ng maalala nya ang nangyari ng bumalik sya sa resthouse.

---

Flashback...

"Nay.... May naiwan akong---"

Bungad agad ni Andrei kay nay ely ng makabalik sya sa resthouse.. Taranta namang nilapitan ni Nay Ely ito.

"Andrei... Iho.. Si.... Si... Iha.."

Napataas ng kilay si Andrei dahil sa di nya maunawaan ang sinasabi nito.

"Sino pong iha? Nay?.."

Tanong pa nito sa matanda na nakahawak pa sa braso nya.

"Yung babae kanina...." Pilit inaalala ni Nay Ely ang pangalan ni Joanna.

"Mahal. Joanna. Si Mam Joanna."

Sabat naman ng asawa ni Nay Ely ng di nya maalala ang pangalan nito. Para namang naging estatwa si Andrei sa kinatatayuan nya. Di nya inaasahang maririnig nya yun.

"Anong pong nangyari?... Asan po sya?"

Nakaramdam ng tuwa si Andrei. Napahawak na din sya sa braso ng matanda dahil sa kasabikang malaman kung nasaan si AJ.

"Tumakbo palabas... Tinatawag ka." Sagot naman ni Nay Ely dito. "Naku!! Ang batang yun... Pinagaalala na nya ako... Wala syang tigil sa pagiyak." Dagdag pa ni Nay Ely. " Paulit-ulit na tinatawag ka iho.. Di ko alam kung anong nangyayari sa kanya."

Napalingon si Andrei sa labas. Binalot sya ng takot ng makita nyang madilim na at malakas pa ang ulan.

"Nay. Saglit lang po. Hahanapin ko lang po sya... Mahal na mahal ko yun."

Paalam ni Andrei. Tumakbo sya palabas at sinuong ang malakas na ulan. Habang tumatakbo pa sya ay isinisigaw nya ang pangalan ni AJ. Nagpalingon-lingon sya sa paligid.

" Joanna.. Asan ka na ba?"

Untag ni Andrei ng ituon nya ang dalawang kamay nya sa tuhod nya. Pagod na pagod na sya. At maging ang paghinga nya ay hinahabol na din nya.

"Saan ka na ba talaga?.." Untag pa ni Andrei sa utak nya

Nagpasya syang ituloy ang paghahanap ng magkapahinga sya. Sa pagangat ng ulo ni Andrei ay may natanaw sya sa di kalayuan.

"Joanna.."

Untag nya ng mamasdan ang likuran ni AJ. Hirap itong maglakad.

Lumapit ng kaunti si Andrei at napagpasyahang sundan na lang ito.

Tahimik na nakasunod si Andrei maging ng maupo si AJ sa isang upuan katabi ng matandang puno sa may park.

Marahan syang lumapit dito at tumayo sa harapan nito. Nakayuko si AJ kaya di nya ito napapansin.

"Andrei....... Alam mo bang mahal na mahal kita?"

Dinig na dinig ni Andrei yun at halos lumabas sa kanyang dibdib ang kanyang puso dahil sa lakas ng tibok nito.

Nagkaroon ng pagasa si Andrei sa kanilang dalawa dahil gaya ng sabi nya maniniwala lang sya sa pag-asa pag nasa harapan na nya ang may hawak noon. At ngayon nga ay nasa harapan nya si AJ. Ang nagiisa nyang pag-asa.

End.....

---

"Kamusta ang tuhod mo?"

Alalang tanong ni Andrei ng mapatingin sya sa tuhod ni AJ na may sugat. Maging si AJ ay napatingin doon.

"Mahapdi pero okay na naman sya."

Wika pa ni AJ ng pinagpatuloy na nya ang pagkawkaw ng paa nya sa tubig ng pool. Abala naman si Andrei sa pagtitig sa mukha ni AJ.

"Joanna....."

Untag pa nya habang di kinakalas ang titig dito. Nakangiting nilingon ito ni AJ.

"I'm sorry......." Sinserong untag nito. Dinala pa nya ang kaliwang kamay nya sa pisngi ni AJ. "And thank you.."

Ngumiti si AJ ng madinig yun. Hinawakan pa nya ang kamay ni Andrei na nasa pisngi nya.

"Will you be my girlfriend?... For real?.."

Tila di nakahinga si AJ dahil sa narinig nya. Napako lang ang mata nya sa mata ni Andrei.

"Andrei?.."

Yun lang ang nasabi ni AJ dito. Napangiti naman si Andrei. Tumayo sya at inalalayan din nya si AJ na tumayo. Nagtataka man ay sumunod na din ito. Hinawakan nya ang kamay ni Andrei at dahan-dahan syang tumayo.

Magkaharapan sila sa isa't-isa. Hawak pa ni Andrei ang dalawang kamay ni AJ ng kanyang dalawang kamay.

"Joanna... Sa pagkakataong ito, gusto na kitang tawaging akin.... Papayag ka ba?"

Hinging permiso nito. Hinigpitan pa nya ang hawak nya sa kamay ni AJ. Di naman napigilan ni AJ na pangilidan ng luha.

"Pwede ba?..."

Ulit pa ni Andrei dito. Binitawan nya ang kanang kamay ni AJ at dinala nya ang kamay nya sa may baba ni AJ at pilit nyang pinatingin ito sa kanya.

"Maaari ba?..." Pagtatanong nya muli.

Kinuha ni AJ ang kamay ni Andrei na nakahawak sa baba nya at hinawakan nya ito ng mahigpit.

"Of course... Yes..."

Sumilay sa mukha ni Andrei ang saya ng marinig yun. Hinigit nya bigla si AJ at agad na ginawaran nya ng isang mahigpit na yakap. "Salamat. Thank you."

"I love you so much..... My dream."

Masayang wika pa ni Andrei. Napataas naman ng kilay si AJ dahil sa narinig. Napakalas pa sya sa yakap.

"My  Dream?"

Ulit nito sa huling sinabi ni Andrei.

"My Dream.. Ikaw pala ang pangarap ko. Ang pinapangarap ko.." Sinserong  saad ni Andrei. Hinaplos pa nya ang pisngi nito gamit ang kanan nyang kamay.

"From now on... Dream na itatawag ko sayo." Dagdag pa ni Andrei.

Dinala din nya ang kaliwang kamay nya sa pisngi nito.

"Your my Dream... And I love you.... I love you my dream."

Malambing na saad ni Andrei. Inilapit pa nya ang mukha nya dito at binigyan nya ito ng halik sa labi.

Naipikit naman ni AJ ang mga mata nya at dinama lang nya ang labi ni Andrei na nasa labi nya.

Sa panahong magkaibigan tayo at magkasama. Di ko akalain na ikaw pala ang nakatadhana. Masaya akong ika'y aking kasama. Kahit nung unang tagilid ka pa. Nung unang bakla ka pa. Di ko inaasahan na ikaw pala. Ikaw ang pangarap na makasama ng puso kong sayo pala talaga.

I love you too my Andrei.....

"My Dream Gay...."

********************

The End

(A/N)....

Thanks everyone for supporting MDG kahit moody ang author. Haha. Napagtyagaan nyo pa din. Maraming salamat guys.

Hope. Like nyo pa din ang ending kahit papano..

God bless. Till next story ko. Sana mabasa nyo po ang iba ko pang story. Give me a chance pa po. Tnx!!

I have two on-going stories:

*The Love Profile(1st person pov story)
Book2 of My Extra Profile

*Serious Innocent(3rd person pov story)
-It has a matured scenes not suitable for young readers. Matured na readers lang ang welcome magbasa.

P.S.

Prince 4 Series.

Kinneth story is the next. Soon.
(My Unconcious Man) Kung maiintay nyo sya:))

*************

Continue Reading

You'll Also Like

15.6K 262 183
Bible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verse...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
249K 6.7K 78
You're a girl And she is a boy with a girly heart She hates you And you hates her But what if the both of you are destined to each other? What if des...