FALL FOR YOU ( KAYE CAL)

By bayo_toopsie

71K 4K 1K

Falling inlove is never easy. Lalo na kung mahuhulog ang loob mo sa isang taong kinaiinisan mo ng buong buhay... More

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Fall For You ( Book Two)
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Pasasalamat

Chapter 46

991 48 15
By bayo_toopsie

😊😊😊😊

Nakatanaw si Kaye, sa harapan ng basag na bintana sa kwarto niya. Ilang taon na bang basag iyon at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya napapaayos. O sadyang wala siyang balak pang ipaayos iyon dahil ayaw niyang mawala ang alaala ng bintanang iyon na naiwan ni Yassi. Napabuntong-hininga si Kaye, kapagkuway napangiti habang nakasuksok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng slacks niya. Marami na ang nabago sa buhay niya, sa nakalipas na dalawang taon simula nang umalis sila Yassi at Sheena at nagpunta ng Germany. Paunti-unti nakakapagmove on na siya. Bukod pa don, medyo may nadagdag na sa karera niya. Ngayoy nakapagtayo na siya ng negosyo ng restaurant business habang ipinagpapatuloy pa rin ang singing career niya. Naisip niyang mahalagang may mainvest naman siya sa ipon niya bilang musician para may napupuntahan lahat ng pinaghirapan niya.

"Hey, hanggang ngayon ba hindi mo pa rin napapaayos yan?" si Nykieh Lao, ang nagsalita mula sa likuran ni Kaye. Bahagya pa nitong kinatok ang nakabukas na pintuan ng kwarto ni Kaye. Nilingon naman ito ni Kaye, at niyakap ang matalik na kaibigan at kasosyo sa negosyong itinayo nila.

"Pogi natin ngayon ah? May lakad ka? "

Tanong ni Kaye kay Nykieh. Nagkibit-balikat lang ang huli at mayabang na ngumiti. Sanay na si Kaye rito hindi naman ito mayabang sadyang pogi lang din.

"May interview ako sa isang lifestyle magazine,may kikitain akong writer/interviewer.."ani Nykieh.

"Wow, goodluck! Atlast malalagay ka na sa magazine,, malalaman na nila kung gaano ka katalino!! "dagdag naman ni Kaye.

Tumawa ng payak si Nykieh at bahagyang tinapik si Kaye. Isang Architect si Nykieh Lao, sa ibang bansa rin siya nakabase katulad ni Antoinette. Pero mukhang ayaw na niyang bumalik don at nagpatayo nalang ng bussiness. At ngayong araw ang interview niya para sa isang magazine. Ifefeature sa magazine ang pagiging successful niya sa larangang iyon at bukod don, bilang isang kabilang sa LGBT Community nakakaproud nga naman na hindi siya nagpadaig sa mga deskriminasyon ng mundo. Bagkus ay naging matagumpay at ngayo'y makakapagbukas na ng isang restaurant.Katulad din ni Kaye. Parehong successful sa kabila ng pagiging iba sa dapat na makita ng mga mata ng iba.

"Dinaanan lang kita, alam ko kasi na nagkukulong ka muna dito bago ka pumunta sa mga shows mo.. Aalis na ako.. "

Tumango si Kaye, at niyakap muli ang kaibigang si Nykieh.

"Goodluck best, ingat ka.. "

Lumabas na si Nykieh at naiwan muli si Kaye sa kwarto ng magisa. At bahagyang umusal.

"Yassi, kumusta ka na kaya? Miss na miss na kita. "

Noong mga unang taon ay madalas pa kumontak si Sheena sa kanya. Kaya nalalaman niya kung ano-ano ang mga nagyayari dito at mga pagbabagong progreso sa kalagayan nito. Ngunit nitong mga huling taon ay bigla nalang siya nawalan ng komunikasyon dito. Marahil naging abala sila at mukhang may nangyari na hindi na ibinalita pa sa kanya. Nakakalungkot isipin kahit na sina Sheena at Andrei ay nakalimutan na rin siya. Ngunit inisip nalang niya na baka may dahilan ang dalawa kung bakit hindi na nagkaroon pa ng komunikasyon sa kanya. Nagtagal pa si Kaye sa kwartong iyon na nakatanaw lang sa bintana, hindi siya nagsasawang gawin iyon sa nakalipas na mga taon. Pagkuway lumabas na rin sa kwarto at tinungo na ang kotse niya sa baba.

Samantala sa kabilang banda ay bumabyahe na si Yasmin papunta sa isang restaurant kung saan sila magkikita ni Nykieh Lao,isang sikat na Architect daw. Napalabi siya.Habang nagdadrive.Excited siya sa unang project niya na ito. Ito talaga ang gusto niyang gawin ang maginterview at isulat ang kwento ng tagumpay, kalungkutan man o kaligayahan.At nagkataong si Mr. Lao ang una niyang iinterviewhin kaya naman pagbubutihan niya ng maigi.Habang nagdadrive ay iniimagine niya ang magiging hitsura nito kapag nakita na niya. Dahil Arkitekto malamang medyo matanda na ang hitsura nito, may uban uban na, at medyo uugod-ugod na. Natawa pa siya ng bahagya ang mga imahinasyon niya. Base sa editor in chief nila, sikat daw ito sa ibang bansa sobrang successful at mga sikat na building lang naman ang nagawa na nito. Sa London, New York, Dubai, Saudi at kung saan-saan pa. Kaya naisip niya baka sobrang tanda na nito dahil sa dami na pala ng nakamit nitong karangalan. At ngayo'y magpapatayo na ng sariling restaurant,malamang sobrang yaman na nito. Naeexcite tuloy siya lalo. Naisipan niyang praktisin ang sasabihin niya kapag kaharap na ito.

"Good afternoon Mr. Lao,, nice to meet you I'm Yasmin Sarmiento from Lifestyle Magazine ------- " napatigil sa pagsasalita ang dalaga nang magring ang phone niya. Message galing sa boyfriend niyang si Terrence. Excited siyang inopen ang message kahit na nagdadrive. Iba talaga ang epekto ni Terrence sa kanya kahit na ano pa ang ginagawa niya ay uunahin niya talaga ang binata. Ganon niya ito kamahal.

am breaking up with you..sorry..

Nawala ang mga ngiti ni Yasmin. Ano daw? Breaking up with me? Ano to joke?! Kahapon lang ang sweet nila tapos ngayon break up na agad-agad. At ano naman ang sinabi ng dalawang taon nilang relasyon, ano yon tapon nalang? Nanggigil na denial ang number ng kasintahan.

"Anong problema non, nababaliw na naman!!!! " wika ng dalaga. Habang pasimpleng pinipindot ang mga numero ng tatawagan habang pahapyaw na tumitingin sa kalsada. At sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nalaglag ang phone niya sa kamay at dumiretso ito sa ilalim ng upuan.

"Naman! Badtrip naman, o!! Kung kailan naman nanggigil ka na mang-away no!saka pa..!

Tagumpay naman na naabot niya ang cellphone kaya lang nang magangat siya ng ulo ay napasigaw nalang siya ng malakas sa gulat.

Masayang sinasabayan ni Kaye, ang tugtog sa player sa kotse niya habang nagdadrive nang may makita siyang lubos na gumulat sa kanya. Isang kotse ang pasalubong sa kanya. Natarantang umiwas siya doon. Ngunit sa kabila ng mga pagiwas niya ay bumangga pa rin ang kotse na kasalubong sa tagiliran ng bagong bili niyang biling Volvo na sobrang tagal niyang pinag-ipunan.Pakiramdam niya pati kaluluwa niya ay naalog sa lakas ng impact ng pagkakabundol sa sasakyan niya. Pinakiramdaman niya ang sarili nang mahimasmasan siya. Mabuti na lamang at wala siyang sugat o galos man lang, dahil may show siyang pupuntahan. Mabuti nalang din at nakapagseatbelt siya, kundi malamang duguan na ngayon ang ulo niya. Agad siyang bumaba ng sasakyan. Pakiramdm niya ay para bang nagaapoy ang init ng ulo niya lalo na nang makita ang gasgas ng kotse niya. Nakita niyang bumaba ang driver at nagulat siya na babae pala ito. Ganunpaman ay hindi pa rin kumalma ang pakiramdam niya.

"Hey! Look at my wrecked car! Ano ka ba? Lasing ka ba?! " inis na bulyaw ni Kaye sa babae. Pero lalo siyang nainis na nakapameywang pa itong humarap sa kanya.

"It was an accident! "nakasigaw din na sabi ng babae.

"Oh yes an accident that waiting to happen because you imagined you could drive! "
pasigaw rin na sabi ni Kaye. Napataas ang kilay ni Yasmin sa kaharap. Parang nakita na niya ito eh hindi lang niya matandaan dahil abala ang isip niya kay Terrence at sa interview niya kay Mr. Lao.

"I'm a good driver, aksidente nga di ba? Saka isa pa, racer kaya ako dati, kaya marunong akong magdrive,kaya hwag mong sasabihin sa akin na hindi ako good driver!! "

"A good driver wouldn't do anything like this! " ani Kaye habang itinuturo sa babae ang damage ng sasakyan"...at ano racer ka kamo?kaya pala, kaskasero ka! " Tumawa pa ng nakakaloko si Kaye na alam niyang ikinairita ng babae habang nanglalaki ang mga matang napatingin sa sira ng kotse. Natigilan sila pareho nang may lumapit sa kanilang police. Nataranta naman si Yasmin. Pag minamalas ka nga naman! " sa loob-loob niya.

"I want to file charges. She almost killed me! " ani Kaye, habang dinuduro si Yasmin. Inirapan naman ng dalaga si Kaye, at parang maamong tupa na humarap sa police.

"Oh c'mon we can settle it here, willing naman ako magbayad. Im really sorry talaga Mr.? " hingi ng paumanhin ni Yassi, baka sakaling makalusot. Hindi pwedeng magtagal pa siya dito dahil naghihintay sa kanya si Mr. Lao at ayaw niyang malate. Not now. Ito na ang pagkakataon niyang patunayan naman ang galing niya sa mga mayayabang niyang katrabaho.Hindi pwedeng mapunta sa iba ang assignment na mainterview si Mr. Lao.

"No, you should go to jail! " pagmamatigas ni Kaye. Bahagya pa nitong hinatak ang damit niya na parang bata. Pinalis niya ang kamay nito na nakahawak sa damit niya. At matalim ang titig niya rito.

"Jail agad! agad! Hindi pwedeng pagusapan muna! Magbabayad naman ako, ah! "

"Talaga magbabayad ka? That's a Volvo, worth one and half million Pesos.. ano magbabayad ka pa ba? o magpapakulong ka nalang.? "

Napalunok si Yasmin sa narinig. Hindi pa nga nagsisimula ang career niya ng bonggang-bongga makukulong na agad siya. Pero taas noo pa rin siyang humarap kay Kaye.

"Kaya kong palitan yan! Ilan ba ang gusto mo?! "mayabang na sabi ni Yasmin. Habang ang dibdib niya ay kumakabog sa kaba. Saan naman niya kukunin ang pamalit don. Jusko naman!

Napataas ang kilay ni Kaye at napangiti ng nakakaloko. Sabay sumulyap sa kotse ng babae. Isang lumang model ng Mitsubishi Lancer iyon. Kung kaya nitong palitan ang kotse niya bakit hindi ito bumili ng mas maganda at mas mamahaling sasakyan. Sana nga wala itong pambili para pamalit para pwede niya itong gipitin ng gipitin. Naiinis kasi siya sa katarayan ng babae samantalang ito naman ang may kasalanan.

"Ok,Hindi na ako magdedemanda, basta ba sa loob ng isang linggo, kailangan mapalitan mo na yan,, deal? "

Iniabot ni Kaye ang mga kamay kay Yasmin. Tanda ng pakikipagsara ng isang negosasyon. Umirap ang dalaga ng tanggapin iyon, na para bang walang ganang makipagkamay sa kanya. Habang nakangisi naman si Kaye. Paano'y iba ang pakiramdam niya habang tinitingnan ito. Kamukhang-kamukha niya si Yassi,lalo na ang mukha nito kapag naiinis. Dulo lang ng daliri niya ang dinampian ng pakikipagkamay ng babae.

Pagkuway hinimas ni Kaye ng bahagya ang nadamage na bahagi ng sasakyan.

"Muntik mo ng madurog ang baby ko,naku malaki-laki din ang magagastos ko sa pagpapagawa nito.. " dagdag pa ni Kaye, sabay muling hinarap ang babae.

"So paano? Akina ang number mo, address ng bahay mo, at address  ng work mo, baka mamaya takasan mo ko "

Masamang tingin ang ipinukol ng babae sa kanya. At mabilis na nagsulat sa notebook. Pagkatapos ay padaskol na pinilas iyon at ibinato sa mukha ni Kaye ang papel. Nasalo naman niya at isinilid sa bulsa ng slacks niya. Ni hindi na niya sinulyapan ang nakasulat roon.

Sumakay na siya sa kotse at tiningnan ulit ang babae at kinindatan ito. Naasar lalo ang mukha nito. At pinagsisipa ang gulong ng kotse niya. Inilabas niya mula sa bintana ang ulo niya.

"Naghahanap ka talaga ng dagdag na bayarin ha, sige ka!" aniya. Gigil naman na tumalikod ang babae at tiningnan siya muli ng matalim.

"Bwisit ka! Napakayabang mo!"

Sigaw nito at nagmartsa na pabalik sa sasakyan nito. Natatawa nalang si Kaye na sinundan ito ng tingin. Habang mabilis na naglalakad habang nakasuot ng mataas na heels.

------------------------------------------------------

😁😁😁😁

ayan na guys, unang pagkikita palang  close na sila agad. haha 😂 ang sweet pa.

abangan kung magiging mas sweet pa sila, haha.

salamat sa pagbabasa.

salamat sa pagboto.

bayo_toopsie

Continue Reading

You'll Also Like

338K 7.6K 33
Bored ako
225K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
18.7K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
223K 13.4K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...