My Dream Gay

By xtraordinaryjne

120K 3.9K 301

Andrei Joanna Suarez dreaming to have a prince charming,a dream boy sabi ng iba.Pero pano kung ang prince cha... More

Foreword
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
MDG: Character's Profile 1
MDG: Character's Profile 2
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue
Special Chapter

Chapter 50

1.8K 51 0
By xtraordinaryjne


"Hey.. Wazzup.."

Bati ni Emman kay Kinneth. Inakbayan pa nya ito. Ininom lang ni Kinneth ang alak na nasa baso nya.

Matapos nyang ihatid si AJ sa opisina ng ama ni Andrei ay nagdiretso sya sa Haven Bar. Tinawagan nya din ang dalawa na agad din namang dumating.

"She's coming for him.."

Wika ni Kinneth habang nakatingin sa malaking yelong nasa baso nya. Inikot-ikot nya pa yun.

"Whoa.. Talaga bro?"

Gulat na tanong ni Julius. Tinukod nito ang siko sa lamesa at tiningnan si Kinneth sa mukha.

"Ibang klase..... Babae talaga ang pumunta? Si AJ talaga ang pumunta?.. Bakla talaga ang gago... Hahahaha."

Iiling-iling na wika ni Emman. Ininom nya din ang alak sa baso nya.

"Magpakabakla na din kaya ako... Para babae ang humabol sa ak--"

"Shut up... Ulol.."

Binatukan ni Julius si Emman. Napasubsob tuloy ang mukha ni Emman sa baso nyang hawak.

"Nagbibiro lang ako.. Napakaseryoso mo.."

Himutok naman ni Emman. Di naman yun pinansin ni Julius. Uminom na lang ito katulad ni Kinneth..

Naging tahimik na sila sa paginom. Sumabay na lang sila sa iba na nasa loob ng bar. Nakailang ubos na din sila ng alak lalo na si Kinneth. Si Emman naman ay nilapitan ng isang babae kaya doon nabaling ang atensyon nito.

---

"Kuya? Matagal pa po ba yan?"

Natatarantang tanong ni AJ sa driver. Nakahinto sila sa gilid dahil biglang nasiraan ang kotse.

"I'm sorry mam.. Bibilisan ko na po. Pasensya na.."

Wika ng driver na abala sa pagkuting-ting sa makina..

Habang nabyahe sila ay bigla na lang namatay ang makina. Sinabi pa ni AJ sa driver na baka daw walang gasulina kaya huminto ang sasakyan pero agad namang tumutol ang driver. Sabi pa nito ay kalalagay pa daw nito ng gasulina.

Magiisang oras na silang andun at inaayos ang sasakyan. Nagsisimula ng kabahan si AJ. Naisip nya pang magbyahe na lang pero di nya nagawa. Di nya alam kung saang parte ang resthouse nina Andrei.

Dahil sa init ay napagpasyahan ni AJ na pumasok sa loob ng kotse. Alas tres na ng hapon kaya medyo mataas pa ang araw.

Sa pagupo nya sa upuan ay inabot nya ang phone nya. May ilang text ang dumating sa kanya.

Text mula kay Jainnah, kay Julius at Emman. Maging si Kinneth ay meron din. Binuksan yun ni AJ at binasa.

"Joanna. Be happy. I always love you.--Kinneth"

Napangiti ng malamlam si AJ ng mabasa yun. Dumungaw pa sya sa bintana ng sasakyan at pinagmasdan ang kalangitan..

I will. Kinneth. Thank you.

Untag nya. Sinisiguro ni AJ na magiging masaya sya. Di nya sasayangin ang pagkakataon na ito.

Umayos ng upo si AJ at kinuha ang earphone na hiniram nya sa driver kanina. Napili na lang nyang makinig ng kanta habang nagiintay.

Sa pakikinig ni AJ ng kanta ay nakatulog sya.

---

Andrei?!!

Sigaw ni AJ sa buong kabahayan ng makapasok sya. Hingal na hingal pa sya dahil sa pagtakbo. Madilim na ng makarating sila sa resthouse.

Andrei!!!

Sigaw ulit ni AJ. Nilibot nya ang buong bahay. Pumunta sya sa may kusina at tiningnan kung andun ba ang hinahanap nya. Lumabas din sya agad doon ng wala syang makita. Umakyat naman sya sa pangalawang palapag ng bahay. Inisa-isa nya pa ang mga kwarto doon habang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ni Andrei..

Sa pagpasok pa nya sa isang kwarto ay may nakita syang "dream catcher" na nakasabit sa may bintana.

Andrei... Untag nya pa sa utak nya habang nakatingin doon.

Matapos yun ay nagpatuloy muli syang maghanap. Pinasok din nya ang banyo pero wala syang natagpuang Andrei doon kahit anino nito.

"Asan ka na ba?!!... Magpakita ka naman sa akin!!..." Napaupo si AJ ng lumabas sya sa isang kwarto.

"Andrei.... Asan ka na." Bulong nya pa.

Humagulgol na sya ng iyak. Ipinatong pa nya ang dalawang kamay nya sa tuhod nya at ipinatong naman nya ang ulo nya doon.

"Ineng.... Ayos ka lang ba?"

Saad ng isang lalaking lumapit sa kanya. Napigil naman ni AJ ang paghikbi nya at tiningnan nya ang matandang lalaking nakatayo sa harapan.

Pinahid nya pa ang mga luhang naglandas sa kanyang pisngi at unti-unti syang tumayo.

"Bakit ka umiiyak?.."

Tanong pa ng matandang lalaki dito.

"Si Andrei po?.... Asan po sya?"

Mabilis ang pagtibok ng puso ni AJ. Nakatingin lang sya sa mata ng lalaking kaharap nya. Iniintay lang nya ang sasabihin nito.

"Nakaalis na ineng.... Pasensya na... Di mo sya naabutan."

---

"Andrei!!!"

Sigaw ni AJ ng magising sya. Inilibot nya ang paningin nya.

"Mam? Okay lang po ba kayo?"

Tanong ng driver na kapapasok at kakaupo lang sa driver seat. Nilingon naman ito ni AJ.

"Asan na po tayo?"

Walang kurap na tanong ni AJ. Napakamot naman sa ulo ang driver.

"Andito pa po tayo e... Paalis palang po tayo mam.." Naiyuko ng driver ang ulo nya dahil sa hiya. "Sorry po mam.... Natagalan po ako sa pagaayos ng sira .."

Bumilis naman ang tibok ng puso ni AJ. Naalala nya ang naging panaginip nya.

"Tara na po... Bilisan nyo na lang po ang pagmaneho.. "

Saad ni AJ. Tumango naman ang driver at agad na binuksan ang makina at pinaandar ang sasakyan.

Wag naman sanang mangyari yun... Andrei.... Intayin mo naman ako.

Untag ni Andrei habang nakadungaw sa bintana at nakatingin sa kalangitan na unti-unting nababalot ng kadiliman.

Ala sais na ng gabi. At di alam ni AJ kung anong oras sila makakarating kay Andrei. Di nya alam kung maaabutan nya pa ito.

"Kuya. Pakibilisan pa po. Baka po wala tayo maabutan."

Kagaya ng sabi ni AJ, binilisan nga ng driver ang pagmamaneho nya. Malayo-layo pa sila.

Sa paglipas ng oras na nasa daan pa sila ay lalong kinakabahan si AJ. Bumibilis pa lalo ang pagtibok ng puso nya.

Wait for me Andrei. Please.

---

"Iho. Sigurado ka bang aalis ka na mamaya?"

Napaangat ng ulo si Andrei. Nakaupo sya sa sofa sa may living room. Ibinaba nya pa ang newspaper na binabasa nya sa may center table.

"Opo tay ernie..... Kailangan ko na din pong umalis.."

Wika naman ni Andrei sa caretaker ng resthouse nila.

"Naku.. Kumain ka muna... Naghain na ako ng pang hapunan para makakain ka bago umalis."

Sabat naman ng asawa ni tay ernie. Napangiti naman si Andrei sa dalawa. Sa pagtira nya doon sila ang naging kakwentuhan nito. Gumaan naman ang pakiramdam ni Andrei kahit papaano.

"Sige po nay ely.. Salamat po."

Tumayo na si Andrei at sumabay na sa magasawa papunta sa hapag kainan.

Habang kumakain ay nagkukwentuhan sila. Naibahagi pa ng magasawa kung pano sila nagkakilala. Wala namang ibang ginawa si Andrei kundi ang ngumiti sa nga ito. Natutuwa sya para sa magasawa pero nalulungkot sya dahil iba ang nangyari sa kanya. Iba ang naging kwento ng buhay pag-ibig nya.

"Ikaw iho, ang girlfriend mo."

Napahinto si Andrei sa paginom ng tubig ng madinig nya yun kay nay ely. Tiningnan nya ito sa mata.

"Po?.." Parang nabingi si Andrei. "O-okay po kami.." Bawi nya pang sagot. Nagkatinginan naman ang magasawa bago ito tumingin sa gawi ni Andrei.

"Mabuti po kami.... " Ani pa ni Andrei.

"Nakakainspired po ang love story nyo.. Nakakatuwa po kayo."

Pagiiba ng usapan ni Andrei. Di nya kinakaya ang mga tanong ng mga ito sa kanya.

"Ano ka ba iho.... Alam kong mas maganda pa ang magiging love story mo kaysa sa amin.." Saad ni nay ely ng hawakan nya ang kamay ng kanyang asawa.

Napangiti ng pilit si Andrei sa narinig nya. Love story? Ano nga bang love story ang meron sya?

"Sana nga po..." Pagsangayon ni Andrei sa mga ito. Pinunasan nya ang bibig nya gamit ang table napkin.

"Ah.. Nay. Tay. Akyat na po muna ako sa kwarto ko.. Magpahinga po muna ako ng saglit bago umalis..."

Tumayo si Andrei at ipinatong nya ang table napkin sa lamesa. Nginitian nya muna ang magasawa bago sya naglakad papunta sa hagdan. Nakatingin lang ang dalawang magasawa sa kanya.

Sa pagpasok ni Andrei sa loob ng kwarto nya ay biglang tumunog ang phone nya. Agad naman nya itong nilapitan at sinagot.

"Hey."

Bati ng nasa linya. Agad namang tiningnan ni Andrei ang pangalan ng tumawag.

"Kin"

Mahinang basa ni Andrei. Tinitigan nya muna ang pangalan ni Kinneth sa phone nya. Di nya akalaing tatawagan sya nito.

"Hey.. Talk me.."

Dinig ni Andrei na wika ni Kinneth ng itapat na nya ang phone sa tenga nya.

"Kin."

Untag ni Andrei. Nakatayo lang sya sa harapan ng maliit na lamesang katabi ng kama nya.

"Drei."

Sagot naman ni Kinneth.

Nanahimik silang dalawa at tanging paghinga ang naririnig sa tawag nila.

Di alam ni Andrei kung anong ang sasabihin sa kanyang kaibigan. Ilang araw nyang hindi nakausap ito kaya wala syang mahagilap na sasabihin.

"You know what?.... Right now.. I want to go there and punch you really hard.. Nakakagago ka kasi.."

"Lasing ka ba?"

Tanong ni Andrei. Di nya pinansin ang sinabi nito sa kanya..

"I envy you Andrei... I envy you... really.... Your the luckiest gay in the whole world... Tang*nang bakla ka.. "

Saad pa ni Kinneth. Nailayo pa ni Andrei ang telepono sa tenga nya dahil sa lakas ng boses nito.

"Drei.. Do you want me to congratulate you?..."

Napahinga ng malalim si Andrei. Ayaw nyang makipagusap sa lasing nyang kaibigan.

"Kin. Lasing ka... Umuwi ka na sa inyo at magpahinga ka.." Ipinikit ni Andrei ang mata nya matapos sabihin yun.

"I'm not---"

Di na pinatapos ni Andrei ang sinasabi nito. Agad nyang pinutol ang tawag at inilapag ang telepono sa lamesa.

Agad na naglakad si Andrei patungo sa banyo. Napagdesisyunan nyang maligo na lang.

---

"Kuya.. Malayo pa ba tayo?"

Napausod pauna si AJ para lapitan ang driver. Humawak pa sya sa may upuan. Sinilip nya din ang labas.

"Malapit na po tayo mam. Dalawang liko na lang at andun na tayo."

Saad ng driver habang nakatuon ang mata sa daan. Madilim na sa labas at paakyat pa ang tinatahak nilang kalsada.

Alas syete na ng gabi. At habang nasa byahe sila ay nakailang buntong hininga na din si AJ. Kinakabahan sya. Naisipan nya pang planuhin ang sasabihin nya pag nagkita sila ni Andrei.

"Mam... Andito na po tayo.."

Napatingin agad si AJ sa labas para silipin ang lugar. May isang kulay green na gate ang nasa unahan nila. Bumusina ang driver para iparating sa nasa loob ng resthouse na nakarating na sila.

Di naman nagtagal ay unti-unting nagbukas ang gate. Napatulala si AJ ng makita ang resthouse nina Andrei.

Andrei.

Wika pa nya sa utak nya. Inilagay pa nya ang kaliwang kamay nya sa tapat ng puso nya. Dinama nya ang puso nyang sobrang bilis sa pagtibok.

Sa paghinto ng sasakyan ay agad na lumabas si AJ sa sasakyan at matulin na tumakbo papasok sa loob ng bahay. Di na nya pinansin ang magasawa na caretaker ng resthouse.

"Andrei?"

Mahinahong tawag nya. Tumingin sya sa gawi ng kusina. Nilingon nya din ang ikalawang palapag.

"Andrei?!.. Andito na ako!!."

Pasigaw na saad ni AJ. Binabalot na sya ng takot at kaba dahil walang Andrei na nagpapakita sa kanya.

"Andre---"

"Iha?"

Napalingon si AJ sa likuran nya at nakita nya si nay ely na nakatayo doon.

"Po?"

Magalang na untag nya kahit iba na ang pakiramdam nya. Nakatitig sya sa mata ni nay ely kahit na nangingilid na ang luha nya.

"Nakaalis na sya..."

Nagunahan sa pagpatak ang luha sa mata nya. Di nya matanggap. Di na nya naabutan si Andrei.

No.. Andrei..

********

(A/N)..

Epilogue is the next. Di pa pala tapos. Pasensya po...

Magvote at magcomment na lang ang may gusto. Ayaw ko na mamilit. Hehe.

P.S.

To tell you guys honestly, clueless ako kung nagugustuhan nyo pa ito. Hirap po manghula ng nararamdaman nyo. Di po ako si madam Auring. Hayy. Ang lame. -___-

Continue Reading

You'll Also Like

107K 2.8K 34
Kapag ba ang isang bakla na-amnesia, ma-aalala pa rin ba nyang bakla siya dati? Sana hindi." Yan ang isa sa mga katanungan at kahilingan ng babaeng h...
234K 6.2K 52
Highest Rank: #85 in Random #30 in Humor #GaySeriesNo.1 (Revising BOOK 1) Gangster. Siga. Lalaking-lalaki. Rakista. O kung ano pa yang ka-jej...
162K 3.6K 33
Paano kung isang araw nalaman mong yung GWAPO at HOT mong best friend ay may tinatago palang ibang katangian? Read to find out! P.S. This is alread...
249K 6.7K 78
You're a girl And she is a boy with a girly heart She hates you And you hates her But what if the both of you are destined to each other? What if des...