FALL FOR YOU ( KAYE CAL)

By bayo_toopsie

71.2K 4K 1K

Falling inlove is never easy. Lalo na kung mahuhulog ang loob mo sa isang taong kinaiinisan mo ng buong buhay... More

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Fall For You ( Book Two)
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Pasasalamat

Chapter 41

868 64 22
By bayo_toopsie

😊😊😊😊

Kaye's P. o. v.

Salamat sa paghatid Kaye.. Matamis na ngiti ang iginawad sa akin ni Antoinette. Papasok na siya sa loob ng airport,  huminto kami saglit sa gitna para maging maayos ang pagpapaalam namin sa isat-isa. Tinitigan niya ako bago niya ako yakapin ng mahigpit. Napakagaan sa pakiramdam ang tuluyang pagtanggap niya sa kabiguan na idinulot ko sa kanya. Mababakas sa mukha niya ang saya,fullfillment at puno ng pagasa sa panibagong buhay na naghihintay sa kanya sa bansang pupuntahan niya. Hindi gaaanong naging maganda ang bakasyon niya dahil nasaktan ko siya pero hindi na niya iyon alintana. Niyakap ko din siya pabalik. At hinalikan sa pisngi ganoon din ang ginawa niya sa akin.

Ingat ka sa byahe,, one call away lang ako.. Nakangiting sabi ko.Assurance na hindi pa rin ako magbabago sa kanya. Kung may kailangan siya, andito lang ako para damayan pa rin siya. Hinaplos niya ang pisngi ko.

I know.. Thanks.. Aniya.

Humakbang na siya papasok sa loob habang kumakaway naman ako sa kanya. Napangiti nalang ako. Antoinette deserves love na para lang sa kanya. Tumalikod na rin ako at aktong hahakbang na nang bigla niya akong tinawag. Napalingon ako sa gawi niya.

Mahalin mo si Yassi.. habang may panahon ka pa.. Hangad ko ang kaligayahan nyo! Sabi niya. Napakunot ang noo ko. Pero napangiti din. Napakabait talaga ni Antoinette kahit kailan.
Hinintay kong mawala siya sa paningin ko bago ako tuluyang umalis.

Sumakay ako ng kotse at masaya ako na tinutunton ang ospital kung saan naroon si Yassi. Dumaan din ako sa flower shop at bumili ng pasalubong. Mahilig sa kape si Yassi at sa mga frappes kaya iyon ang binili ko. A cup of capuccino at brewed para may choice siya. Alam ko magrereact yon na dala-dalawa pa ang binili ko. Hindi ko pa man nakikita ang reaksiyon niya ay natatawa na ako,habang nagdadrive na ulit papuntang ospital.

Halos takbuhin ko ang hagdan papuntang pangalawang palapag nang makarating ako ng ospital. Excited akong makita siya, at ibigay ang bulaklak na pinasadya ko. Humahangos ako na inayos ang sarili ko bago ko binuksan ang pintuan ng kwarto niya. Ngunit iba pala ang dadatnan ko sa loob. Naroon sina Sheena at ang doktor ni Yassi. Pero wala ang dalaga. Nagkatinginan sila ng makita ako.Napansin ko ang maayos na nakatupi na suit ni Yassi, ito yung isinusuot ng mga pasyente sa pribadong ospital. Natakot ako at kinabahan. Nabitawan ko tuloy ang dala-dala kong bulaklak at bumagsak ito sa sahig.

Anong nangyari? Asan si Yassi? garalgal ang boses ko.

Hindi namin alam Kaye, pagdating namin wala na siya..

Hindi ko na hinintay pa ang iba pang sasabihin sana ni Sheena. Lumabas na ako ng kwarto at tinungo ko ang Information Desk. May dalawang nurse na naroon at abala sila sa ginagawa nila pero hindi na ako makapag-antay ma matapos sila.

Excuse me Miss,, sabi ko. Kapwa sila napalingon sa akin at mukhang nakilala nila ako. Nangislap ang mga mata nila sa kilig nang makita ako, pero abala amg isip ko kay Yassi. Alam niyo ba kung saan nagpunta ang pasyente sa Room 206?

Sumeryoso naman ang dalawang nurse at chineck ang files nila. Napahanga nalang ako sa dalawa kasi kahit na kilala nila ako ay hindi nila sinamantala ang pagkakataong makapagpicture sa akin. Inuna nila ang nakaatang na trabaho sa kanila. Nagangat ng ulo ang isang nurse at sinagot ang tanong ko.

Ah si Ms. Yassi sa Room 206,naku may report kanina na nawawala siya, bukod dun wala na kaming alam, pero hinahanap na po siya Ms. Cal.. Magalang na saad ng nurse. Nagpasalamat nalang ako at tumalikod na.

May nawawalang pasyente? Tanong ng isa pang nurse.Hindi pa naman ako gaanong nakakalayo kaya narinig ko pa ang sinabi niya. Napahinto ako at nakinig saglit.

Oo, si Ms. Yassi ng room 206,Yong tinututukan ni Dr. Perez...

Ah, yong may Alzheimer Disease..

Napatda ako sa narinig. Alzheimer? Disease? Ano???!!!
Si Yassi may Alzheimer's disease?? Bigla nakaramdam ako ng sakit sa puso ko. Gulong-gulo ang utak ko na patakbong lumabas ng ospital. Inikot ko ang buong paligid ng ospital sa pagaakalang nasa paligid lang si Yassi. Hanggang sa makarating ako ng hardin pero wala pa din siya doon. Magkahalo na ang nararamdaman kong takot at pagaalala. Sumakay ako ng kotse at nagdrive pabalik ng bahay.
Nakarating ako ng subdivision at halos sirain ko na ang pintuan ng bahay niya.Tinatawag ko ang pangalan niya pero walang sumasagot. Wala siya.Napahawak ako sa ulo ko saan ko siya pwedeng hanapin?

Bigla naalala ko ang grocery store sa labasan,nagdrive ulit ako palabas nagbabakasakaling naroon siya. Pero bigo pa rin ako. Nang sipatin ko ang relo ko ay alas-kwatro y media na. Bigla pumasok sa isip ko na baka naroon siya sa Manila Bay. Sakay ulit ako ng kotse at para bang gusto ko ng paliparin ang kotse para lang makarating agad ako don. Habang nagdadrive ay andaming naglalaro sa isip ko. Mga katanungan kung totoo ba ang narinig ko kanina sa dalawang nurse. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. Bakit ansakit-sakit sa pakiramdam? Naalala ko tuloy ang huling sinabi ni Antoinette. At para bang umeecho siya sa pandinig ko.

Mahalin mo si Yassi, habang may panahon ka pa...

Napahimutok ako at para bang gusto ko ng bunutin ang manibela sa higpit ng pagkakahawak ko. Bakit hindi niya sinabi? Bakit hindi man lang niya nabanggit? Napasigaw ako,, hindi dahil galit ako kundi dahil sa sobrang sakit ng puso ko. Kaya pala minsan ay may mga pagkakataong bigla nalang niya akong hindi naaalala. Akala ko pa nga madalas nagbibiro lang at trip niya akong galitin. Bakit ba hindi ko man lang napansin?Ang napansin ko lang ay ang pagbabago ng pangangatawan niya pero bakit ba hindi ko naisip o sumagi man lang sa isip ko na may sakit na pala siya.

Agad ko siyang hinanap nang makarating ako ng Manila Bay. Para akong tanga na bigla nalang nangaabala sa mga magkasintahang naroon na naghihintay sa paglubog ng araw. Alam ko medyo naiinis sila pero wala akong pakialam kailangan kong mahanap si Yassi. Hanggang sa makarating ako sa pinakadulong bahagi. Natigilan ako sa pagtakbo nang makita ko na ang bulto ng katawan ni Yassi. Nakaharap siya sa dagat. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Dahil siguro naramdaman niyang may lumapit sa tabi niya ay napalingon siya sa gawi ko. Pigil ang hininga ko bago ako tumingin sa kanya.

Kaye!! hindi makapaniwalang sabi niya, kung hindi ko pa alam ang totoo ay hindi ko talaga iisipin na may pinagdadaanan pala siyang sakit. Mabuti nahanap mo ko-------

Totoo ba?sabad ko sa sasabihin niya. Nagngangalit ang mga bagang ko at nagtitimpi ako sa inis na nararamdaman ko.Habang madiin ang mga binitiwan na mga salita habang nakatuon ang paningin ko sa dagat. Ayaw ko siyang tingnan, kasi naaawa ako sa kanya.

Totoong ano? Kaye.. Maang pa niya. Hanggang ngayon pa rin pala ay wala siyang balak sabihin ang totoong kalagayan niya. At patuloy pa rin pala niya ipagkakaila ang karamdaman niya.

Hwag mo na itanggi Yassi, alam mo ang tinutukoy ko, maysakit ka hindi ba?.. Napaluha ako at dagli ko iyon pinahid. Kailangan maging matatag ako para sa kanya. Matagal na katahimikan ang namagitan sa amin.

Kaye.. mahinang sambit niya sa pangalan ko.. Kaye.. pero hindi ko pa rin siya nililingon ayokong makita niya ang pagtulo ng luha ko. Paulit-ulit ang pagsambit niya sa pangalan ko ngunit nanatili lang akong nakatingin sa kawalan.

Kaye.. sorry.. kahit ayoko pang lumingon ay napalingon ako sa kanya. Bigla ang hikbi niya ng sabihin niya yon. Naawa ako sa kanya. Sorry...Kaye.. Umiiyak na sabi niya. Nanlumo ako sa hitsura niya. Kaya naman hinatak ko nalang siya at niyakap ng mahigpit. Bakit ba ako nagagalit?Dahil ba hindi niya nasabi ang totoo? O dahil hindi ko siya nadamayan sa panahong kailangan niya ako.

Patuloy ang paghikbi niya habang paulit-ulit na humihingi ng tawad.

Ssshhh... tama na Yassi, wala kang kasalanan.. hwag ka na magsorry...mahigpit ang yakap ko sa kanya.

Nang hapong iyon ay sabay naming pinanood ang paglubog ng araw. Nakasandal ang ulo niya sa balikat ko. Ganoon lang kabilis napawi ang galit ko kanina lang ay parang gusto ng sumabog. Hindi na mahalaga kung hindi man niya nasabi sa una palang ang mahalaga alam ko na at andito lang ako para damayan siya.

Kaye... mahina ang boses na bigkas niya sa pangalan ko. Ayoko na bumalik ng ospital.. gusto ko ng umuwi sa bahay..

Kakausapin natin ang doktor mo, itanong natin kung pwede.. sabi ko. Napangiti si Yassi, habang nakasandal pa rin sa balikat ko.

Kaye...

Ha?

Hindi mo ba itatanong kung bakit ayaw ko don?

Bakit?

Kasi ayoko ng tusok ng karayom. Lalo na kapag kinakabitan ako ng dextrose, kung pwede lang inumin ko nalang lahat yon, para matapos na... mapakla ang tawa na sabi niya. Kahit masakit sa loob ko ang mga sinasabi niya ay natawa nalang ako. Nagagawa pa rin niya ang magbiro sa kabila ng pinagdadaanan niya.

Kaye...

Ha?

Sa tuwing tatawagin ba kita, sana lagi kang sasagot at kapag wala na akong maalala, ako naman ang lagi mong tawagan..

Mapait akong napangiti. Hindi ako sanay na ganito ang paguusp namin. Nakakaiyak. Kaya naman hindi na ako nakasagot.

Kaye...?

Ha?

Kaye..?

Paulit-ulit lang ang pagtawag niya sa pangalan hanggang sa makatulog na siya na nakasandal pa rin sa balikat ko. Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan ko at hinayaang dumaloy ang luha sa pisngi ko na kanina ko pa pinipigilan.

Ngayon ko narealize ang lahat ng mga tinatanong niya noon. Tungkol sa hugis ng ulan. Ang kabilang buhay at ang reincarnation...hanggang ngayon duda pa rin ako sa mga ganoong bagay gayon pa man pipilitin kong maniwala sa pinapaniwalaan niya.. para kay Yassi..




============================

thanks for reading guys..
salamat sa mga nagvovote at nagcocomment. nakakakilig po kayo. naisip ko na idugtong nalang ang book two dito sa book one, para tuloy-tuloy na. Haha. Para wala ng bitin!

Love,

bayo_toopsie

Continue Reading

You'll Also Like

19.6K 799 28
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
1.5K 76 28
She fell first, who fell harder? Si Colleen Vergara at Maya Celeste Arceta ay galing sa magkaibang squad na eventually ay nag-join force as Bibi squa...
1.1M 27.5K 127
A story made for Jedean Gawong Fan๐ŸŒˆ If you're against the LGBT Community please skip the story๐Ÿ˜Š Godbless everyone๐Ÿ˜‡
367K 7K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...