FALL FOR YOU ( KAYE CAL)

By bayo_toopsie

71.2K 4K 1K

Falling inlove is never easy. Lalo na kung mahuhulog ang loob mo sa isang taong kinaiinisan mo ng buong buhay... More

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Fall For You ( Book Two)
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Pasasalamat

Chapter 37

822 44 20
By bayo_toopsie

😊😊😊😊

-I hope you will find your happiness with her,what you couldn't find in me. It might hurt to see you look at her that way and realizing she is everything that I wasn't. -

Mga katagang laman ng puso ko na kagabi ko pa kinikimkim. Kaya naman isinulat ko na sa diary ko. Ang plano ko wala akong isusulat sa journal ko na malungkot kaso kailangan para mawala na at nailabas ko na sa pamamagitan ng ballpen at papel. Tiniklop ko na ulit ang diary ko. At nagisip ng malalim. Kapag ganitong magisa lang ako sa bahay, dami kong nararamdaman na lungkot. Maagang umalis si Sheena, siya na daw magbubukas ng shop, wala kasi akong ganang magtrabaho ngayon,dahil sa bigat ng pakiramdam ko, kaya naman ngayon lungkot-lungkutan ang drama ko. Natigil lang ako sa pagiisip nang makarinig ako ng mahihinang katok.May doorbell naman kaya? Himutok ko, dahil sa sobrang hina muntik ko nang hindi mapansin na may kumakatok. Tumayo ako at tinungo ang pinto.

Napangiti ako nang mapagbuksan ko na ang kumakatok. Paanong hindi ako mapapangiti eh nakakahawa ang mga ngiti niya kahit na medyo pinagseselosan ko siya. Si Antoinette.

Hi!! Bungad na bati niya, napangiti nalang ako.

May kailangan ka ba? Tanong ko.Pasok ka muna.. Alok ko. Pumasok naman siya at inaya kong maupo sa sofa.

Coffee?? Alok ko ulit pero umiling siya.

No thank you,, magpapatulong sana ako sayo... Waring nagaalinlangan na sabi niya. Napatingin ako sa kanya.

Tulong para saan?

Sinabi niya na maaga daw na umalis si Kaye, may rehearsals daw itong gagawin dahil may show ito sa darating na Sabado. Kaya naman nais niyang isorpresa si Kaye mamaya sa paguwi niya. Gusto niya magluto at magayos ng bahay ni Kaye. Naikwento niya rin na siya rin ang nag-ayos ng bahay ni Kaye last year.Kaya pala noong nakapasok ako sa bahay niya noon ay napakaaliwalas ng pagkaka-ayos at mukhang minimaintain lang ni Kaye ang paglilinis.

So tutulungan mo ba ako? Untag na tanong niya sa akin. Napalalim ata ang pagiisip ko. Hindi ko alam kung gaano katagal na hindi ako nakaimik.

Sure..magpapalit lang ako ng damit.. Pagkuway sabi ko.

Ngumiti siya at abot-abot ang pasasalamat sa akin. Iniwan ko muna siya sa sala at umakyat muna ako sa kwarto ko para makapagpalit ng damit.

Antoinette P. o. V.

Sobrang happy ko na umoo si Yassi sa hinihiling kong tulong. Mabait naman pala siya, base kasi sa pagdedescribe ni Kaye. Napakasungit daw niya. Habol ko siya ng tingin habang paakyat siya ng hagdan, napangiti ako dahil maganda rin si Yassi, bukod sa wala pa itong kaarte-arte sa katawan. Natigilan lang ako nang mapansin ang notebook sa ibabaw ng lamesita. Wala sa loob na kinuha ko yon.Nawala ang mga ngiti ko nang mabasa ang mga nakasulat doon. Sa hindi malamang dahilan ay napaluha ako. At napatingin sa hagdan kung saan kanina lang ay umaakyat si Yassi. Nakaramdam ako ng awa. At nagulat sa iba ko pang nabasa tungkol sa pagibig niya kay Kaye. Mabilis kong ibinalik ang notebook sa dati nitong kinalalagyan nang makarinig ako ng mga yabag sa hagdan na pababa. Kunwari wala akong nakita o nalaman

Lets go!!! Sabi ni Yassi nang makaharap na ako. Napatda naman ako dahil ako naman ngayon ang napatanga sa kanya. Hindi ko makita sa mukha niya na may dinaramdam pala siya. Madami. Napabuntong-hininga ako, at inalok ko ang mga palad ko sa kanya. Tinanggap naman niya iyon.

Tara!!! Nakangiti kong sabi at sabay na kaming lumabas ng pintuan ng bahay niya.

Yassi's P. o. V.

Nagumpisa na kaming magluto ni Antoinette.Mga pagkaing pangsosyal na hindi ko maintindihan ang mga pangalan na sinasabi niya. Tumutulong lang ako maghiwa ng mga sangkal at taga-abot ng kung ano pa ang mga kailangan niya. May dessert siyang ginawa at gumawa rin siya ng macaroni salad. Napangiti nalang ako, parang nagluto na din ako ng macaroni salad para kay Kaye noon hindi ko lang matandaan kung kailan nga ba iyon. Natigil lang ako sa pagngiti nang mapansin ko si Antoinette na matamang nakatingin sa akin. Napayuko tuloy ako baka isipin niya, pinagtatawanan ko siya. Napakamot nalang ako nang bigla niyang itanong sa akin ang ganito:

May boyfriend ka na?? Tanong niya. Umiling ako at tipid ang ngiti na nagangat ako ng ulo. Para magkaharapan kami. Sa mesa kung saan magkatapat kaming nakaupo. Habang siya ay naghahalo ng macaroni salad niya na pinagsikapan niyang gawin. At ako naman ay nag gadgad ng cheese.

Wala pa... Mahina kong tugon.

Inlove ka?

Natigilan ako sa tanong niya. Hindi ako nakasagot. Mabuti nalang at iniba na niya ang usapan.

Gusto ko maging memorable ang araw na to,, pagkatapos kasi ng gig ni Kaye sa Sabado by Monday babalik na ako ng London.. Sabi niya. Kaya naman salamat talaga dahil nandito ka para tulungan ako... Nakangiting sabi niya.

Aalis na naman siya. Tiyak na malulungkot na naman si Kaye. Makahulugan ang mga tingin ko ng titigan ko siya ulit. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang nais kong sabihin.

Antoinette... Sambit ko. Nag-angat siya ng ulo, at nakangiting hinarap ako.

Yes...???

Bakit hindi ka nalang magstay dito kasama si Kaye??? Kinabahan ako sa pagtatanong ko,,para akong hindi makahinga at parang gusto ko magsisi na naibulalas ko pa yon. Nabitiwan niya ang hawak niyang sandok at matamang nakatitig sa akin.

Hindi pwede, nandoon ang trabaho ko, ang career ko.. Isa pa...tumigil ito sa pagsasalita. Ilang segundo itong natagalan bago muling nagsalita.

Complicated kami ni Kaye,, sa side ng family ko. Ang bakasyon ko na to ay hindi alam ng pamilya ko.. Dugtong pa niya.

Mahal ka niya, at mahal mo siya hindi pa ba sapat yon? Hindi ba pwedeng ganoon lang kasimple? Hindi ba pwedeng hindi maging kumplikado ang lahat para sa inyo? Seryosong tanong ko.

Hindi mo naiintindihan, Yassi. Hindi porket mahal namin ang isat-isa ay pwede na, kailangan ko pa ring isipin ang mga tao sa paligid ko,at ang kagustuhan ng pamilya ko.. I know in the right time na makakamit din namin yon,,pero hindi pa sa ngayon... May lungkot sa mga mata ni Antoinette habang sinasabi niya ang mga bagay na yon.

Kailan? Tanong ko. Napatingin ulit siya sa akin.

Hindi ko alam.. sagot niya.

Hindi ka ba naaawa kay Kaye? Lagi mo siyang pinagaantay?

Medyo iba na ang pakiramdam ko. Naaawa ako kay Kaye, dahil masasaktan na naman siya sa nalalapit na pagalis ni Antoinette. Naiinis kay Antoinette dahil abot-kamay na niya ang taong pangarap ko pero lalayuan niya ulit ng paulit-ulit.

You dont understand, Yassi..

Alin ba don ang hindi ko maintindihan..?

Bumuntong-hininga si Antoinette at payak ang pinakawalan ang mahinang pagtawa.

Sabagay, paano mo naman maiintindihan, eh wala ka namang pamilya na kailangan mo pang isipin pa------natigilan siya sa pagsasalita nang mapansin niya ang pagkagulat ko sa sinabi niya. Paano naman niyang nalaman na wala akong pamilya, hindi pa naman kami nagkaroon ng pagkakataong makapagkwentuhan ng matagal.

Sorry,, Yassi.. I dont meant it.. Hingi niya ng paumanhin,,pareho kaming natigilan.

Ok lang.. totoo naman.Baka nga tama ka, wala akong pamilya kaya siguro hindi ko pinagdadaanan ang pinagdadaanan mo...mahinang boses na sabi ko. Hindi na siya umimik, humingi lang siya ng tawad ulit. Ok na yon. Hindi naman big deal sa akin yon. Magkaiba kami ng pinanggalingan kaya naiintindihan ko na magkaiba din kami ng mga pananaw. Para sa kin kasi kapag mahal mo ipaglaban mo. Sa kahit na sino o ano pa man ang makahadlang dito.Nasaktan lang ako ng konti sa sinabi niyang wala kasi akong pamilya. Maswerte siya dahil meron pa siya non. Sana lang naintindihan rin niya ang mga pinagdadaanan ng mga taong katulad ko na wala ng pamilya.

Naging ok rin naman kami ni Antoinette sa mga sumunod na sandali. Medyo mabigat para sa amin ang nangyaring sagutan namin na hindi nga nagsisigawan pero tagos naman ang mga salitang binibitawan sa isat-isa.Masaya ulit kami na para bang walang nangyari. Natapos namin ang paglilinis at pagaayos ng bahay ni Kaye. Binago niya ang mga dating ayos medyo mas lumuwag at umaliwalas. Architect kasi siguro kaya ganon.

Pareho kaming pagod na naupo sa sofa. Hindi na namin binalikan pa ang usapan namin kanina. Baka kung saan na naman kami mapunta. Ipinagdasal niya na sana magustuhan ni Kaye ang bagong ayos ng bahay. At ang mga niluto niyang pagkain. Tumango lang ako sa lahat ng sinasabi niya.

Naghanda rin siya ng mga kandila para sa dinner nila mamaya. At nagpadeliver ng mga bulaklak para dagdag na ayos sa mesa. Nakakaselos pero medyo hindi na ganoon kabigat sa pakiramdam kasi naisulat ko na kanina sa diary ko. Habang nagaayos siya ay nagpaalam akong magbabanyo lang. Nang makapasok ako sa banyo ay uminom ako ng gamot, kanina pa sumasama ang pakiramdam ko,ito talaga ang dahilan kaya ako magbabanyo.

Medyo matagal na minuto ang ginugol ko sa banyo. Kaya naman nang makalabas ako ay narinig kong may kausap siya sa sala. Hindi muna ako nagtuloy-tuloy at sinilip ko muna kung sino ang kausap niya. Nakita ko si Kaye. Iniipitan niya ng buhok si Antoinette, hindi ganoon kaperpekto ang pagkakaipit niya sa dalaga pero hindi nagreklamo pa si Antoinette. Sabagay kahit magulo ang buhok niya maganda pa rin siya. Nakakakilig lang na may mga ganoong sweetness si Kaye sa katawan.

Maganda ang ayos ng bahay, ah! Naayos mo to ng ikaw lang magisa? Nakangiti si Kaye at mukhang hindi makapaniwala.

No, someone's helped me.. Narinig kong sabi ni Antoinette.

Talaga? Sino?

Si Yassi,, nasa banyo siya kanina pa nga yon...

Iyon lang ang narinig ko nang biglang nagdilim ang paningin ko. Malabo sa balintataw ko ang mga nakikita ko. At para bang papanawan na ako ng ulirat. Dahil sa sama ng pakiramdam ko.

Antoinette P. o. v.

Nagulat kami ni Kaye nang may kumalabog sa gawing kusina. Pero mas nagulat ako sa reaksiyon ni Kaye. Tinakbo niya ang kinaroonan ng banyo at nakita nga namin si Yassi na wala ng malay sa sahig. Bumagsak siya sa sahig sa hindi malamang dahilan. Bigla naalala ko ang nabasa ko sa journal niya, yung tungkol sa sakit niya. Baka sa pagod ay sinamaan siya ng pakiramdam. Tarantang binuhat ni Kaye si Yassi, at nagmadaling pinabuksan sa akin ang pintuan ng kotse. Nasisigawan pa nga niya ako sa sobrang pagaalala niya.

Sa ospital ay hindi pa rin mapakali si Kaye. Napapaisip ako sa nakikita kong pagaalala niya. Sinipat ko ang relo ko malapit ng gumabi,, kung magtatagal pa kami dito sayang naman yung surprise dinner na inihanda ko.

Continue Reading

You'll Also Like

19.5K 796 28
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
66.2K 1.8K 46
BINI ships Oneshots Compilation.
337K 8.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...