FALL FOR YOU ( KAYE CAL)

By bayo_toopsie

71.2K 4K 1K

Falling inlove is never easy. Lalo na kung mahuhulog ang loob mo sa isang taong kinaiinisan mo ng buong buhay... More

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Fall For You ( Book Two)
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Pasasalamat

Chapter 31

911 50 17
By bayo_toopsie

😊😊😊😊

Buong gabing pumapasok sa isip ko ang kwento ng first love ni Apo Placido. Natouch ako sa kwento kaso nabitin ako, kalahati palang yong napapakinggan ko pero grabe na yong iniyak ko. Napangiti rin ako nang maalala ko si Kaye, medyo naiyak din siya ayaw lang ipahalata. At dahil sa hindi ako mapakali ay nagpakwento na ako kay Sheena, sa karugtong,kinabukasan.

Kung ganon 50 years minahal ng Lolo mo si Carlita o e bakit naman niya pinakasalan ang Lola mo kung si Carlita pala ang mahal niya..? Sabad na tanong ni Kaye, napatingin kami sa kanya ni Sheena.

Nasa coffee shop kami na malapit lang sa shop ko. Mula pa umaga hanggang inabot na kami ng meryenda sa hapon ay ngayon lang natapos ang kwento ni Sheena. Tong si Kaye naman kanina pa namin kasa-kasama pero ngayon lang siya nagcomment. Ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa tibay at tatag ng pagmamahal ni Apo Placido kay Carlita,na tumagal ng limampung-taon. Kung ganoon nga naman bakit niya pinakasalan si Ina Mining kung may mahal pala siyang iba.

Kasi si Ina, ang nakatadhana kay Apo, at si Ina Carlita siya ang unang pagibig ni Apo, magkaiba yon. Magkaiba ang nakatadhana sayo at ang unang pag-ibig mo, kasi ang first love ang ganap lang nyan sa buhay natin ay para matuto tayo magmahal.. Sagot naman ni Sheena sa nagtatakang mukha ni Kaye. Minsan na-aamaze talaga ako kay Sheena, napakaraming alam. Kahit sa mga pagibig na yan expert.

Ganon? Sa loob loob ko.

Siguro nga magkaiba ang nakatakda para sayo at ang unang pag-ibig mo. Si Apo, nagmahal ng sobra para sa isang babae pero hindi si Carlita ang nakatadhana para sa kanya. Dahil si Ina Mining ang nakatadhana kay Apo hindi man siya ang unang pag-ibig nito. Ang galing naman. Base sa kwento ni Sheena, nagkita ulit sina Apo at Carlita, sa isang pagkakataon nang mamatay ang asawa ni Carlita at nagkataong si Apo ang embalsamador nong bangkay. Noon lang ulit sila nagkita pero hindi aila nakapagusap ng maayos dahil walang ginawa si Carlita noong araw na yon kundi ang umiyak. At dumaan ulit ang maraming taon nakapag-asawa na si Apo kay Ina Mining saka lang ulit sila nagkita ni Carlita, pero bangkay na si Carlita, namatay sa sakit at dala ng depresyon ng pagkawala ng kanyang kabiyak at si Apo Placido ulit ang kinuhang embalsamador. Nakakaiyak lang yong huling ipinangako ni Apo sa bangkay ni Carlita bago ito tuluyang ilibing. Sinabi ni Apo sa harap ng mga anak at kapamilya ni Carlita at sa harap ni Ina Mining na itutuloy nila ang kanilang naudlot na pagiibigan sa kabilang buhay. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko, mabilis ko itong pinahid.Bago pa ako makita nila Kaye at Sheena.

Napakawagas ng pagibig ni Apo Placido at nakakamanghang sa loob ng limampung taon ay isang babae lang ang minahal niya ng lubos kahit pa nagpakasal siya sa kanyang itinadhana. At nakakamangha ring isipin na tumanda silang magkasama ni Ina Mining.Kung sakali mang mamaalam na rin si Apo sa mundong ito, magkakasama na sila ni Ina Carlita sa kabilang buhay. May ganon talaga siguro, may pagiibigan na hindi nabibigyan ng pagkakataon sa mundong ito. At matutupad lamang ito sa kabilang buhay.

Napatingin ako kay Kaye. Ang saklap naman. Hindi ako ang first love niya. Hindi rin ako ang nakatadhana para sa kanya. Siguro kapag namatay na ako gusto ko magreincarnate tapos si Kaye pa rin ang mamahalin ko. Baka kapag sa panibagong katauhan na ako, mahalin na rin ako ni Kaye.

Umiiyak ka na naman.. Untag ni Kaye sa akin, napapitlag ako. Oo nga pala, tumutulo na naman ang luha ko. Pinahid ko ang luha ko at sumipsip ng juice. Bakit ba kamatayan na agad ang nasa isip ko. At ano reincarnation? Haha. Naniniwala pala ako don?

Pagkagaling namin sa coffee shop ay si Sheena nalang ang bumalik sa photo shop, siya nalang daw ang magsasara.Kaya naman kami ni Kaye ay naglakad-lakad muna sa parke. Topic pa rin namin yong love story ni Apo. Kahit siya ay namamangha.

Ang galing no, may ganong pag-ibig pa pala?.. Sabi ko sabay upo sa bench. Umupo din siya sa tabi ko. Kibit-balikat at ngiti ang isinagot niya. Sa sobrang mangha ba niya ay wala na siyang masabi? Sabagay.

Naniniwala ka ba sa kabilang buhay? Pagkuway tanong ko.

Naniniwala akong may Diyos. Pero sa kabilang buhay hindi ko alam...

Napatingin ako sa kanya. Seryoso ang mukha niya so ibig sabihin seryoso ang sagot niya. Walang halong biro.

Eh di ba kapag namatay daw tayo sa kabilang buhay tayo napupunta? Tanong ko.

Hindi ko alam. Siguro.. simpleng sagot niya. Ewan ko ba parang naiirita ako sa sagot niya na para bang hindi siya interesado.

Eh sa reincarnation,naniniwala ka ba? Tanong ko pa rin. Tumawa siya ng mapakla.

Sus! Gawa-gawa lang ng tao yon, hindi naman totoo yon!

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Para bang sumulak agad ang dugo ko sa tuktok ng bumbunan ko.

So anong gusto mong palabasin? Tanga ang naniniwala sa reincarnation?! Bigla ay nagtaas ako ng boses. Ito na ata yong pagbabago ng behavior ko. Naku sorry Kaye, mga katagang hindi ko masabi.

Teka, wala naman akong sinasabing ganyan,, wala naman... hindi na natapos ang iba pang sasabihin ni Kaye.Tumayo na ako bigla sa bench na kinauupuan namin. At matalim ang tinging ipinukol ko sa kanya.

Ang yabang mo! Sigaw ko. Oo na wala na akong common sense, mahina ako umintindiTapos ngayon tanga naman! Sige na!! Mabilis ang hakbang ko palayo sa kanya. Hinabol naman niya ako at nahawakan ako sa braso pero iwinaksi ko lang ang kamay niya.

Ano bang nangyari sayo, wala naman akong sinasabing ganyan.. Yassi!!! Tawag niya sa akin habang nakasunod pa rin sa akin. Nakapara agad ako ng taxi. Bago ako sumakay ay nilingon ko ulit si Kaye.

Ang yabang mo! Oo na maliit lang ang utak ko.. pero ikaw lang ang laman nito..!!! Asik ko sa kanya. Saka ako tuluyan ng sumakay ng taxi. Habol nalang niya ako ng tingin.

Kaye's P. O. V

Haay! Ano bang nangyari sa baliw na yon. Bakit biglang nagalit? Wala naman akong sinabing tanga siya. Kung ano ano kasing tinatanong tapos kung sasagutin ko naman ng totoong nasa isip ko magagalit naman pala. Napailing nalang akong sinundan ng tingin ang taxi kung saan nakalulan siya, susundan ko nalang siya sa kanila. Nagmadali na akong tinungo ang parking lot. Ok naman kami kanina, haynaku ano naman bang mali ang nasabi ko.? Hirap talaga may kaibigang baliw.. Tsk!

Pagkababa ko sa tapat ng gate ng bahay niya ay pumasok na ako. Naiwan niya ata ang gate na nakabukas. Nagdoorbell ako pero hindi pa rin siya nagbubukas. Kaya kumatok nalang ako ng kumatok hanggang sa bumukas ang pinto at bumungad ang mukha ni Yassi. Hindi na galit ang ekspresyon ng mukha niya. Kaya napangiti na ako.

Hi, hindi ka na galit? Tanong ko. Kumunot ang noo niya.

Sino ka? Anong kailangan mo? Nakangiting tanong ni Yassi. Natigilan naman ako at nagulat. Ano to joke time?

Biro ba yan? Nakakatawa ha, taas kamay ako sa'yo! Natatawa ko pang sabi. Pero hindi nakangiti si Yassi. Seryoso pa rin ang mukha niya.

Hindi nga kita kilala, sino bang kailangan mo? Tanong pa rin niya. Medyo nagtatampo na ako. Ayoko ng ganyang biro. Hindi na ako nagsalita at humakbang na pabalik ng kotse. Saka ko nalang siya kakausapin kapag hindi na siya galit. Inisip ko nalang na baka iyon ang paraan niya para iparamdam sa akin na galit pa siya. Magpanggap kunwari na hindi niya ako kilala. Congrats sa kanya, dahil epektib. Nasaktan ako. Mas mabuti pang sigawan niya ako kaysa naman ganyan na nagkukunwari siyang hindi niya ako kilala.. nang lingunin ko siya ay saktong nagsara na siya ng pinto. Grabe talaga siya. Pinanindigan talaga niya. Sige lang..

============================

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 76 28
She fell first, who fell harder? Si Colleen Vergara at Maya Celeste Arceta ay galing sa magkaibang squad na eventually ay nag-join force as Bibi squa...
5.2K 134 65
THIS IS A MIKAIAH STORY HOPE YOU ALL LIKE IT! this is a fanfiction only!!!!
13.6K 876 42
Rodrigo a secret billionaire businessman only impregnated a woman in a bar and the child was just left in front of his home with a note that he's the...