My Dream Gay

By xtraordinaryjne

122K 3.9K 301

Andrei Joanna Suarez dreaming to have a prince charming,a dream boy sabi ng iba.Pero pano kung ang prince cha... More

Foreword
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
MDG: Character's Profile 1
MDG: Character's Profile 2
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Special Chapter

Chapter 44

1.2K 47 2
By xtraordinaryjne




Sa pagbalik ni AJ sa party hall ay malalim ang iniisip nya. Lutang syang naglalakad. Habang nakamasid naman ang bitches4 sa kanya mula sa malayo.

"Joanna. Are you okay?"

Nagbalik sa ulirat si AJ ng madinig nya ang boses ni Andrei. Tiningnan nya ito. Nanlaki pa ang mata nya dahil di nya akalain na nasa harapan na sya ng table nila. Kitang-kita pa nya ang pagaalala sa mga mata ni Andrei.

"Okay ka lang ba?"
"Kanina pa kita tinatawag pero nakatulala ka lang."
"Masama ba pakiramdam mo?"
"Gusto mo na bang umuwi?"

Walang prenong saad ni Andrei. Napapatawa naman si Emman at Julius dahil sa pagka OA ng kaibigan nila. Di naman nakaimik si AJ parang nalunok nya ang sariling dila.

"Halika. Umupo ka."

Tumayo si Andrei at inalalayan nya si AJ na maupo sa upuang katabi ng sa kanya. Pinainom nya din ito ng tubig para makalma ito.

Uminom ng kaunting tubig si AJ. Hinawakan naman ni Andrei ang kamay nito.

"Better?"

Tanong ni Andrei. Ngumiti ng bahagya si AJ para sumagot.

"Drei? Baebae ko."

Nadako ang mata ni Andrei sa mata ni AJ dahil sa pagtawag sa kanya nito. Kinuha pa ni AJ ang kamay ni Andrei at mahigpit na hinawakan ito.

"Wag kang lalayo. Pwede ba?"

May pagsusumamo sa boses ni AJ. Gusto nyang umiyak pero pinipigilan lang nya dahil ayaw nyang magalala ito sa kanya.

"I won't." Nginitian ni Andrei si AJ.

"Kita mo?" Iniangat ni Andrei ang kamay nilang magkadikit. "Hawak mo ang kamay ko. Di ako lalayo."

Sa sinabing yun ni Andrei ay parang nawala ang mabigat na bagay sa dibdib ni AJ. Payapa sya pag nasa tabi nya ito.

Nagsimula na ang party. May mga nagperform sa unahan, sa may stage. May kumanta at sumayaw. Meron ding nangharana. Kahit na malawak ang hall ay kitang-kita pa din ang stage kahit saang parte dahil may malaking monitor na nakalagay sa may unahan. Lumalabas dito ang lahat ng nagaganap sa mismong stage.

"Hello everyone."
"May konting announcement lang."
"Gusto nyo bang marinig?"

Saad ng MC na nasa may stage . Ihinarap pa nya ang microphone sa mga estudyante para marinig ang sagot nila. Nagsigawan lang ang mga estudyante bilang pagsangayon.

"Okay. Listen." Wika ng MC. Tumahimik naman ang buong paligid. "Pwede ko bang makitang tumayo sina Kinneth Philips at Andrei Joanna Suarez? Where are you guys? Please show up."

Parang binuhusan ng malamig na tubig si AJ ng marinig nya ang pangalan nya.

Anong kalokohan to? Bakit involve ako?

Takang tanong ni AJ sa kanyang utak. Napatingin sya kay Andrei. Sinenyasan naman sya ni Andrei na tumayo. Kahit naguguluhan ay tumayo pa din si AJ dahil na din sa utos ni Andrei. Nanatili namang nakaupo si Kinneth. Parang walang syang narinig dahil prenteng-prente pa din sya sa pagupo.

"Bro. Tumayo ka daw."

Bulong ni Julius kay Kinneth. Nagangat ng ulo si Kinneth at napansin nyang lahat ng mata ay nakatingin sa kanya.

"I don't---"

"Bilis na. Tumayo ka na."

Pinutol ni Emman ang sinasabi nito at hinigit nya ito patayo. Masamang tiningnan ni Kinneth si Emman. Nag "peace sign" lang si Emman bago nya iniiwas ang mata nya dito.

"Can I invite you guys here in stage?"

Saad ng MC. Nagsigawan ang mga estudyante. "Pupunta na yan!!" Sigaw nila.

Walang nagawa si AJ at Kinneth. Nagpunta sila sa may stage ng wala sa loob.

Mula sa kinauupuan ni Andrei ay kitang-kita nya ang dalawa na nakatayo sa stage. At mula sa ilalim ng lamesa ay kinuyom ni Andrei ng mahigpit ang kamay nya. Nakararamdam sya ng matinding inis at gigil. Iniwas pa nya ang mata nya sa dalawa dahil parang napapaso ang mata nya sa nakikita nya.

"Okay. The reason kung bakit pinaakyat ko kayo dito ay dahil....... dahil I want, we want to congratulate you both dahil kayo ang napili na "marriage booth" na best couple na kinasal nila. Congratulation to the both of you." Nakipagkamay pa ito kina AJ at Kinneth. Nasigawan naman ang mga estudyante. Ngingiti-ngiti namang napapailing si Emman at Julius. "Patay na." Usal pa ni Emman.

"Later guys. Sasayaw kayong dalawa sa gitna. Slow dance." Saad pa ng MC.

Napatingin si AJ sa kinaroroonan ni Andrei. Gusto nyang makita kung anong reaksyon nito. Natatakot sya. Ayaw nyang magkaroon ng problema. Kaninang nung umakyat sya sa stage ay gusto nyang agawin ang mikropono sa MC at itapon yun sa malayo. Ang problema ay di nya magawa. Di naman sya eskandalosang babae para gawin yun.

Matapos ang anunsyo na yun ay pinababa na nya ang dalawa sa stage at pinabalik sa upuan ng mga ito.

"Okay. Guys."
"Ready na ba kayo?"
"Magsisimula na ang totoong kasiyahan."
"Enjoy the night."
"Party. Party."

Masiglang anunsyo ng MC. Nagalisan sa kani-kanilang lamesa ang ibang mga estudyante at umabante pauna. Tapos na ang program ng party kaya walang tigil na sayawan ang magaganap. Parang bar sa loob ng campus ang nangyari.

Nagpunta sa dance floor sina Emman at Julius. Naiwan naman si Andrei sa may lamesa dahil iniintay nya si AJ na makabalik doon.

"I'm sorry."
"Wala akong alam sa nangyari."

Bungad agad ni AJ ng makarating na sa lamesa nila. Naupo agad sya sa upuan nya at itinukod nya ang dalawang siko nya sa lamesa. Niyuko nya pa ang ulo nya.

"It's okay."

Kalmadong saad ni Andrei. Napaangat ng ulo si AJ at tiningnan nya si Andrei. Nakangiti ito habang nakatingin din sa kanya.

"Tara?" Inilahad ni Andrei ang kamay nya sa harapan ni AJ. Napatingin si AJ doon ng may pagtataka.

"Pwede bang mauna akong isayaw ka bago sya?" Inilapit pa lalo ni Andrei ang kamay nya sa harapan ni AJ.

"Oo naman." Nakangiting ibinigay ni AJ ang kamay nya dito. Tumayo sila at pumunta sa unahan. Nakisingit sila sa mga estudyanteng masayang nagsasayawan.

Wala pang ilang minutong sumasayaw si Andrei at AJ ng biglang napaltan ang tugtog. Naging mabagal ang rythm nito hudyat na slow dance na ang magaganap.

Inabot ni Andrei ang dalawang kamay ni AJ at iginaya nya ito papunta  sa leeg nya. Matapos noon ay inilagay naman nya ang kamay nya sa beywang ni AJ. Hinapit pa nya ito para masa mapalapit sa kanya.

Di maipaliwanag ni AJ ang sayang naguumapaw sa kalooban nya. Gusto nyang yakapin ng mahigpit si Andrei na kaharap nya dahil sa sobrang galak pero pinipigilan nya lang ang sarili nya.

"I think it's my turn now."

Napalingon si AJ at Andrei sa may gilid. Nakatayo doon si Kinneth at nakalahad ang kamay kay AJ.

Gumilid ang mga estudyanteng sumasayaw. Pinalibutan nila si AJ, Andrei at Kinneth. Silang tatlo na lang ang naiwan sa gitna.

"Tayo na lang ang magkapartner. Andrei."

Lumapit si Shane sa mga ito. Kinabig nya si Andrei sa may balikat para mapaharap sa kanya. At dahil dun, naghiwalay sila ni AJ. Pinulupot agad ni Shane ang kamay nya sa may leeg ni Andrei. Hinigit nya pa ito palapit sa kanya.

Di nakagalaw si AJ sa pwesto nya dahil sa nangyari.  Pero agad ding namang nakakilos sya dahil kinabig sya ni Kinneth. Ngayon nga ay magkatuwang si Shane at Andrei tapos ay si AJ at Kinneth. Nagpatuloy na ding sumayaw ang ibang nasa gilid.

"Long time no touch. My Andrei."

Maarteng wika ni Shane. Mapangakit pa nyang hinahaplos ang ulo ni Andrei.

"What's this?" Inis na tanong ni Andrei. Pilit nya pang inilalayo ang mukha nya sa mukha ni Shane dahil ilang hibla na lang ay mahahalikan na nya ito.

Mas inilapit ni Shane ang mukha nya kay Andrei. Inilapit nya ang labi nya sa tenga nito. Matalim namang tinitingnan ni AJ si Shane mula sa pwesto nya.

"Relax. We're just dancing." Pangaakit na bulong ni Shane dito. Tuluyan na nya ding niyakap si Andrei.

"Alam mo bang namiss ko ang halik mo." Untag pa nya. Kumalas sya kay Andrei at hinarap ang mukha nito. "I miss your soft lips." Dinala ni Shane ang hintuturo nya sa labi ni Andrei. Mapangakit pa nyang kinagat ang labi nya.

Mula sa gilid nila ay tinutunaw ng tingin ni AJ si Shane dahil sa ginagawa nito. Si Kinneth naman ay pinagnamasdan lang ang kanyang mukha.

Nagpupuyos ang kalooban ni Andrei. Hinablot nya ang kamay ni Shane na nakadikit sa labi nya.

"I'm warning you." Nanggigigil ang boses ni Andrei.

"Whoa. I'm scared." Pasarkastikong sagot ni Shane.

"Oopps" Usal nya pa ng biglang mamatay ang ilaw. Nagkagulo ang mga estudyante dahil sa sobrang dilim. Binitawan na ni Andrei ang kamay ni Shane. Nilibot nya ang paningin sa paligid para hanapin si AJ kahit na wala syang makita dahil nga madilim. Pinasingkit nya ang mata nya.

"Let the real party begin." Untag ni Shane habang nakacross arms pa. Pinatunog nya ang kamay nya at kasabay noon ang pagbukas ng monitor sa may stage. Lahat ng paningin ay nakatuon sa monitor. Tahimik ang lahat habang nanunuod.

Nagkaroon ng bulungan ng makita nila si Andrei sa screen. Kalalabas lang nito sa may restroom. Andun din si Shane sa monitor. Nakasandal sya sa may pader malapit sa pinto ng mens room na nilabasan ni Andrei. Kitang-kita sa screen kung paanong sundan ni Shane si Andrei. Para ang itsura nila ay magsyotang may LQ.

Habang patuloy na nagpiplay ang video ay palakas din ng palakas ang bulungan ng mga estudyante. Nakatitig naman si AJ sa screen. Di nya inaalis ang mata nya doon. Ni pagkurap ay di nya ginagawa. Sobrang bilis ng tibok ng puso nya. Parang may "time bomb" sa loob ng puso nya na sa ilang segundo lang ay maaring sumabog.

Nagpatuloy ang pagplay ng video. Sa pagitan pa din ni Andrei at Shane ang tagpo. Nasa may dance floor na sila dahil pansin sa gilid nila ang mga sumasayaw.
Naunang lumayo si Andrei kay shane pero mabilis din syang lumapit dito. Kinulong nya ang pisngi nito sa palad nya at  hinalikan.

Agad na nagbukas ang lahat ng ilaw matapos ang tahpong yun.

Sa paglabas ng eksenang yun sa monitor ay ganun din ang pagtulo ng luha ni AJ. Walang patid ang paglabas ng luha sa kanyang mga mata. At kahit ganun ay hinanap pa din ng mga mata nya ang lalaking may dahilan ng mga luhang yun.

Sa paglingon ni AJ sa likuran nya ay natagpuan nya si Andrei doon. Nakatingin din ito sa kanya. Ihinarang ni AJ ang kaliwang kamay nya ng makita nyang naglalakad ito palapit sa kanya.

"Don't."

Paos na sambit nya. Umagos ng mabilis ang luha sa mata nya ng ipikit nya ito. Naitakip na din nya ang kmaa nya sa mukha nya.

"Joan---"

"Stop." Pinutol agad ni AJ ang sasabihin nito ng inangat nya ang ulo nya. Agad din syang tumakbo palayo sa lugar na yun. Tumakbo ng tumakbo si AJ hanggang sa makalabas sya sa party hall. Malakas ang ulan sa labas. Wari'y nakikisama ang langit sa lungkot na nararamdaman nya.

"Joanna. Let me explain."

Tumakbo muli si AJ ng marinig nya yun mula kay Andrei. Sinundan sya nito. Tumakbo lang sya. Binalewala nya ang ulan.

Dahil sa taas ng takong ng suot nyang sapatos, di sya makatakbo ng ayos.

"Please. Joanna. Magpapaliwanag ako."

Niyakap ng mahigpit ni Andrei si AJ ng maabutan nya ito. Pareho na silang basang-basa.

Tila nanlambot ang tuhod ni AJ. Humagulgol sya ng iyak. Di napigilan ni Andrei ang pagupo nito  kaya pareho silang nakaupo sa lupa habang yakap pa din nya ito.

"Pakinggan mo naman ako."

Pagmamakaawa ni Andrei. Ang bilis na din ng tibok ng puso nya. Di na nya kinakaya ang sitwasyon. Ayaw nyang mawala si AJ sa kanya. Takot sya.

Di umimik si Joanna. Gusto nya sanang magwala pero wala syang lakas para gawin yun. Nanghihina sya.

Pilit nyang inalis ang kamay ni Andrei na nakayakap sa kanya at pinilit nyang tumayo.

Nang tumayo din si Andrei ay buong lakas nyang sinampal ito. Maging ang kabilang pisngi ay sinampal nya din pero naging mahina na lang  yun. Tinitigan nya ito ng diretso sa mata.

"Bakla ka!! Bakla ka Andrei!! Bakit??!!!"
"Ano to?!! Bakit may ganito?!!"

Napatuon sya sa dibdib ni Andrei at doon ibinuhos ang sakit, galit at lungkot.

"Mahal kita. " Mahinang untag ni AJ. Pinilit nyang tumayo ng ayos para makita ang mukha ni Andrei. Sobra na silang basang-basa dahil sa ulan pero wala pa rin silang pakialam.

"Bakit nangyari ito?"

Iniiwas ni Andrei ang mata nya kay AJ. Di nya kayang makitang nasasaktan ng sobra ito.

"Hahahahahaha." Tumawa si AJ na buong lakas. "Oo nga pala. Di nga pala totoong tayo. Hahahaha." Sa pagtawa nya ay umagos muli ang luha sa kanyang mata. Nabaliw na sya. Nakakabaliw ang sitwasyon nya.

"I love you Drei but right now, I so hate you." Itinuon ni AJ ang hintuturo nya sa dibdib ni Andrei. "I hate you."

Tumalikod si AJ at lakas loob na naglakad palayo kay Andrei. Naglakad sya hanggang makarating sya sa gate. Napahawak sya sa gate ng makaramdam sya ng hilo.  May humawak din sa braso nya at inalalayan syang tumayo. Nagangat ng ulo si AJ at nakita nya si Kinneth.

"Di ba sabi ko dati na tawagin mo lang ako pag kailangan mo ng tulong."

Napayakap si AJ kay Kinneth at muling napaiyak.

"Sshhhh." Hinaplos ni Kinneth ang likod ni AJ.

"I'm here."

**********


Continue Reading

You'll Also Like

27.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
22.1M 533K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
1.7M 47.3K 23
~ COMPLETED ~ Side story 1 of Sweet Surrender 🦋 Started: July 24, 2021 Ended: October 30, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****