Bago mag-start ang klase, pumasok ulit 'yong nerd na inutusan ni Ms. Tan para ipatawag ako sa D.R.
Ipapatawag nanaman siguro ako dun.
"Booey, pinapatawag ka sa principal's office." Lahat nakatingin nanaman sakin. May ibang nakalagay sa pagmumukha ang salitang, 'buti nga' at 'yari ka!'
Teka--- Principal's Office?
Tumayo nako agad at iniwan si nerd. Pumunta na ako sa office ni Magalpoc. Ano nanaman kaya problema niya?
Nasa labas pa lang ako ng principal's office, pero naririnig ko na 'yong nagwawala sa loob.
Pagbukas ko ng pinto.
"How dare her do this to my daughter?!" sabi ng babae habang dinuduro-duro si Magalpoc.
Tuluyan na akong pumasok at dahan-dahang sinara ang pinto.
"There she is mom! Ang kapal ng mukha niya!" sumbong ni clown pagkakita sakin
Una kong reaksyon? NATAWA! HAHAHAHA! Bigla akong nalito, clown ba siya o panda? Hahaha! Bumagay sa kanya 'yong black eye niya.
Nanlilisik naman ang mga mata ng nanay niya na lumingon sa akin. "IKAW?! HOW DARE YOU TO HURT MY DAUGHTER?!" tsaka ako dinuro, na parang balak pa atang tusukin ang mga mata ko gamit ang kuko niya.
Idinistansya ko ang ulo ko bago pa niya tuluyang matusok ang mata ko, "Excuse me, mother of all clowns, how dare her hurt me FIRST." tsaka ko tinabig 'yong daliri niya.
"ABA! BASTOS KA AH!!" akmang sasampalin na ako pero maagap si Magalpoc at pinigilan niya 'to.
"Mrs. Rojas, you can't do that!" na napatayo na sa upuan niya.
Sinenyasan ko si Magalpoc na wag makialam.
"How dare you? Sino ka ba? Manahimik ka diyan!" pagtataas niya ng boses kay Magalpoc na napalunok pa.
Binalingan niya ulit ako, "Ikaw, hindi mo ba ako kilala? Ako ang Vice President ng company na nag-mamay-ari ng school na 'to" turo niya sa sarili niya. Hindi na siya nakasigaw pero bawat salit niya ay may diin.
Natawa si Magalpoc pero hindi niya 'to pinansin, umismid lang siya.
Akala ko President na siya ng company NAMIN eh. Hiyang-hiya naman ako sa posisyon niya. Eh kung bukas kaya janitress na lang siya doon? Noong una, wala akong pakialam sa bali-balita na inis ang ibang employee sa VP, pero ngayon, humanda siya sa'kin. Dejoke lang. AHHAHA! Boss na boss daw ang peg nitong nanay clown na 'to eh. Purket wala si daddy, feeling niya kanya na 'yong company? Daddy ko ang may hawak sa companies, si mommy naman sa schools.
I raised my eyebrow on her.
"Calm down Mrs. Rojas, andito po tayo para pag-usapan ng mahinahon 'to." sabi ni Magalpoc para awatin sa pag-hy-hysterical nanay ni clown.
"YOU SHUT UP! ALALAY KA LANG NAMAN NA PINAG-ARAL AT BINIHISAN!"
Halatang na-offend si Magalpoc sa sinabi niya kaya tinignan niya ako na para bang pinapahintulutan ako na gawin ang kung ano man ang gusto kong gawin sa kanya.
Nainis din ako sa narinig ko. Si Magalpoc kasi, anak ng labandera ni lola na pinag-aral niya. Nag-iisa 'tong anak. Mas matanda siya kay daddy at nung bata pa ako, siya rin ang nag-aalaga sa'kin. Tsaka, Magalpoc tawag ko sa kanya, kasi nung bata ako, hirap akong i-pronounce pangalan niya. Robredrigo Magalpoc, yan pangalan niya. -_- diba? Hirap i-pronounce? Oh, anyways.. Walang karapatan 'tong clown na 'to bastusin si Magalpoc! At, sa office pa niya mismo! Aba! Kahit kelan, hindi ko binastos 'yan at pinahiya! Balahura lang ako makipag-usap sa kanya pero naiintindihan niya naman ako.
"Dapat ba kayong galangin?" malumanay kong tanong. "Mukha ngang mamahalin mga suot niyo pero pang looban ng skwater naman ang pag-uugali niyo. Umiibabaw nga 'yong sangsang ng baho niyo eh, kahit naka Chanel pang perfume kayo. Eh ano kung kayo ang VP ng company na nagmamay-ari ng school na 'to?" dagdag ko. Hindi naman 'ata tama na gagamitin mo ang position mo para lang sabihin sa tao na pagmali ang anak mo e, okay lang at wala silang karapatang magreklamo dahil mataas ang position mo!
"Eh ano? I have the power to kick you out of this school. At, papahirapan kitang makapasok sa ibang school. Walang tatanggap sa'yo." pananakot niya.
Ngumisi ako, tinignan ko siya mata sa mata. "Bakit kaya hindi na lang 'yong anak niyo ang alisin niyo dito sa school na 'to? Nakakapangit ng image eh."
Sa ichura ng nanay ni Clown halatang nagulat siya na sinasagot-sagot ko siya.
"Ano ka?! Hindi ako aalis dito! Andito ang GNF 'no! Bakit, sa inyo ba 'tong school?!" epal ni clown.
"Sa inyo din ba 'to?" Tanong ko pabalik. Hindi na nakasagot si clown dahil obviously, hindi kanila 'tong school na 'to. Kaya binaling ko ulit atensyon ko sa nanay niya.
"No wonder, ganyan ugali ng anak niyo, may pinagmanahan. Lakas ng dugo niyo ah? Kuhang-kuha ni clown ugali mo pati 'yong sangsang. Baka nakakalimutan mo Mrs. Rojas, Vice President ka lang, may mas mataas pa sa'yo. Kaya wag mong gamitin ang posisyon mo para ipagpilitan na tama ang mali. Mayabang ka lang naman dahil may posisyon ka e. Pag nawala sayo 'yang posisyon mo, iimagine mo 'kong nagpapaparty." tsaka ako tumawa.. or lemme say humalakhak. Feel na feel ko maging kontrabida sa buhay nila. HAHAHAHAHAHA!
Nasa kalagitnaan ako ng paghalakhak ng biglang may malakas na dumampi sa pisngi ko. ARAAAAY! Ahh! T_T
"MOMMY!" napatili din si clown sa ginawa ng mommy niya.
"BAS.TOS. KA!" gigil na gigil niyang sabi at namumula ang kanyang mukha sa galit.
Lumapit agad si Magalpoc at inawat si Mother clown na gusto pa akong saktan.
"Alam mong bawal 'yang ginawa mo Mrs. Rojas!" sabi niya habang pinipigilan si mother clown.
"My, tama na." awat din ni clown.
"Bastos lang ako sa taong hindi kagalang-galang. Kung gusto mo ng respeto, umakto ka na karespe-respeto." nakangisi kong sabi. Hindi naman purket mas matanda siya kahit mali na ginagawa niya eh, magpapakumbaba parin ako at rerespetuhin siya. Aba! umakto siya sa edad niya.
"Bumalik na kayo sa klase niyo." utos samin ni Magalpoc.
tumalikod na ako at tinungo ang pinto, bago pa ako tuluyang makalabas
"YOU! Sisiguraduhin kong bukas wala ka na dito, kasama nitong walang kwenta niyong principal!" sigaw niya. "Get off of me!" sabay tulak kay Magalpoc.
"Sige." maiksi kong tugon tsaka ako humakbang palabas.
HAHAHAHHAH! SUmasagot pa eh.
Pagkalabas ko ng pinto, ilang lakad palayo ng office ni Magalpoc, hinawakan ko 'yong pisngi ko. HUHUHUHUHUHU! T___T Ang sakit. T_T Maluha-luha ako nung sinampal niya ako e.
"Hoy, Booey!" tawag ni clown sakin na kakalabas lang ng office ni Magalpoc.
Tinigil ko ang paghimas sa pisngi ko pero hindi ko siya nilingon.
Tumakbo siya palapit sakin.
"Hoy!" medyo inis niyang sabi. "Bakit ang tapang-tapang mo? Hindi mo ba narinig sinabi ng mommy ko? Gagawin niya talaga 'yon! Kaya, lahat ng gusto mong gawin ngayon, gawin mo na ngayon.. kasi bukas wala ka na. Akala mo ba nagbibiro siya? Huh! Asa ka!" sabi niya.
Pinipilit niya ba akong matakot? -_-
"Oo na! Ny*ta! Natatakot na ako sa nanay mo! Kaya kung pwede, lumayo ka sa'kin ng isang kilometro! Paulit-ulit!" irita kong sabi.
Binilisan ko ang lakad ko para maiwan si clown na naglagay pa ng makapal na shades.
"BOOOOOOOOOOOEEEEYYY!!!" boses naman ngayon ng lalake.
Nakakairita! And daming tawag ng tawag sa'kin!
Hindi ko nilingon.
"Hi, Lyle!" pa-cute na boses na sabi ni clown pero wala akong narinig na response na galing dun sa Lyle.
Wala akong kilalang Lyle kaya binilisan ko ang lakad ko.
Tumakbo siya papalapit sa'kin. "HOY! Bingi ka ba!?" tsaka niya ako hinawakan sa braso.
"Eh, ikaw? Feeling close ka ba? Hindi naman kita kilala makatawag ka sa'kin." sabi ko sa alipores ni Abnoy.
Oo, isa siya sa alipores ni Abnoy. -_-
Inayos niya muna ang sarili at binitawan ako, "I'm Lyle Vixen Brooke." tsaka nilahad niya 'yong kamay niya.
Tinignan ko lang 'yon. Mga 5 seconds binawi niya 'yon at tinago sa bulsa.
Kahit medyo nainis siya sa ginawa ko, nginitian niya parin ako. "Gusto lang kitang iinvite kasi birthday ko mamaya."
"Close ba tayo? Hindi ako interesado." sabay talikod
bago pa ako humakbang palayo, pinigilan na niya ako. Pagkaharap ko ulit sa kanya, nasa gilid na niya si clown.
"Ano ba?!" Irita kong tanong, konti nalang bibigwasan ko na 'to e!
'yong mukha niya medyo nag-aalangan, "Please?"
"Ayan oh, si clown. Siya na isama mo! Mukhang gusto niya. Hindi naman ako interesado sa birthday mo eh." tinignan ko si clown na mukhang agree naman sa sinabi ko.
"Hindi naman children's party 'yong birthday ko e." sabi niya na ikinasimangot ni clown
"Hindi ba matutuloy birthday mo pag hindi ako pumunta? Hindi nga sabi ako interesado! Titigilan mo 'ko o babanatan kita dito?!" irita kong sabi.
tumalikod na ako ulit at umalis.
"Andun si Tyger!" pahabol niya
Hindi ko pinansin 'yon. Eh ano kung andun siya? Pake ko?
May narinig nanaman akong tumatakbo papalapit sakin.
"I can't believe you! Paano mo nagawang tanggihan 'yong invitation niya? Hindi mo ba alam na ang mga birthday ng mga myembro ng GNF ang pinakaaabangang event dito sa school? Mas inaabangan pa nga 'yon kesa sa mga events ng school e. At konti lang ang PINAPALAD na makaattend dun, tapos ikaw, ganun-ganun na lang kung tanggihan mo?!" naghyhysterical na sabi ni clown na parang inaaway pa ako.
"Mananahimik ka o dadagdagan ko pa 'yang pasa mo sa mukha?" inis kong sabi. Ano naman gagawin ko sa birthday ng Lyle na 'yon? Tadjakan ko 'to e!
Natahimik siya, "Sayang kasi." bulong niya na parang nanlulumo.
Nyeta talaga! Kainis mga tao dito! Sarap upakan! -_- Binilisan ko ulit 'yong lakad para iwan siya. Pag hindi pa ako umalis sa tabi niya baka ano pa magawa ko talaga sa kanya at paalisin ako ng mommy niya dito sa school namin.
❌❌❌❌❌
Editwd:
11-20-'16 10:46pm