FALL FOR YOU ( KAYE CAL)

By bayo_toopsie

71K 4K 1K

Falling inlove is never easy. Lalo na kung mahuhulog ang loob mo sa isang taong kinaiinisan mo ng buong buhay... More

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Fall For You ( Book Two)
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Pasasalamat

Chapter 25

974 45 5
By bayo_toopsie

😊😊😊😊

Eksaktong alas-diyes nang dumating ako sa shop. Naabutan kong may delivery boy ng mga bulaklak na kinakausap si Rita. Mukhang kanina pa ata ang delivery boy roon, bakas sa mukha nito ang pagkainip. Gumuhit ang mga ngiti ni Rita nang makita akong bumaba ng jeepney.

Ms. Yassi! Mabuti naman at nandito ka na, nakakahiya na kasi kay kuya..sabay pasulyap na tiningnan ang delivery boy. Kanina pa siya dito, eh ayaw naman ipagkatiwala sa akin yung delivery para sayo.

Nakangiti akong sumulyap sa delivery boy. At tinanong na din kung ano ang pakay niya.

Eh Maam, napagutusan lang po, sayo ko daw po mismo iparecieve itong bulaklak,hwag daw po sa iba.. Napapakamot na turan ni Kuya.

Ok akina, inabot niya sa akin ang isang bouquet ng mga rosas at may pinapirmahan sa akin..

Salamat po,Maam,una na ako. Paalam ni Kuya, ako man ay nagpasalamat din sa kanya bago siya umalis. Nakakahiya naman sa kanya, pinagantay ko pa.

Hinarap ko naman si Rita at humingi ng paumanhin. Medyo nahuli ako ng dating dahil sa traffic. Pero mukhang wala naman siyang pakialam sa mga sinasabi ko. Nakatuon ang isip niya sa mga bulaklak na ipinatong ko muna saglit sa table ko. At mas excited pa sa kin na inusisa iyon.

Ganda white roses..! Kanino galing? Nakangiti niyang sabi habang tinititigan ang mga iyon.

Napaisip tuloy ako kung kanino galing. Hinawakan ko ang mga bulaklak at bahagyang sinamyo ang natural na amoy nito. Smells good. Nakakawala ng pagod at nakakaganda ng araw kahit na nakipagbuno ako sa traffic kanina. The bouquet looked very expensive. Sinipat ko ang paligid niyon baka sakaling may card pero wala akong napansin.

Wala. Sagot ko kay Rita. Walang card kung kanino galing..

Umiiling na sabi ko. Habang inihanda ko na ang vase na paglalagyan ng mga bulaklak.

Baka kay Andrei!? sabi niya.

Kay Andrei? Imposible! natatawa kong sabi. Hindi magbibigay ng bulaklak sa akin yon, iba ang gusto non!

Natutop ko ang bibig ko nang dumulas sa bibig ko ang mga sinabi ko na dapat ay hindi ko nasabi. Magagalit si Andrei sa akin kung sakaling nalaman niya na ikwenento ko sa iba ang lihim niyang pagtingin kay Sheena.

Bakit naman imposible? Eh di ba nga nanliligaw siya sayo!

Naku Rita hindi ah, friends lang kami non!

Natatawang sabi ko. Para namang nadismaya siya at hindi na ako kinulit. Bumalik na siya sa ginagawa. Nang maayos ko na ang bulaklak sa  vase ay saka naman nagring ang phone ko.

Tumatawag si Kaye. Kunot noong sinagot ko ang tawag niya. Nirelax ko muna ang boses ko bago ko siya sinagot.

O, Kaye napatawag ka? Bakit?

Umm.. Ask ko lang kung natanggap mo na yong pinadeliver ko?

Pinadeliver na ano?

Yung kakaayos mo lang sa vase..

Napatingin ako sa bulaklak na nakaayos na sa vase. At napasulyap din ako kay Rita na matamang nakikinig sa akin. Ayaw lang magpahalata

Ah, sayo pala galing yon?

Oo may iba ka pa bang inaasahan? Kanino sa Andrei na yon?

Sus ikaw naman hindi naman sa ganon! Nagulat lang ako bakit mo ko pinadalhan ng bulaklak.. ?

Peace offering ko sa lahat mg atraso ko sayo..

Hindi man niya nakikita ang ngiti ko ay super tamis ng ngiti ko. Kinikilig ako. Napapatingin din sa akin si Rita.

Ok salamat, Kaye.. salamat sa flowers.

Ok yon lang naman ang dahilan kung bakit ako tumawag, ingat ka lagi. Sige na babye nasa rehearsal ako..

Okay,Kaye salamat ulit sa flowers..

Para akong nasa alapaap nang ibinaba ko ang tawag. Napapangiti ako. Lumapit na rin si Rita sa akin at nakiusisa kung saan galing ang mga bulaklak.

Galing kay Kaye.. hindi ako nagpahalata na kinikilig ako.

Galing kay Kaye!!!!!!! Malakas na sabi niya. Nagulantang naman ako sa kanya.

Paulit-ulit, kasasabi ko lang di ba!

Wow!! Nililigawan ka ba niya?

Umiling ako. Nagbigay lang ng bulaklak nanliligaw na agad.?Gumagana na naman ang pagkahyperactive nito ni Rita.

Peace offering daw..

Bakit nagaway kayo?

Everyday naman kaming nagaaway, siguro katulad ko napagod na rin siya sa pakikipagaway sa akin.

Ganon?

Wala namang alam si Rita sa kasaysayan namin at wala naman akong balak na ikwento pa ang lahat. Tapos na yon. Bagong yugto na nga kami ngayon. At para bang wala ng gyerang magaganap sa amin ni Kaye sa mga susunod pang mha araw.

Simula noong nagkasama kami sa rooftop ilang araw na ang nakakaraan ay malaki ang ipinagbago ng pakikitungo namin sa isat-isa. Madalas na kami magbatian sa tuwing nagkikita kami sa gym o sa joggingan hindi na katulad ng dati na lagi kaming nagsisigawan. Madalas din niya ako iinvite na kumain sa labas o manood ng sine. Naglalaro din kami sa mall kahit saang mall basta may arcade, at horror train. Iba na rin ang ipinapakita niyang kilos sa akin. Napakagentle man. Mabait na siya sa akin at hindi na ako inaasar. Madalas na din kaming nagkakasama sa bahay ko manood ng sine at kung minsan magluto na kung ano anong maisipan naming kainin. Samakatuwid,magkaibigan na nga kami. War is over.

******

Pagkatapos naming magsara ng shop ni Rita ay nagpaalam siya sa akin na uuwi ng Cebu  sa susunod na linggo. Hindi naman ako nagatubiling payagan siya. Dahil sa totoo lang sa haba ng panahon na nakasama ko siya sa shop ay ni minsan hindi pa ito nagpaalam na umuwi muna sa kanila. Tutal nariyan naman si Sheena, para makatulong ko. Ngayon pang nagresign ang bruhang yon sa kompanyang pinagtatrabahuan niya dahil sa ex niyang nakipag-hiwalay sa kanya. Nakakatawang isipin na hindi pa siya nakakamove-on sa Eric na yon. Hitsura naman non.

Naunang nakasakay ng dyip si Rita, punuan kasi ang dyip at para lang sa isang tao ang space kaya pinauna ko nalang siya.
Nagpaalam siya sa akin at nagpasalamat na rin.

Sinipat ko ang relo ko sa bisig masyado pang maaga para umuwi. Maya-maya ay nagring ang phone ko. Pangalan ni Kaye ang nasa screen. Sinagot ko ang tawag niya, sa pangalawang beses para sa araw na to.

Hello, Kaye?

Pauwi ka na ba?

Ah, nagaabang na ako ng dyip pauwi.. bakit?

Wait ka lang dyan, susunduin kita..

Ha? ay Kaye hwag na-----

Hindi pa ako tapos magsalita ay binabaan na niya ako ng phone. Ano bang nangyari don halos tatlong araw na sunod-sunod na niya akong sinusundo sa shop pauwi. Kung sakali pangapat na araw na ngayon. Ayoko namang makaabala sa kanya lalo pa't sinabi niya kaninang nasa rehearsal siya. Medyo weird lately si Kaye. Ganunpaman, naghintay ako.Ibinalik ko ang phone ko sa bag, at tumambay muna sa nakasarang establisyemento.

Dumating ang kotse ni Kaye sa tapat ko ng wala pang isang oras, thirty-five minutes to be exact.

Hello, Yass..!nakangiting bati niya. Nginitian ko siya at pumasok na rin sa kotse niya.

Baki naman sinundo mo na naman ako? Sabi ko.

Ayaw mo ba? Sana sinabi mong ayaw mo para hindi na ako tumuloy dito.

Pano ko sasabihin eh pinatayan mo ko agad ng phone.. sabi ko.

Nakangiting sinulyapan lang ako ni Kaye. Pagkasabi ko non ay parang biglang sumakit ang ulo ko, parang binibiyak sa sakit kaya naman napangiwi ako.

O bakit anong nangyari sayo? nagalalang tanong ni Kaye nang makita niyang namimilipit ako sa sakit. Bakit ganon parang biglaan naman atang sumasakit tong ulo ko.

Biglang sumakit ang ulo ko. sabi ko habang hawak ko ang ulo ko.

Baka gutom lang yan,kumain muna tayo.. sabi niya.

Sa Zensho kami napadpad ni Kaye. Isang Japanese  Restaurant.
Umupo kami sa bandang sulok at umorder na din siya ng pagkain habang naghihintay ng order ay inusisa niya ang nararamdaman ko.

Masakit pa ba? tanong niya na ang tinutukoy ay ang ulo ko ma sapong sapo ko na. Bahagya lang akong tumango at hindi na siya sinagot pa. Sandali nalang makakain na rin tayo...

Napatitig ako kay Kaye, kahit sobrang sakit ng ulo ko ay napapagaan pa rin niya ang nararamdaman ko.Napaka-peaceful kasi ng mukha niya, nakakahawa. Dumating ang order namin at nagumpisa na kaming kumain. Walang anumang salita ang namagitan sa amin. Tahimik lang kami sa pagkain pero bakas pa rin sa mukha niya ang pag-aalala sa kalagayan ko.

Sakay na ulit kami ng kotse pauwi.Nakasandal ako sa head board ng kinauupuan ko .Mataman lang din na napatingin sa akin si Kaye.

Kung gusto mong umidlip..ok lang,gisingin nalang kita kapag nasa bahay na tayo..

Nginitian ko siya bago ko ipinikit ang mga mata ko mukhang iyon nga ang kailangan ko. Baka sakali paggsising ko ay hindi na masakit ang ulo ko.

Yass.. gising na andito na tayo sa tapat ng bahay mo.. nakatunghay ang mukha ni Kaye sa akin. Hey, sleeping beauty.

Napangiti ako sa sinabi niya.

Bakit ako nandito sa kotse mo? Dito pala nakatulog. wala sa loob na sabi ko.

Napamulagat ang mukha ni Kaye. Parang hindi siya makapaniwal sa sinabi ko.

Nakatulog ka lang nakalimutan mo na agad na sinundo kita at kumain tayo sa labas kasi masakit ang ulo mo..masakit pa ba? Sabi niya.

Hindi naman masakit ang ulo ko, hindi ko alam na kumain pala tayo, sige na baba na ako..

Waring nagulat lalo si Kaye. Eh sa wala naman talaga akong matandaan. Pumasok na ako ng bahay at nang lingunin ko siya ay nagtataka pa rin siya. Kinawayan ko na lang siya.

Sa loob ng bahay ay naabutan ko si Sheena sa salas.

Alam mo bang umuwi ako ng bahay kaninang alas-kuwatro, at naabutan kong bukas ang tv at sobrang init na niya. Nakalimutan mo atang patayin yan bago ka umalis kanina..

Sermon niya. Ibinaba ko ang bag ko sa table at hinarap siya.

Sorry na, nakalimutan ko.. kibit-balikat na sabi ko.

Eh paano naman yong shower na nakalimutan mong patayin noong nakaraang araw! Aba Yass, ano bang nangyari sayo lagi ka nalang nakakalimot, magtake ka kaya ng vitamins.. para sa mga naguulyanin, bata-bata mo pa makalilimutin ka na! mahabang litanya ni Sheena.

Napasalampak ako ng upo sa sofa. Ganon na ba ako kamalilimutin? Hindi ko pansin na madalas na pala mangyari yon. Noong nakaraang araw katulad nga ng sinabi ni Sheena ay nakalimutan ko ang shower tuloy nang umuwi siya ay bahang-baha ang banyo. May pagkakataon ding nakalimutan ko ang stove buti naalala ko nang nasa byahe na ako papuntang shop at binalikan ito. Kahit ang mumunting bagay ay nalilimutan ko na din lalo na sa mga event mabuti nalang at nariyan si Rita para ipaalala sa akin. Mabuti nalang at hindi ko pa nakakalimutan ang  sarili kong pangalan.

Napatayo ako bigla sa kinauupuan. Dahilan para magulat si Sheena na nasa harapan ko pala.

Nakakagulat ka naman! bakit ba?

Ganon na ba kadalas ang pagiging makakalimutin ko?

Aba, oo. Pero ok lang yan baka kasi sa sobrang dami ng iniisip mo, kaya ka nagkakaganyan! Parang wala sa loob na sabi ni Sheena. Napatitig tuloy ako sa kanya ng matagal. At isang bagay na naman ang gumulo sa isip ko, nang maisil ko yon ay nakaramdam ako ng takot. Parang nanghina ako na napaupo ulit sa sofa.

Huwag naman sana. Huwag ako.

============================

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 24K 56
just for fun
223K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
815K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
121K 4.5K 43
Is it worth it to invest feeling to someone who never appreciate your existence? On-going